SHADOR’s POV Matagal kaming nag-usap ng kaibigan kong detective. Kanina lang bago kami mag-dinner ay siya ang tinawagan ko. Hindi pa nakakalipas ang isang gabi ay may hatid na silang magandang balita. Nakita na agad nila si Samira at nasa isang bar daw ito. May mga ipinakita pa itong pictures na kuha nito na may kasamang oras at date at ngayon nga ito. Pictures pa lang ang mga ito at may kausap siyang lalaki habang nakaupo siya sa harapan ng bar. Kung buntis siya, bakit siya nasa ganitong lugar? Tanong ko sa aking sarili. May mga usok at umiinom pa siya ng alak. Imbis na gatas ang kanyang inumin, umuwi ng pad at matulog ng maaga at pagba-bar ang inaasikaso niya. At tungkol sa lalaking kausap niya, mukhang magkakilala sila. Hindi ko alam kung saan ko ito nakita eh. Pero pamilyar siya s

