ANALYN’s POV Totoo nga ang sinabi ni Shador na mabubuting tao ang kanyang Wowo at Wowa. Ang hirap paniwalaan na hindi man lang ako nito tiningnan ng masama. Yung iistimahin simula ulo hanggang paa o di kaya mula paa hanggang ulo. Napaka-init ng pagtanggap nila sa akin. Napakagaan sa loob. Tama rin ang kwento ni Nanay Sabel tungkol kay Wowa. Magkakasundo nga kami nito pagdating sa pagluluto. Hindi naman talaga ako magaling magluto. Sinusunod ko lang yung tamang sukat ng sangkap para hindi mag-iba iba ang lasa. Dapat kasi consistent kaya mas gusto ko yung may sukat. Parang yung tulad sa cooking show. Ayaw ko ng pa-tsamba. Kailangan yung siguradong sukat para yung lasa siguradong masarap din. Nagulat ako sa ginawa ni Shador nang gamitin niya ang kutsarita na isinubo ko na. Ang daming u

