SHADOR’s POV Alas-singko eksakto nang umalis kami sa bahay. Kasama rin namin si Nanay Sabel. Silang dalawa ni Nanay Sabel ang nag-uusap. Isinuot ni Analyn ang isa sa mga damit na dinala ko noong nakaraang mga araw. Pati ang isinuot niyang sapatos ay bumagay sa suot niyang bestida. Hinayaan lang niya na nakalugay ang kanyang tamang haba na buhok. Gusto ko sanang i-compliment ang hitsura niya pero hindi ko na lang sinabi. Narinig ko naman na napahanga si Nanay Sabel sa ayos niya ngayong hapon. Kanina pa nangungulit si Wowa na pumunta na kami. Nakatulog si Analyn kaya hinayaan ko muna dahil nga may dinaramdam siya kanina. Okay na ang pakiramdam niya ngayon, ayon sa kanya. Tinanong ko siya at sumagot naman siya. “Analyn, huwag kang kabahan. Mababait ang magulang ni Sir Aki kaya wala kan

