"GOOD MORNING ANAK!!!" hiyaw ni mama sa loob ng kwarto ko.
"Hmm... mama inaantok pa ako." reklamo ko naman atsaka nagtalukbong ng kumot.
"Happy Valentine's Day anak!" hiyaw niyang muli ‘yong tipong mabubulabog pati kapitbahay namin sa lakas ng boses nito.
Agad akong napabalikwas sa kama nang mag-sink in sa utak ko ang sinabi ni mama.
"Valentine's Day?" pag-ulit ko sa sinabi ni mama. Shocks! Ngayon na pala ‘yon? Crap!
Agad kong dinampot ang salamin ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa atsaka ko kinuha ‘yong phone ko at nagbukas ng messenger.
"I'm on my way." Mensahe sa akin ni Cib.
Lalong namilog ang mata ko sa nabasa ko. Jusme! Nakalimutan kong ngayon na pala ‘yon. Magtatanghali na ngunit hindi pa rin ako nakabihis.
"Mama bakit ngayon mo lang ako ginising?" sabi ko naman kay mama na halatang may pinaghahandaan at bihis na bihis na.
Bumangon na ako sa kama at nagtungo sa banyo.
"Teka... bakit ba ako natataranta?" napatanong ako sa sarili ko habang unti-unting nababasa ang buhok ng tubig na lumalabas sa shower.
Napapaisip lang ako. Oo nga, hindi ko naman kailangan mataranta. At isa pa, wala naman talaga kaming relasyon kaya bakit ba ako natataranta?
"Tadah! Suotin mo ang dami na ito anak." bungad naman ni mama sa akin pagkalabas ko ng banyo habang bitbit ang isang dress na sa unang kita ko palang ay masasabi ko nang hindi ko kayang suotin.
Napailing nalang ako. "Mama... kailan niyo ba ako nakitang nagsuot ng ganyang damit? Tignan mo nga oh! Ang iksi masyado. Ano yan? Kinulang sa tela?" sabi ko naman dito at totoo naman talaga.
"Ito ‘yong bagong uso anak. Ano kaba! Kesa naman paulit-ulit nalang ‘yang mga suot mo. Mas mukha ka pang manang kesa sa akin."
Wow ah! Kung maka 'manang' naman 'tong si mama.
"Basta! Ayoko niyan!" naiirita kong sabi.
"Hay naku, bahala ka ngang bata ka!" padabog na saad ni mama at tila nainis narin sa akin.
Taray talaga ng mama ko oh! Sige, ikaw na ang sabay sa uso!
Napakamot nalang ako sa ulo atsaka binuksan ‘yong cabinet ko at naghanap ng masusuot.
Cib's POV
"Yiee si kuya ang pogi." pangungulit ni Victoria sa akin habang inaayos ko ang damit ko sa harap ng salamin.
Inismiran ko lang siya. After fixing myself ay kinuha ko na agad ang susi sa motor ko.
She gave me her address at ang layo nga ng bahay nila pero sa tingin ko ay saktong 12 o'clock PM ang dating ko doon.
"Ma~ alis na ako." pagpapaalam ko atsaka siya hinalikan sa pisngi.
"Oh? Saan ang lakad mo at bihis na bihis ka naman ata?" tanong nito at bigla nalang napangiti at nagkatinginan pa silang dalawa ni Victoria.
"May lakad lang ako ma. Nothing's important." sagot ko naman.
"I see. Well, enjoy sa date mo." nakangiting sabi nito.
Natawa nalang ako dahil alam ko naman kung anong iniisip niya eh.
"Saan si Papa?" tanong ko naman.
"Nasa office pa ‘yon. Mamayang gabi pa ang uwi." sagot naman ni mama.
"Okay. Bye ma." kumaway na ako sa kanila at naglakad palabas.
"Ikaw wala ka bang date?" narinig ko pang tanong ni mama sa kapatid ko.
Tsk! Nagsuot na ako ng helmet atsaka pinaandar ‘yong motor ko at humarurot na ng takbo.
Tangerine's POV
Tila may isang kidlat na may dalang hangin ang dumaan sa harapan ng bahay namin at nagsiliparan ang mga tuyong dahon na nasa kalsada. Napasunod ang mata ko doon sa motor na dumaan na tila ba magpapakamatay na ata ‘yong driver dahil sa bilis magpatakbo. At sa sobrang bilis ay hindi ko na halos maaninag ‘yong hhitsura ng motor niya.
Nandito nga pala ako ngayon sa labas ng bahay namin. Inaantay ko kasi si Cib. Kung maka 'Cib' naman ako parang close na kami.
Wala pang ilang minuto ay nakitang kong bumalik ‘yong motor na kadaraan lamang at huminto mismo sa harapan ko.
Napaatras naman ako. Baka mamaya ay masamang tao 'to! Tatakbo na sana ako papasok ng bahay nang bigla niya akong hawakan sa braso.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Sisigaw na sana ako upang manghingi ng tulong nang bigla niyang tinanggal ang suot niyang helmet dahilan upang matigilan ako.
Pakiramdam ko saglit na bumagal sa pag-ikot ang mundo ko nang tinatanggal niya ang helmet niya. But no! I'm just hallucinating.
"Bwisit ka! Pinakaba mo ako!" inalis ko ‘yong kamay niya sa braso ko at pakiramdam ko ay kinukuryente ko doon.
He chuckles. Argh! Again!
Bumaba na siya sa motor niya atsaka ako inakbayan.
"Anong ginagawa mo? Lumalayo-layo ka nga sa akin. Dumistansya ka naman!" bahagya ko siyang itinulak ngunit tuloy pa rin siya sa pag-akbay sa akin.
"Just chill darling." he said then winked. Naglakad na siya papasok ng bahay at syempre kasama ako. Ano daw? DARLING? Nahihibang na ba siya? Ew!
"Hijo! Mabuti at nakadalaw ka dito." maligalig namang bati ni mama kay Cib atsaka sila nag-beso.
"Oo nga po mama." nanlaki na naman ang mata ko sa sagot ni Cib. 'MAMA?' Did he just call my mother 'mama?' Pinandilatan ko siya ng mata ngunit nginitian niya lang ako.
At si mama naman parang kinilig pa ata nang tinawag siyang 'mama' ni Cib. Harot naman talaga ng mama ko oo!
"Hi bro! Ako nga pala si Blue." bati naman ng kapatid ko.
"Nice to meet you Blue. I'm Cib." sagot naman ni Cib.
"Great! May kuya na ako." nakangiting sabi naman ni Blue atsaka kumindat sa akin.
"Pasensya kana hijo at unti lang naluto ko." Saad naman ni mama habang naghahain ng pagkain sa mesa.
Take note! Punong-puno na ‘yong mesa ng pagkain tapos sabi niya 'unti lang' daw.
"Ang dami na nga po mama. Tulungan ko na po kayo." ani Cib atsaka tinulungan si mama sa ginagawa nito.
"Naku, salamat nalang hijo. Maupo ka nalang at kaya ko na ito." well, in fairness parang normal lang kumilos si Cib. Parang hindi siya umaarte. In character ang jowa ko pero hindi naman halata.
Nagsimula na kaming kumain habang nag uusap-usap sa mga bagay tungkol sa relasyon 'kuno' namin.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin nang bigla kaming nakarinig ng ingay mula sa labasan.
"Apooo!" narinig kong sigaw mula sa labas.
Teka, si lola ba iyon? Anong ginagawa nila dito?
Napatingin ako kay mama. Nakangiti lang ito at tila alam niyang darating sila. Hindi lang si lola ‘yong dumating ah. Buong angkan namin.
Nagkatinginan nalang kami ni Cib and I just gave him an awkward smile.
Uh-oh~