SHADOR’s POV Sa opisina ni Daddy ako nito pinapa-diretso. Wala siyang sinabi kung tungkol saan pero kailangan daw niya akong makausap ng masinsinan. “Good morning, Sir!” bati ng secretary ni Dad nang makita ako. “Good morning din po, nand’yan na po ba si Daddy?” magalang kong tanong dito. “Yes, Sir! Kanina pa po sila d’yan ng Mommy po ninyo.” Tugon naman nito sa akin. May itatanong pa sana ako pero hindi ko na itinuloy dahil baka hindi rin naman niya alam ang sagot. “Pasok na po ako,” paalam ko pa rito. Kumatok din naman muna ako bago ko tuluyang buksan ang pinto. “Hi Mom, hi Dad! Why are you here, Mom? Inihatid mo po ba si Daddy?” bungad ko sa kanilang dalawa. Nagtinginan pa silang dalawa bago sumagot si Daddy. “Ikaw ang sadya ng Mommy mo. We decided na dito ka na lang kausapin sa

