Cib's POV "Mga bro ah. Sinasabi ko sa inyo, wag na wag kayong pumalpak. Putek! Kinakabahan na ako." Sambit ko at kabadong kabado na talaga ako. Para saan? Secret! Malalaman niyo din mamaya. "Matt, 'yong pinabili kong chocolates okay naba?" Tanong ko kay Matthias. "Okay na bro. Kumuha lang ako ng isa." Tugon niya at ano pa bang magagawa ko? Binuksan niya na eh. "Ikaw magda-drive mamaya ha? Wag kang pumalya." Palo ko sa pwet ni Matt na siyang kinaiinisan niya. "Yong flowers Jack? Okay na?" Tumango naman si Jack. "Laures, dapat mga 10 o'clock closed na'to huh?" Tapik ko kay Laures. "Just chill bro. Kaya mo yan. Ikaw pa!" Giit niya. Napahinga ako ng malalim para ma-relax. I think maayos naman na ang lahat. Ang kailangan ko nalang ay ihanda ang sarili ko. Ang busy ko these past few day

