Tangerine's POV
Ang tagal naman ni Cib. Sabi niya babalik din siya agad. Napatingin ako sa orasan. Kaunting kembot nalang at 12 o'clock na. Malamig na ang pagkain at parang nawalan na din ako ng ganang kumain.
Saan ba kasi siya nagpunta at tila nagmamadali siya? May emergency ba sa bahay nila? O baka naman galit siya sa akin dahil hindi ako makakapunta sa audition? Ano ba talaga? Hays! Mababaliw ako sa kaiisip eh!
Cib's POV
Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nasa sala parin si Tangerine. Tulog na siya at mukhang inaantay niya ako. Napaupo ako sa sofa. Tinitigan kong maigi ang mukha niya.
"I'm sorry." I muttered. I feel so guilty dahil sa ginawa ko kanina. Pakiramdam ko tuloy niloloko ko siya even if wala naman talagang 'kami'. I'm still feel so sorry.
Dahil tulog na tulog na siya. Hindi ko na siya ginising pa. Binuhat ko nalang siya at nilipat sa kwarto niya.
"Good night darling." I muttered again then hinalikan ko siya sa noo at lumabas na ng kwarto.
Mukhang hindi pa ata siya kumakain at wala pang bawas yung pagkaing inorder ko. Inantay niya talaga ako. Lalo tuloy akong na-guilty.
Napabuntong hininga nalang ako at pumasok narin sa kwarto ko. Nawalan na din ako ng ganang kumain.
Kinabukasan...
Tangerine's POV
Napabalikwas ako ng kama dahil pagdilat ko ay nasa kwarto na ako. Ang pagkakatanda ko ay nasa sofa ako dahil inaantay kong umuwi si Cib. Bakit nasa kwarto na ako?
Lumabas na ako ng kwarto at kaagad na hinanap si Cib.
Gotcha! I saw him at the kitchen and he seems so busy. Ano kaya ang ginagawa niya?
Naglakad ako palapit sa kanya. He's now brewing some coffee beans. Hmm, aroma palang mukhang ang sarap na. Ang bango bango naman.
"Where have you been?" Sambit ko at mukhang nagulat siya.
"Hi, darling. Good morning." Nginitian niya ako. He didn't answer my question.
"Saan ka nagpunta kagabi?" Tanong ko ulit.
"May pinuntahan lang akong kaibigan. Emergency." He answered.
"Ahhh... sino? Si Cathy?" I asked again. Natigilan siya sa ginagawa niya and this time nagkatinginan kami. Parang may nababasa akong hindi maganda mula sa mga mata niya.
"Yeah." Mahinang tugon niya.
"Okay." I shrugged. Sabi ko na nga ba. Si Cathy parin talaga ang mahal niya. Napaupo nalang ako habang pinapanood ko siya sa ginagawa niya.
"Your coffee darling." Abot nito sa akin ng isang tasa na may lamang kape.
"Thanks." Nginitian ko siya.
Pagtingin ko sa kape ay may mga letrang nakasulat dito. Parang sa isang iglap ay nawala ang lungkot na naramdaman ko.
'Smile' iyon ang nakasulat, kaya sino ba naman ang hindi mapapangiti?
Nagdadalawang isip tuloy ako na inumin 'to at malamang masisira yung design na ginawa niya.
"Ang galing mo pala gumawa ng ganito. Sana nag-barista ka nalang." Biro ko sa kanya.
"I was. Nag-barista ako before noong nag-aaral pa ako sa college." Kwento naman niya at mukhang may niluluto naman siya ngayon.
"Wow. Ang galing mo naman." Sabi ko naman at sinisilip ang ginagawa niya.
Ang sarap ng coffee, I swear. After a few minutes, tapos na din siya kaya nagtanggal na siya ng apron.
As usual, ito nanaman tayo. Lunok na naman ako ng sarili kong laway dahil sa mala-Jack Roberto nitong abs.
Anyway, mukhang ang bait niya ngayon at siya pa ang nag-abalang magluto ng breakfast huh. Feeling ko tuloy may kasalanan siya choss. Wag naman sana.
Pareho na kaming nakaupo ngayon sa mesa at handa ng kumain. Excited na akong tikman siya este yung luto niya. Ang SARILI niyang luto na pritong manok.
Unang kagat...
Tila nag-slow motion yung pagnguya ko ng pagkain ng malasahan ko ito. Ang alat alat SOBRA!
"Masarap ba?" Tanong nito.
I just smile awkwardly at him. And I guess na-gets niya naman yung reaction ko.
"Okay lang. Pwede na. But next time wag masyadong maalat." Sabi ko dito at napakamot naman siya sa batok.
Okay na sana yung coffee. Panalo na sana kaso talo sa pritong manok.
"Sensya na." Sambit niya.
~*~
Mga bandang 3 o'clock ay sinundo na ako ni sir Zach. 6 o'clock pa naman yung flight namin kaso aagahan na namin at traffic din.
Buong araw lang kaming nasa bahay ni Cib. Nag-bonding na muna kami bago umalis.
"Mami-miss kita." He pouted out.
"Tanga! Dalawang araw lang naman ako doon noh! Kung maka-emote ka dyan parang hindi na ako babalik." Giit ko.
"Basta! Lumayo layo ka dyan sa boss mo huh? Wag mo akong ipagpapalit. Update mo ako!" Wow kung makapag-demand naman 'to parang asawa ko na ah. Kung siya nga malayang nakakadikit kay Cathy eh! Hmp!
"Sige na nga! Pakabait ka din at good luck sa audition niyo. Galingan niyo ha? May prize ka sa akin pag nakuha kayo." Sabi ko at napangiti nalang. Hindi ko matiis ang pagpapacute niya.
"Oo ba!" Masiglang sagot niya.
"Sige, alis na ako at inaantay ako ng boss ko sa labas." Kaway ko sa kanya. Nakatalikod na ako nang bigla niya akong hinatak paharap ulit sa kanya at-- hinalikan.
Napapikit ako sa ginawa niya.
*dugdug...*
"Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone
All of my doubt, suddenly goes away somehow
One step closer
I have died everyday, waiting for you
Darling, don't be afraid, I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more..."
Nasa byahe na kami ngunit ang bilis parin ng t***k ng puso ko. Magpapa-check up naba ako sa doctor? Huwaah! Kinikilig ako.
"You look so happy." Sambit ni Sir Zach.
"Hindi naman." Tugon ko.
"Pero mas sasaya ka kapag ako kasama mo." Mahinang sabi niya which is enough for me hear.
"A-anong ibig mong sabihin?" Naka kunot noo na tanong ko.
"Wala." He replied.
Bahala nga siya! Basta ako masaya! Hanggang ngayon ramdam ko parin yung kiss sa akin ni Cib. Huwaaah!