SHADOR’s POV Ngayon pa lang ay ganito na kami ng Chubby na iyon. Ang lakas ng loob na iwanan pa ako. Uuwi na sana ako ng bahay, kaya lang ay umaalingawngaw sa isipan ko ang boses ni Daddy. Kapag wala akong naipakita na nagawa ko ngayon, baka parusahan na naman ako. KInausap kong muli ang babaeng nakausap ko kanina. Ginamitan ko na lang ng charm para hindi na ako magpabalik-balik. Sinamahan din ako nito sa ibang opisina na kailangan kong puntahan. Naka-schedule ang seminar namin bukas ni Chubby. Kapag natapos na ito at lumabas ang cenomar namin na ipinakiusap din sa kakilala ni Janette ay pwede na kaming isyuhan ng marriage license. Makakapagpa-schedule na kami ng kasal ni Chubby. Nagpaalam ako kay Janette. Binilhan ko rin ito ng kanyang pagkain bilang pasasalamat ko. Sinabi ko rin sa

