ANALYN’s POV Masaya kaming nag-uusap ni Clyde. Tapos na itong kumain kaya tinawag ako para magbayad siya. Siya lagi ang una kong costumer. Kung basta basta lang ako na babae at sabik sa lalaki baka boyfriend ko na ito. Pero chickboy kasi si Clyde may kinakalantari rin itong babae sa may tapat lang namin na parlor. Kaya ganito lang kami, sinasakyan ko lang ang mga sinasabi niya pero hindi ko sineseryoso. Nagulat ako sa sinabi ni Lea habang kausap ko pa si Clyde. “Baka naman matunaw na ang legs ng kaibigan ko, parang gusto mong kagatin ah,” malakas na wika ni Lea kaya naman napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Laking gulat ko at nandito si Shador. “Anong ginagawa mo rito?” “Kilala mo? Kung tingnan ang hita mo parang gustong sunggaban eh,” tanong sa akin ni Lea at siya ang sinabi

