Tangerine's POV Halos gumuho ang mundo ko nang mapanood ko 'yong video na sinend sa akin ng isang anonymous person. Napaupo ako sa couch. Maraming katanungan ang pumasok sa isipan ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon at tila ba dinudurog nito ang buong pagkatao ko. Napapikit nalang ako at kasabay nun ay ang pagpatak ng aking mga luha. Since when? Totoo ba ito? Pa-paano? Napahikbi nalang ako at tila namanhid ang buong katawan ko. Nabitawan ko na 'yong phone at tuloy tuloy parin ang agos ng mga luha ko. Sana kung panaginip lang ito ay magising na ako mula sa bangungot. Hindi 'to magagawa sa akin ni Cib diba? Hindi... Lumulutang ang isip ko habang naglalakad ako papasok ng kwarto ko. Nang makita ko ang reflection ng sarili ko sa salamin ay mugto ang mga mata ko.

