bc

Boyfriend For Rent

book_age4+
2.0K
FOLLOW
14.7K
READ
love-triangle
contract marriage
one-night stand
opposites attract
arranged marriage
drama
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Tangerine is a hopeless romantic woman that would get into a situation that she thought it was for a temporary. A woman that afraid of commitment due to her bad past relationships.

Until a Valentine’s Day came. She rented a guy just to pretend to be her boyfriend just for that day. She has done that thing just to get rid of her parents wants.

As the time goes by, like how they took pictures with each other, would their feeling will be mutually developed?

Would their relationship remain in contract? Or would it become real?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
"Hija, meet my kumare's Son." bungad sa akin ni Mama as I entered inside our house. "He is Kevin." binaba ko ang shoulder bag na dala ko sa sofa atsaka inayos ang salamin ko. Tinitigan ko nang maigi ‘yong 'Kevin' na sinasabi ni mama. I just rolled my eyes. "Mama, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na 'to." pabulong kong saad kay mama ngunit pinandilatan lang ako ng mga mata nito atsaka ako pinilit na paupuin sa sofa katabi ni 'Kevin' Hay! kaya ayokong tumambay sa bahay eh. Araw-araw nalang ata si mama ay wala talagang palya sa pagpapakilala sa akin ng mga anak na lalaki ng mga kaibigan  niya. May hitsura naman ‘yong Kevin, sadyang hindi lang talaga ako interesado at may allergy na ako sa pogi. Sawang-sawa na ako! What I mean is... sawang-sawa na ako sa pambobola ng mga lalaking ‘yan. Sakit lang ‘yan sa ulo. I'd better focus on my work. "Ah sige mag-usap muna kayo diyan. Maghahanda lang ako ng meryenda." ani mama atsaka iniwan kaming dalawa sa sala. Tsk! Si mama talaga. "So, you're ..." he paused at tila nakalimutan pa yata niya ang pangalan ko. "Tangerine." I continued. "Pff~" I heard him almost burst into laugh pero napigilan niya. Crap! As usual, isa na namang nilalang ang muntik na matawa sa pangalan ko. Is there anything sound so funny in my name? nakakagigil lang talaga. "I'm Kevin." he said then extended his arm. Nakipag-kamay naman ako sa kanya at medyo ayoko namang maging bastos. Medyo lang.  "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to be my girlfriend." tahasang saad nito na siyang dahilan upang mapanganga ako. "Whoaa..." I blurted.  "Sandali lang ha. Ginoo, tila mas mabilis ka pa yata sa kabuti? Unang-una, hindi kita kilala and now you're telling me to be your girlfriend? Agad? Talaga ba?" I almost half yelled dahil talagang umakyat ‘yong dugo ko roon sa sinabi niya. "Well, doon din naman tayo papunta hindi ba?" he said confidently as if may gusto ako sa kanya. Ang taas ng level of confidence niya besh! Hindi ko maabot sa sobrang taas! "And what makes you think na roon tayo mapupunta?" I said sarcastically. "What do you mean?" nagtataka pa nitong tanong. "You're not my type. So now, you'd better leave." marahas kong sabi. Bastos na kung bastos! "Wait, pinapalayas mo na ako?" he asked as if first time niyang pinalayas. "Well, some sort of it." I replied. Pinanliitan niya ako ng mga mata pero ‘di ko na siya pinansin pa. Hay, anong akala niya sa akin? easy to get? "Isusumbong kita sa mama ko!" pahikbing sambit nito atsaka tumakbo na palabas ng bahay habang naiwan akong tulala sa sala. It took me a minute to react doon sa inasta niya. Hindi ako makapaniwala. Uh-oh~ nagyayabang siya sa akin kanina tapos mama's boy naman pala. Akala mo grade 1 lang kung makahikbi eh. "Tangerine, bakit mag isa ka lang? Where's Kevin?" nagtatakang tanong ni mama atsaka nilapag ‘yong meryendang hinanda niya para sana sa amin. Nagkibit balikat lang ako. "Don't tell me, pinalayas mo na naman anak?" seryosong tanong ni mama. "Napangitan yata sa pangalan ko mama." I said then chuckles. "Hindi na bale, may isa pa namang anak ‘yong kaibigan ko. Tiyak magugustuha--" "Maaaa~" I uttered bago pa man nito matapos ang sasabihin niya. "Tigilan niyo na ako okay?" napakagat nalang ako sa sandwich na hinanda nito. Oh by the way, she's  Helena Salvador. My loving and caring mother dear. And I'm Tangerine Salvador. Ang baduy ba ng pangalan ko?  Kaya siguro ako laging iniiwan.  Malapit na ang 23rd birthday ko ngunit wala pa rin akong nobyo. Oo WALA! Hay, kaya siguro praning na praning si mama nitong nakaraang araw pa. Napabuntong hininga na lamang ako at hindi ko naman siya kayang pigilan. Hindi ko naman alam na required pala kay mama na magka-nobyo pagdating ng edad na twintitri eh! Well, wala akong magagawa kung ‘yon ang gusto ng magulang ko para sa akin. Tapos na ako ng kolehiyo kaya wala na sa akin ‘yong 'Aral muna bago landi' kahit wala namang malalandi. Status? No boyfriend since break kahit walang break up! Lahat sila ay pinaikot, niloko at iniwan lang ako. Moving on, I'm currently working at a certain company as a secretary. Mayaman? hindi. Nakakaahon lang sa buhay. Bitter? Siguro kasi... ako’y naging ampalaya, AM-PINALAYA. Okay enough, ang corny mo Tangerine! "Hey big sis!" bati naman sa akin ng kararating lang na si Blue. Ang barumbado kong kapatid. Akmang yayakap pa ito sa akin ngunit iniwasan ko at pawis na pawis siya galing sa labas naglaro ng basketball. "Ang asim mong dugyot ka! Maligo ka na nga!" asar ko sa kanya. "Ang arte mo naman ate, kaya hindi ka nagkaka-boyfriend eh!" bawi naman nito atsaka kumagat ng sandwich. Aray ko ah! "Realtalk? Grabe ‘yong atake ah! Manahimik ka kung ayaw mong sipain kita! Ikaw nga diyan, gurang na pero puro babae lang naman nalalaman mo sa buhay!" pinandilatan ko siya ng mga mata. "Grabe ka naman, ang taas kaya ng grades ko. Hindi ba mama?" humanap na ng kakampi ang hunghang. "Oh siya! Tama na at baka magsuntukan na kayo diyan!" awat naman ni mama sa amin. "Oo nga pala ate, may tropa ako. Single ate. Mayaman..."  Nandito na naman po tayo mga kaigan... nagsisimula na naman sila. "Ano daw ang trabaho anak?" seryosong sabi naman ni mama. Mag-ina nga sila. "May business mama." tugon naman ng kapatid ko habang seryosong nakikinig si mama. "Baka  naman drugs ang business niyan!"  pagsingit ko sa masinsinang pag-uusap nila. "Hindi ate! Gusto mo ipakilala  siya sa'yo?" "Pumayag  ka na anak!" pangungulit sa akin ni mama. Teka nga lang... Jusme! Naririndi na ako sa mga ‘to ah. Ano? Jowang-jowa? "Pwede ba tumgil na kayo? MAY BOYFRIEND NA AKO!" those words suddenly came out from my mouth. Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. "Talaga ate? Magpapakasal ka na?" magkaka-migraine  yata ako sa bahay na'to nang wala sa oras eh. Kasal agad? "Talaga anak? Totoo na ‘yan? Omo! Kailangang paghandaan natin 'to. Kailangang papuntahin  mo siya sa bahay para makilala namin." Uh-oh~ patay! Pansin  ko lang ‘yong 'omo' ni madear ha. Napapadalas yata panonood ng korean dramas 'to. "Mama, hindi siya pwede. Busy ‘yon." palusot  ko nalang at wala naman talaga akong boyfriend. Nasabi ko lang ‘yon para matigil na sila. "IPAKIKILALA MO SIYA SA AMIN O IPAKIKILALA MO?"  mukhang galit na saad ni mother earth. "Edi ipakikilala." I answered as if may choice naman ako roon sa sinabi niya. "Sabihin  mo sa kanya ate na maglaro  kami ng basketball ah." Tuwang-tuwa  namang saad ni Blue. "Ha? Ah...Oo." I'm now wearing my most awkward smile ever. Paano na? Saan  ako kukuha ng jowabels ngayon? Lagot ka na ngayon Tangerine.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Master and I

read
136.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
582.8K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

The Sexiest Man Alive (Completed)

read
63.1K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

Twin's Tricks

read
560.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook