ANALYN’s POV “Faith, tara na lang sa labas. Masasayang lang ang energy natin dito. Ang saya natin kanina at ang ganda ng mood natin, sayang naman kung hahayaan natin na makuha pa ng iba.” Hinila ko na ito at hindi ko na hinintay pang magsalita. Ayaw ko ng away, kami na lamang ang iiwas. Wala na rin nagawa pa si Faith, dahil hawak hawak ko na siya. “Bakit hindi mo isinalampak sa mukha ng babaeng iyon ang pictures ninyong mag-asawa? Ang lakas magsalita, akala mo e nanalo na siya. Hindi pa nga nag-uumpisa ang laban niya.” “Hayaan na natin siya! Kung doon siya masaya, e di sige. Pero wala na ako sa harapan niya kahit papaano ay magaganda na ang naririnig ko. Mabuti pa bumili muna tayo ng ating pagkain at saka tayo magtungo sa auditorium para panoorin natin ang mga banda. Ako na ang ma

