KABANATA 4

1187 Words
Tangerine's POV Conditions: *No kisses, holding hands, and any other things that the normal couple do. *No personal questions allowed. *Effective only during February 14. No more no less. Iyon ang ilan lamang sa mga kondisyon na sinulat at binigay ko sa kanya. Oh by the way, nasa isang fast food na kami ngayon. Since gutom na din ako kaya kumain na kami. Galing diba? Dinner date, joke! "Hmm...you want me to pretend as your boyfriend yet kahit holding hands man lang ay bawal? Do you think mapapaniwala mo sila?" he said habang nakapako ang mga mata niya sa papel na hawak niya kung saan nakasulat ang kontrata namin. Yeah, gumawa kami ng kasulatan at baka hindi ako siputin ng mokong na'to. "Okay, I'm fine with holding hands. I think it's enough already." sabi ko naman at kumagat ng burger. "Whatever you want. But since wala naman sa package ang hinihingi mo... I think 20,000 pesos is enough." nabulunan ako nang ‘di oras dahil sa sinabi niya. Agad naman niyang inabot sa akin ang isang baso ng tubig. "TWENTY THOUSAND PESOS?" pag-ulit ko doon sa sinabi niya. Napalakas ata ang boses ko at napatingin sa amin ang mga tao sa paligid. "Twenty thousand pesos?" pabulong kong sabi ulit sa kanya which makes him chuckles. "Tumigil ka nga...tinatanong kita." bahagya ko siyang hinampas sa braso. "Mahal kasi kapag take home." Sabi pa nito sabay ngiti ng nakakaloko. "Tsk! Take home ka diyan! Ano ka? Pagkain?" pilosopo ko namang sabi. "Why won't you try me? ‘di hamak na mas masarap naman ako sa pagkain." he said then gave me a wink. "Tsk! Landi mo!" pinanliitan ko siya ng mga mata. "Okay fine, forget about this. Nagbago na isip ko." hays, it's my fault. Nagdagdag lang ata ako ng problema sa buhay ko. "Oh really? Pano ba iyan, nag-sign kana sa contract." sabi nito atsaka pinakita sa akin ‘yong papel na pinirmahan ko at may pag-taas at baba pa siya ng kilay niya. Hmp! Nakakainis talaga ang pagmumukha niya. "So?" I muttered. "So,  that's another thing. If you want to cancel this, then you have to pay my time, my effort to came here, my--" "Hep!" pagpigil ko sa kanya. "Hindi ka naman mabiro hehehe..." napangiting pilit nalang ako kesa ma-stress pa lalo. "Good." ngisi nito. Well, ang ganda ng ngipin niya. Napansin ko lang, parang ang masayahin niya at kanina pa siya ngiti nang ngiti. Masayahin nga ba o may sapak? Naku, huwag naman sana at sayang ang kapogian ng lalaking ito. "Uhm... wala nabang bawas ‘yong price?" mahinang  tanong ko sa kanya but he chuckles again. Ano bang problema nito? Takas nga ata 'to sa mental hospital eh. Nang tumigil na siya sa katatawa ay kinuha niya ang ballpen sa table atsaka nagsimulang magsulat. Pa-simple naman akong sumilip sa sinusulat niya. But since malabo nga ang aking mga mata kaya wala pa rin akong nakita. "Here." pag-abot niya ng papel sa akin. Kinuha ko naman ito at binasa. SPECIAL PACKAGE * hugs * kisses * holding hands * Selfies *meet the parents *date (anything and anywhere) TOTAL PRICE: 10,000 Napataas ang isang kilay ko matapos kong basahin ‘yong isinulat niya. "I’ve told you already na bawal mo nga akong yakapin at halikan." mariin kong sabi. "Optional naman ‘yan. Kasama lang sa package. Baka mamaya kasi... manghingi ka ng halik sa akin eh." he said then smirked. "Whoa!" I blurted atsaka ako napakapit sa kinauupuan ko. "What are you doing?" aba'y nagtaka pa siya ha? "Kumakapit. Baka mamaya kasi tangayin ako sa sobrang lakas ng hangin." tugon ko dahilan upang matawa na naman siya. Tsk! Basagin ko nalang kaya mga ngipin nito para hindi na siya makatawa? "So deal?" he then again extended his arm. Bahala na nga. Isipin ko nalang na after ng February 14 ay malaya na ako. Hindi na ako kukulitin ni mama at sa wakas matatahimik na din ang buhay ko sa loob ng bahay namin. "Deal." I said atsaka muling nakipagkamay sa kanya pero agad ko ding binawi ang kamay ko at tila ba pakiramdam ko ay minamanyak ako ng lalaking 'to charot.   Cib's POV "So ano kuya? Kamusta naman ang pagkikita niyo? Maganda ba?" bungad sa akin ni Victoria pagpasok ko palang ng pintuan. "Hmm...not really. Maybe she's cute but not my type." sagot ko naman. "Talaga?" she asked again. "Yup. But wait, ano bang pake mo?" napaupo ako sa sofa dahil napagod ako sa sobrang init sa labas kahit gabi na. "Wala lang. Gusto ko na kasi magkaroon ng ate. ‘yong mabait, hindi tulad ng ex mo!" she said then pouted out. "Hays. Umalis kana sa harapan ko bago pa man ako mainis sa’yo." sabi ko dito at sumunod naman siya sa sinabi ko at may kasama pang irap. Habang nagpapahinga ako sa sofa. Random thoughts pop up into my mind. It just that... namimiss ko na siya. Tanga na kung tanga pero mahal ko pa rin talaga siya. At ang liit naman talaga ng mundo dahil sa dinami-dami ng lalaking pwede niyang ipalit sa akin ay ‘yong lalaking iyon pa talaga. Move on Cib! Come on! Stop this nonsense and stupid thing!   Tangerine's POV Cib. Hmm... iyon kaya ang tunay niyang pangalan? Argh! Bakit mo ba siya iniisip Tangerine? "ATE!" bungad sa akin ni Blue pagbukas ko ng pinto. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Jusme! aatakehin naman ako sa puso nito. "Baliw ka! Bakit mo ako ginugulat?" batok ko sa kanya. "Aw! Mama andito na si ate." he shouted out. Nakita ko namang nakaupo si mama sa sala at tila inaabangan ang pagdating ko. Anong meron? "Bakit ngayon ka lang nakauwi? Anong oras na? Gabing-gabi na ah!" bulyaw naman nito dahilan para mapatakip ako sa tenga ko. Hayst! si mama talaga. May duda akong nakalunok ata si mama ng mikropono sa lakas  ng boses nito. "Mama...wag kang OA! 9 o'clock palang oh!" sabay turo ko sa wall clock. "Siguro nag-date pa kayo noh?" this time tumayo na si mama at nakapamewang pa sa harapan ko. Ano bang problema nito? As if naman ngayon lang ako umuwi ng 9 o'clock? Pero in fairness. Iba ang bungad ngayon ni mama ha? Kung dati puro anak ng kumare at amigas niya ngayon iba na. "Mama hindi ako nakipag-date." sabi ko naman dito. "Hay naku anak. Alam ko na ‘yang mga ganyan. Huwag kana mahiya pa. Sa susunod tagalan mo naman sa pag-uwi anak, ang aga pa oh! Paano  naman kayo makakapag-labing labing nyan kung ang aga  mo umuwi." she said atsaka ko kiniliti sa tagiliran. My mouth hanging open... Seriously? Tama ba ‘yong narinig ko kay mama? aba'y kailangan  ko na ata patingnan si mama sa psychiatrist. "Oh siya. Kumain kana Hija my dear. Basta sa February 14 dalhin mo siya dito kung ayaw mong sunugin ko ang buong angkan nila." biglang sabi naman ni mama na siyang lalong nagpalaki ng mata ko. "Biro lang anak, halikana at para makakain kana." hindi na ako nakapagsalita pa at naglakad nalang papuntang kusina. Ang weird ni mama. Sobra!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD