Tangerine's POV Muli akong hinatid ni papa pauwi at medyo late narin. Kahit papaano ay naibsan naman ang sama ng loob ko kanina dahil kay Cathy. I don't care kung hindi niya ako ituturing na kapatid. Sapat narin siguro ang malaman ko ang masaklap na katotohanang kalahati ng pagkatao ko ay kapareho ng mayroon siya. Pero kahit kailan ay hindi magiging kasing itim ng budhi niya ang pagkatao ko. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay napakapit ako sa pintuan ng makaramdam ako pagkahilo. Tila napapadalas ata ang pagkahilo at pagno-nose bleed ko. Ano kayang dahilan nito? Wala naman akong sakit. Napailing ako at muling naglakad ng tuwid papasok. As I turn on the lights... Napaatras pa ako sa gulat nang tumambad sa paningin ko si Cib na may hawak pang bulaklak. So kanina pa siya nakatayo dyan? "Happ

