Someone's POV
"Posted!" she said habang nakangiting tagumpay.
"What’s that?" napabalikwas ako mula sa pagkahiga sa kama nang makita ko ang ginawa ng utol kong si Victoria sa f*******: account ko.
"Hoy ‘wag kang magreklamo dyan ha! Talo ka sa pustahan sa basketball kanina kaya ito na ang kapalit." saad nito habang pinadaan-daan pa sa mukha ko ‘yong laptop.
"BOYFRIEND FOR RENT?" halos lumawa na ang mga mata ko sa nakita ko. F*ck! Anong ginawa niya?
"Yeah, I want you to have a date with someone else this coming Valentine’s Day rather than just staying here while waiting for your ex to comeback! Stop it dude! You’re hurting yourself too much." napa-facepalm nalang ako sa sinabi niya at bumalik sa pagkahiga.
"Whatever! I’ll just do what you want." saad ko kahit pa nagmukha na akong bayarang lalaki roon sa ginawa niya.
"Good boy!" she said atsaka ako binato ng unan.
Tsk! Araw niya ngayon at natalo ako sa pustahan namin pero humanda siya sa akin sa susunod na mga araw.
Tangerine's POV
Umakyat na agad ako sa kwarto matapos kong kumain. Sa wakas ay makakapagpahinga na rin ang tenga ko. Grabe ang ingay ng mag-ina doon sa baba.
Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ko ‘yong nangyari kanina. Napasubo tuloy ako at kailangan ko ng jowabels na ihaharap sa kanila this coming February 14.
Hmm...paano ba? Binuksan ko ‘yong phone ko para tignan ang laman ng social media accounts ko. Pampa-lipas oras lang. Like you know? Buhay single.
"Eh kung sabihin ko nalang kaya na break na kami sa mismong araw ng Valentines?" I muttered to myself.
Parang mali, edi magsisimula na namang ma-praning si mama at maghahagilap na naman ng mga lalaking anak ng mga kaibigan niya.
Napahinto ako sa pag-scroll sa newsfeed ko atsaka binalik at tila may nalagpasan akong kakaiba. Something like... sagot sa problema ko.
"Boyfriend for Rent." I read the caption.
Tinignan ko muna ‘yong mga photo na naka-attached doon sa post niya.
Parang artistahin lang ang level ni kuya ah. In fairness ang pogi. Malamang maraming jowa 'to. Malamang marami na rin 'tong napaiyak at iniwan ng walang laban. Sige na nga, basahin ko na ‘yong description bago pa umandar ‘yong pagiging bitter ko.
BOYFRIEND FOR RENT FOR VALENTINE'S DAY. (Sakto ah! Destiny?)
Short Bio :
NAME: CIB (CIB Who?)
Talent: Kayang umasa kahit walang pag-asa. At higit sa lahat, kaya kong magmahal kahit hindi na ako ‘yong mahal. (Amoy basag ah!)
- Filipino
- 6'0
- Basketball Player
- Can speak Tagalog, English,and Japanese
-Handsome
-Singer
1st package: ;
* hugs
* movie date
* Buffet 101
2nd package: ;
* hugs
* holding hands
* kiss on cheeks
* tell life stories
* movie date
* Selfies
Special Package:
* hugs and cuddles
* kiss- lahat ng uri ng halik
* date-anything and anywhere
* watch sunset together
* holding hands
* Selfies
*Pwedeng take home
If you're pretty may 10% discount ka pa. *wink emoji*
Napalunok ako ng sarili kong laway matapos ko basahin ang kabuoan ng post niya. Ang taray ng take home ah! Pagkain lang?
Parang ang mahal naman ng packages niya. Mahal ba talaga o baka kuripot lang talaga ako?
Legit kaya 'to? Baka mamaya trip lang 'to at mukhang mayaman naman si kuya. Kung sabagay, mahirap ang buhay ngayon.
Nagbasa ako ng ilang komento roon sa post. Gosh! Mukhang wala ng bakante at dinagsa na ng mahaharot ‘yong post ni kuya.
Sige, masubukan nga. Kung sasagot siya agad, itutuloy ko ang binabalak kong ito. Isang araw lang 'to Tangerine. Bring home the bacon! Este just bring him at home, ipakikilala, at tapos na!
Message request sent!
I shook my head when I realized what the heck I am doing.
Ano ba ang ginagawa mo Tangerine? Isa itong kabaliwan. Baka mamaya mapahamak ka pa dahil dito.
Nilapag ko na ‘yong phone ko sa table na katabi ng kama ko nang biglang tumunog ‘yong messenger ko.
Dali-dali ko naman itong dinampot na tila ba may kaagaw ako sa phone.
"Yes miss? What can I do for you?" napangisi ako habang hawak-hawak ‘yong phone ko dahil sa wakas ay may sagot na sa problema ko.
"Hi. Are you still available on February 14? I really need you. Babayaran kita ng tamang halaga but don't you worry. There's no physical contact needed." message sent.
Ayan... typing na siya. Sana pumayag siya para matapos na ang kalbaryo ko sa bahay na ‘to.
"So what do you want me to do?" he replied.
"All you wanna do is to pretend to be my boyfriend at ipapakilala kita sa family ko. But don't worry again dahil isang araw lang ‘yon." I replied.
Kinakabahan ako habang inaantay ‘yong bawat reply niya. Pakiramdam ko ay nag-aantay ako kung anong lalabas sa lotto ngayon.
"Okay. Magkita tayo for further discussions." napatalon ako sa kama nang mabasa ko ang reply niya. Eto na ‘yon, ramdam ko na ang kalayaan ko.
"Okay. Thanks." I shortly replied atsaka nag-send ng address na kung saan kami pwedeng magkita.
Problem solved! Ang weird pakinggan but I rented a boyfriend. Yeah, I just rented a boyfriend for the sake of fake love, fake relationship, all is fake.
Someone's POV
"Crisostomo Ibarra Buendia." nagising ako sa muling pagpasok niya sa kwarto while uttering my whole freaking name.
"What?" irita kong tugon.
"February 14, save that date okay? Oh by the way meet her tomorrow at 5 o'clock pm." she said while leaving the laptop on my desk.
"Meet who?" I asked at ramdam ko na ang pagsalubong ng kilay ko.
"Just check it out. Okay?" sabi nito habang nakaturo sa laptop. "At ‘wag na ‘wag kang maging talkshit kung ayaw mong mas malala pa rito ang gawin ko hmp!" banta pa nito atsaka ako pinadilatan.
"Okay, fine." I muttered at tumayo na para tignan ‘yong sinasabi niyang kikitain ko.
Humanda ka talagang babae ka kapag ako ang nanalo sa susunod na pustahan.
"Uh-oh~" nasabi ko nalang ng makita ko ang account ko. Sabog lahat ng notification at inbox. Sa dami ng message dito, alin ba dito ang kikitain ko?
"Her name is Tangerine!" hiyaw niya mula sa labas ng kwarto ko.
Tangerine? Pangalan palang baduy na! I started to search her name at binasa ko ‘yong conversation.
Okay I'll do it. Ang simple lang naman pala. After this, ‘yong kapatid ko naman ang pagagapangin ko sa hirap ng ipapagawa ko. Pa-simple akong napangiti sa harap ng laptop.
By the way, I'm Crisostomo Ibarra Buendia. CIB for short. Uhm no, just call me CIB. Bakit gano’n ang pangalan ko? My mom is a History Teacher and she loves reading history books especially the works of Doctor Jose P. Rizal. Obvious naman siguro hindi ba? Ang katauhan ko ay mula sa Noli Me Tangere. She’s a patriot to be exact.
I actually don't like it. It just that... hindi angkop ang pangalan ko sa panahong kinabibilangan ko. That's why I'm using the name CIB rather than Crisostomo.
My little sister's name is Maria Victoria Buendia. Not so bad. Dalawa lang kaming magkapatid at talagang hilig namin parusahan ang isa't isa.
Well, I got a date huh. Let's see what will happen...