ANALYN’s POV Lumipas ang mahabang panahon at matatapos na ako sa aking second year college. Wala pa rin kaming baby ni Shador. Bukas na ang flight niya papunta sa US para sa isang Linggo na seminar. Gusto niya akong isama, pero hindi pwede dahil finals na namin sa sunod na week. Ako ang naglalaan ng kanyang mga gamit. Sa totoo ay ma-mi-miss ko talaga siya dahil walang araw na hindi kami magkasama. Si Daddy Aki, dapat ang pupunta kaya lang ay nagkasakit ito. Iba naman ang hawak ni Ninong Shadon kaya hindi siya ang pinapunta. Si Shador lang talaga ang pwede. Isang Linggo lang naman at mabilis na ito. “Sweetie pie, parang ayaw kong umalis. Dito na lang ako. Kapag umalis ako, paano ako matutulog?” nandito kaming dalawa sa closet. Ako lang naman ang may ginagawa habang nakaupo ako at

