ANALYN’s POV Maghapon akong nagkulong sa kwarto. Maghapon din akong nakatulog. KInabukasan na ako lumabas ng kwarto at nagpunta ng garden. Wala naman ang sasakyan ni Shador. Malamang ay maaga siyang pumasok sa opisina. Nagpapaaraw ako dahil ilang araw na akong hindi nasisikatan ng haring araw. May nag-door bell, busy si Nanay Sabel sa loob kaya ako na ang nagtungo ng gate. “Delivery po ma’am,” sambit ng rider pagkakita sa akin. “Para kanino po?” magalang kong tanong dito. “Para po kay Mrs. Analyn Enriquez,” sagot nito at kinuha na ang item sa kanyang lalagyan. Isang bouquet ng white roses. Kahapon ay meron din at ngayon meron na naman. “Kanino po galing, Kuya?” tanong ko pa rito. “Wala pong pangalan na nakalagay, Ma’am,” sagot nito sa akin at sabay iniabot sa akin. Pinicturan p

