ANALYN’s POV Bumaba si Shador mula sa kanyang kwarto. Bagong paligo na ito. Kaya pala niya ako niyayang bumaba ay para mapag-isa siya sa kwarto niya. Bumalik siya doon para maligo. Nagbago na rin ang mood niya. Nagsalita na ito at kinausap si Shadie. “Huwag na kayong papasok sa kwarto namin,” wika nito sa mga kapatid. “Shador, yung bilin ng doctor baka makalimutan mo. Hindi pa pwede ang asawa mo!” wika ng kanyang Mommy dito. Nagtama pa bigla ang aming mga mata. Sa isip ko, kahit hindi naman sabihin ng doctor ay hindi ako papayag na may mangyari sa aming dalawa. Kasi sabi sa akin ni Lea, ang love making ay para sa dalawang nagmamahalan. Ito ang connection ninyo para maramdaman ng bawat isa ang pagmamahal. Sa amin ni Shador, wala kaming pagmamahalan na nararamdaman sa isa’t isa. Ku

