Tangerine's POV
It was pass 5 o'clock already at out ko na sa work. Ngayon ko pala ime-meet ‘yong rented boyfriend ko rito sa malapit na coffee shop lang. He said, he will be wearing a black t-shirt and a white cap. Sounds cool.
I checked first my messenger pero wala namang chat mula sa kanya since the last time we chatted. Ipanasok ko na ang phone ko sa bulsa atsaka tumawid na ng pedestrian lane at naglakad patungong coffee shop kung saan lagi akong nakatambay kapag break time. I love coffee but coffee doesn't love me. Okay, tama na ang pagiging bitter.
"The usual." sabi ko pagdating doon sa counter atsaka nginitian ‘yong barista na kilala ko na sa mukha. Alam niya na ang order ko since halos araw-araw naman akong nandirito. I love Caramel Macchiato.
Umupo na ako sa favorite sit ko at nag-antay ng maling tao este ng order ko at ng taong ime-meet ko.
"Sabi ko 5 o'clock eh." I muttered to myself after a few minutes ng pag aantay ko. Nakuha ko na ang order ko ngunit wala pa rin siya. Ano? Hanggang maubos ko na rin ‘to? Tsk! Ayokong pinag-aantay ako.
Hay naku! Tutubuan na yata ako ng ugat dito.
"Hi!" bati sa akin ng isang pamilyar na mukha na kauupo lang sa harap ng pwesto ko.
"Hi." tipid ko namang bati atsaka nginitian siya ng medyo pilit na ngiti.
He’s wearing a black t-shirt but nope! Hindi siya ang inaantay ko.
"It's been a long time. How are you?" he started a conversation.
"I'm still breathing." I replied coldly then take a sip on my coffee. Hindi ko alam kung nananadya si tadhana o ano. Sobrang liit lang ba talaga ng mundo at sa dinami-dami ng coffee shop, sa dinami-dami ng taong pwede kong makasalubong ay si Lucas pa.
"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?" he said as if wala kaming issue from the past na hindi nga nagkaroon ng closure.
Pinagpalit niya lang naman ako. Pinagpalit niya ako sa akala ko ay kaibigan ko pero pareho pala silang ahas. Inuto lang ako, pinaikot-ikot na parang bola. Ang laki kong tanga noon. Judge me if you want to. It was a few years ago pero hindi ko ‘yon makakalimutan.
"Mukhang hindi naman na kailangan. You look so happy and... very well." nagkibit balikat nalang ako.
"Honey!" nalipat ang attention ko roon sa babaeng kapapasok lang ng coffee shop.
May reunion? Sila pa rin pala ng kabit niya. Ang tibay ng mga mukha nila ah.
"Hey honey." bati naman ni Lucas sa haliparot na kabit niya atsaka sila nagtukaan sa harapan ko pa mismo.
Argh! Parang kailangan ko rin yata mag renta ng aso. Ipapalapa ko lang 'tong dalawa 'to. Potek ‘tong mga ‘to ah!
Napatingin nalang ako sa ibang direction para umiwas sa hindi magandang view sa harapan ko. Baka mag-apoy lang ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Ayoko namang umalis at baka isipin naman nila affected pa rin ako hanggang ngayon though totoo naman pero ayokong gano’n ang isipin nila and besides, tambayan ko ‘to.
Sana lunukin nalang sila ng lupa sa na nakikita kong harap-harapan silang nagtutukuan. ko ‘yong dalawang ahas na'to.
"Oh hi, Tange--tangerine?" nagdadalawang isip pa nitong banggit ng pangalan ko at nalimutan niya pa ata. Wow, ang tibay naman ng sikmura ng babaeng 'to. Sarap sakmalin eh.
Hindi na ako sumagot pa at nginitian nalang din siya ng plastik na ngiti. Mga ultra mega super duper ‘yong level ng pagka-plastik ko sa kanya.
Alam ko din namang plastik siya eh. From my peripheral vision ay nakita kong pinandilatan ni Cathy si Lucas. Nagselos pa ata ‘yong legal one?
Nang tumingin naman ako sa kanila biglang sweet naman ang eksena nila at tila pinapamukha pa nila sa akin na happy ang love life nila. Edi kayo na! Mga hayop kayo!
Bwisit! Asan naba kasi ‘yong lalaking ‘yon? Hangga't maaari ayokong kumunot ang noo ko dito.
"May inaantay ka?" tanong ni Lucas. Hay naku, ang daming dada. Bakit ‘di nalang sila umalis sa harapan ko at ang luwag luwag pa naman ng coffee shop.
"Baby! I'm so sorry if I'm late." someone says atsaka ako hinalikan sa pisngi dahilan para mapanganga ako. Muntik pang matapon ‘yong kapeng hawak ko dahil doon sa ginawa niya.
Isang nakablack t-shirt na lalaki at nakasuot ng white cap ang nakatayo ngayon sa harapan ko.
I know it was him. The one who posted the thing so called 'Boyfriend for Rent'
"Wha-what are you doing?" salubong na kilay kong tanong sa kanya ngunit sa halip na sumagot sa tanong ko ay nginitian lang ako. Giving the sumabay-ka-nalang-look.
"Your boyfriend?" napalingon naman ako kay Lucas dahil sa tanong niya.
Para silang nagulat sa nakita nila. So ano? Hindi nila inasahan na may boyfriend ako?
"Yes, I am." pagsagot ng rented boyfriend ko doon sa tanong nila atsaka ako hinawakan sa kamay na siyang lalong nagpalaki ng mga mata nila. Instead na mainis ako ay parang nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko ang hitsura nila sa ganoong kalagayan.
"Yeah, he's my boyfriend. May problema ba?" saad ko naman atsaka inayos ‘yong salamin ko at tumayo na.
"Bye." sambit ko pa at tumalikod na ako sa kanila habang pasekretong napapangiti. Nakakatawa ‘yong hitsura nila.
But wait...
Napahinto ako sa paglakad nang maramdaman kong magkahawak kamay pala kami. Agad naman akong kumalas.
"Uhm..." s**t wag kang magpa-distract Tangerine.
"Ba't ang tagal mo kasi? 5 o'clock ‘yong usapan natin diba?" bulyaw ko sa kanya.
"Whoaa...chill." napaatras namang sabi nito.
"Anong chill? Halos tubuan na nga ako ng ugat doon dahil sa kaaantay sa'yo then you came out tapos nakaisang halik kana agad sa akin?" ang kapal niya!
"Okay, sorry for being late. Na-traffic lang ako pasensya na. And sorry din sa halik." anito atsaka tinanggal ang suot nitong white cap. Bahagya niyang inayos ang medyo kulay abong buhok nito atsaka muling tumingin sa mga mata ko.
This time mas malinaw at mas malapit kong natitigan ang mukha niya but again, HINDI AKO MAGPAPA-DISTRACT. Eh ano ngayon kung may hitsura siya? Lahat naman ng tao may hitsura hindi ba?
"Whatever!" napa-cross arms nalang ako at tumahimik kesa dumaldal pa.
Panandaliang katahimikan ang namagitan sa amin.
"I'm CIB." pagpapakilala niya sa akin then extended his arm.
"I'm Tangerine." pagpapakilala ko din at tinugon ang pakikipagkamay niya.
"So, are we just going to stand-up here?" tanong nito. Ay oo nga pala. Umalis nga pala kami sa coffee shop kaya nasa hallway kami ngayon.
Ang masasabi ko lang, hindi maganda ang unang magkikita namin. That's all thank you! Philippines!