bc

HASTA el fin DEL MUNDO (True, Love and Romance story ) Tagalog writing by Miss AmOre❣️

book_age18+
38
FOLLOW
1K
READ
time-travel
self-improved
drama
comedy
twisted
sweet
serious
rebirth/reborn
vampire's pet
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Masagana ang pamumuhay ni Abby sa probinsya, Na kung saan namumuhay sya na masaya kasama ang boung pamilya at mga kaibigan. Masasabi nyang kuntinto na sya sa buhay na mayroon sya. Paano nalang kung darating ang isang bangungot ng isang kahapon. Paano nya ito matatakasan kung nais ng kanyang puso ang makita muli ang nais nyang makita sa nakaraang panahon. Nanaisin pa ba nyang bumalik sa pinang galingang panahon o mas pipiliin nyang manatili na lamang sa nakaraang panahon para makasama ang taong kanyang lubos na minahal. Ano kaya ang kahahantungan ng magiging desisyon ni Abby? pipiliin ba nya ang puso o ang kanyang isipan..?

Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. At kung may kahalintulad man ito sa ibang kwinto, ito ay hindi sinasadya ng writer.

Sana magustohan nyo ang aking , ito ang unang kwinto na naithala ko para sa inyo.

* Mag Iwan lamang po kayo ng mensahe nang sa gayon ay malalaman ko kung nagustohan nyo ba ang aking kwento. Nang sa ganon ay mas lalo ko pa pag butihan ang pag susulat.

Maraming salamat,

Miss AmOre❤️

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
ABBY POV: Naka tayo si Abby sa malaking puno at tanaw nya ang palubog na araw. Sa gilid ng kanyang mga mata ay tanaw nya ang isang pigura ng isang lalaki. Dahan dahan itong lumingon sa kanya na para bang nag slow motion ang bawat pag galaw nito paharap sa kanya. Napahinto sa paghinga si Abby, dahil sa wakas makikita na nya ang mukha ng lalaki sa kanyang panaginip. Ilang buwan na itong pabalik balik sa kanyang paniginip ngunit hindi man lang ito nagpapakita ng mukha sa kanya. Itinaas naman nang lalaki ang kanang kamay nito para abutin ang kanyang kamay. Tinignan muna ni Abby ang pigura ng lalaki mula sa kamay paitaas sa dibdib, natigil ang kanyang pag mamasid sa pigura nito ng na padpad ang kanyang paningin sa nakangiting labi. Na kay sarap pagmasdan nito, kay sarap sa pakiramdam. Sa bawat pag ngiti nito sa kanya pakiramdam ni Abby ay bou na ang boung araw nya. Unting unti tinaas ni Abby ang kanyang kanang kamay para abutin ang kamay nito. Nang malapit nang dumampi ang kanyang palad sa palad ng lalaki'y bigla itong unting unti naglaho at nabalutan na ng kadiliman ang boung paligid. Napadilat ng mga mata si Abby sabay napa upo sa kanyang kama, kasabay ang pagbuntong hininga. Hanggang sa nag simula ng nag alarm ang alarm clock mula sa gilid ng kanyang kama. Kahit inaantok pa'y pilit syang tumayo para maligo. Para mahimasmasan kahit papaano. Nang natapos na syang maligo , mabilis s'yang nag tungo sa kanyang cabinet para kumoha ng damit . Pagkatapos nyang mag bihis nang uniforme ay tsaka na sya lumabas na ng kanyang silid para mag almusal. Oyy! himala ah..! gulat na sambit ng kanyang kuya Paul habang naglagay ito ng mga pinggan sa lamesa Good morning po,, bati nya sa mama at papa nya na nasa kusina na at abala ang mga ito sa paghahanda ng kanilang pagkain para sa almusal.Habang siya ay halos mabigat ang kanyang boung katawan at halos walang ganang kumilos. Aba,, akala ko tutobuan na naman ako ng litid sa leeg sa kakatawag" kahit papaano makapag pahinga naman ng isang araw itong leeg ko sa kakatawag sayo,,. Minsan kasi kahit nag alarm nayang alarm clock mo, mahimbing parin ang tulog mo. Sabi pa ng kanyang Ina habang naglapag narin ito nang pagkain sa lamesa. Kaya laging na l-late,, sabat pa ni Martin kasabay ang pag bungisngis nito. ,,iwan ko sayo" irap nyang sagot sa kanyang bunsong kapatid at mabilis na tinungo ang kanyang puwistong upoan para umopo, di naman nag tagal ay lumapit narin sa hapagkainan ang bou nyang pamilya at nag simula nang kumain ang lahat . Ganon ang buhay na naka-sanayan ni Abby, Kasama ang mga magulang at ang mga kapatid. Kahit pa minsan ay hindi magkakasundo at minsan pay nagkakaasaran ay mahal parin nya ang mga ito. Mabilis lumipas ang oras at natapos na ang boung klase ni Abby. Pakiramdam ng dalaga itong araw natu ang pinaka boring para sa kanya. Normal lang at walang ka excite-excited. Bago pa man mag disesyong umowi sa bahay si Abby ay nagtambay muna sya sa gilid ng dalampasigan. Mula sa dalampasigan ay natatanaw ni Abby ang unting unting paglubog ni Haring Araw habang naka upo lamang sya sa buhanginan. Minamasdan din nya ang mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid at ang mga alon na sumasayaw at humahampas sa malalaking bato. Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko? Sino ba sya? bakit kaya paulit ulit sya na bumabalik aking panaginip at ano ang kailangan ng estranghero nayon"? wika pa ng kanyang isipan Muling bumalik ang kanyang atinsyon sa paligid Paano kaya sila nabubuhay dito sa mundo na ganyan nalang palagi ang routine sa bawat araw? bulong nya sa sarili. O, ayan!! nagsasalita ka na naman mag isa diyan. Sabi nang isang binata at umupo ito sa kanyang tabi . Ah paano mo nalaman na nandito ako? Pagtatakang tanong ni Abby sa bagong dating na kaibigan habang nakatingin parin sya sa karagatan at hindi man lang nya ito nilingon. Galing kasi ako sa inyo. Tapos sabi ni Martin wala ka pa daw sa bahay. E , wala naman ibang lugar na gusto mong puntahan maliban dito . paliwanag pa nito sa kanya habang unting unti lumalapat ang likod nito sa buhanginan. "Ganon ba? maya maya pay humiga narin sya' at ginawang unan ang braso ng binata. "Ang sarap nang simoy ng hangin dito ano..? Kaya nga gustong gusto ko dito tumira eh. sabi pa nito habang nakatanaw sa kulay asul na kalangitan. Oo..Tama ka, fresko at hindi polluted ang hangin at ang kulay asul sa kalangitan na kay sarap pagmasdan. sang ayon pa ni Abby sa kaibigan Ahemm!! Aba ang ganda view!!,, sabi pa ng isang malakas na tinig ng isang babae. K-karen!? sabay na sambit nilang dalawa at sabay napabangon mula sa buhanginan. "Oyy, yong iniisip mo wala yon. depinsa ni Abby sa sarili mula sa bagong dating na kaibigan. Ano kaba,, para kang sira diyan.." natatawang sagot naman nito sa kanya habang mahinang hinahampas ang kamay nito sa kanyang balikat. "Nandito narin lang si Karen, ano kaya kung gagawa tayo nang sands castle. Masayang turan ni Kenneth sa mga ito. Oo nga,,! masaya yon, palakihan tayo ng gawa? Sang ayon naman ni Karen sa kaibigan habang nag sisimula nang nag ipon ng mga buhangin sa kanyang harapan. Sya naman ay masayang pinag masdan ang dalawang kaibigan habang masayang gumagawa ng sands castle at habang nagkukulitan. Kaya nagdisisyon narin syang gumawa ng sarili nyang sands castle. Nang natapos na ang ginawa nila ay lumayo muna silang tatlo ng kaunti para tignan sa malayuan ang gawa nilang mala palasyong buhangin . "Gusto ko talaga maging isang sikat na Architect. Gagawa ako ng malalaking buildings " na ako lang ang mag design at ipakita ko sa lahat ang mga gawa ko. Para hahangaan ako balang araw!.. Ani pa ni Kenneth habang uma- action pa ito na para bang nakikita nya sa kanyang harapan ang kanyang imagination. Natawa na lamang ang dalawang dalaga sa tinuran ni Kenneth. "Diba doctor ang daddy at lolo mo,,? tanong ni Karen kay Kenneth, ngunit nakatingin parin ito sa ginawa niyang sands castle. "Ang tanong papayag kaya sila na maging isang sikat na Architect ang anak nila? dugtong pang tanong ni Abby dito habang palipat lipat itong tumingin sa tatlong mala-palasyong buhangin. "E, yon ang gusto ko ehh,,at tsaka mayron pa naman akung isang pinsan nasa America nag aaral. Sya ang magpapatuloy sa mga pangarap ni lolo. sabi pa nito habang ang dalawang kamay nito ay naka pamaywang. 'Hmm,, gusto ko rin maging isang kilalang architect na babae balang araw. Wika naman ni Karen sa dalawang kaibigan "Oo na, Sige lang ipag patuloy nyo lang ang mga pangarap nyo libre naman e"!!. Basta ako mag nu-nurse ako. walang gatul na sabi ni Abby sa mga ito "Huh, bakit ka mag nu-nurse? nagtatakang napakamut nalang si Kenneth sa turan ni Abby habang masaya naman ito naka masid sa gawa nila "Ang sabi kasi nila, kapag nursing ang kukunin mo ay mabilis kalang makapag apply ng trabaho;, lalo na't kung sa abroad ka mag a- apply. wika pa ni Abby habang muling umopo sa buhanginan at nilagyan nya ng kunting design ang paligid ng nagawa niyang sands castle Ang ganda ng gawa ko ano!? masiglang tanong ni Kenneth habang naka di kuwadtro na ang mga braso nito Oy, mas maganda ang akin!. sabat naman ni Karen kay Kenneth. "Walang mas gaganda pa sa gawa ko!! sabi naman ni Abby habang pinapagpag ang kamay nito dahil may mga buhangin pa itong naka dikit sa kanyang mga daliri. Ows!! sabay na sabi ng dalawa sa kanya. "Paano mo nasabi na maganda yang gawa mo eh,, tignan mo nga ang liit liit.,,. natatawang sabi pa ni Kenneth sa kanya. "Subokan mo kayang buksan ang imagination mo at pumasok ka sa loob at nang makita mo kung gaano kaganda ang loob niyan"!. wika pa nya habang naka ngisi Mula sa likod ay rinig naman ni Kenneth ang pagbungisngis ni Karen. Ay!! iwan ko sa inyo,, pinag ka isahan nyo na naman ako. sabi pa nito habang nag martsang maglakad palayo Hoy Ken!! saan ka papunta!? Nagtatakang tanong ni Abby dito. Nag patuloy lang itong naglakad palayo. Kaya naman nagkatinginan nalang sila Abby at Karen na may halong pagtataka. Maya maya pa'y sumonud naman silang dalawa habang tumatakbo palapit dito. Nang napansin ni Kenneth na hinahabol siya nang dalawa ay nag simula na syang tumakbo para hindi sya maabutan ng mga ito Elementary palang ay kaibigan na ni Abby si Karen. Maykaya ang pamilya nito dahil ang ama nito ay isang Seaman at ang Ina naman nito na si tita Fatima ay isang guro sa paaralan ng elementarya. Kaya masasabing mas na aangat ang pamumuhay nila kaysa kina Abby. Ang mga magulang kasi ni Abby ay may maliit na canteen sa bayan. At ang kanyang ama at ina ang uma asikaso nun. Si Kenneth naman ay nung nag first year high school pa sila Abby at Karen nagkakilala. Nung baguhan pa kasi sila Abby sa Central High school ay talagang malapitin na sila sa disgrasya, dahil halos walang araw na hindi sila binubully ng mga anak mayaman na nag aaral din doon. Palibhasa kasi nag iisa lang ang Central High school na paaralan sa boung Coron. Kaya ang kalabasan ay naghalo halo ang mga anak mayaman at anak ng mga mahihirap. Iwan ba ni Abby kung bakit yong ibang anak mayaman kasi ay allergic sa mahihirap na katulad nya. Kaya ayon pati si Karen nadadamay dahil sa panay dikit nito kay Abby Natigil lang sila sa pag bubully nang sinabi na ni Kenneth na kaibigan nya ang mga ito. Kaya ang siste ay umiiwas na sila sa kina Karen at Abby. Dahil siguro sa takot silang magantihan ni Kenneth. Dahil kasi may grupo itong kinatatakutan sa boung paaralan. At simula noon ay naging matalik na silang magkaibigang tatlo. Hingal na hingal silang tatlo nang makarating sila sa bakuran sa harapan ng bahay nila Abby. Kaya nang na abutan ni Abby si Kenneth ay mabilis nyang sinungkaban sa leeg gamit ang isang braso ny. Aray! aray masakit. wika pa ni Kenneth habang nakangisi at hawak hawak ang braso ni Abby na mahigpit na nakakapit sa kanyang leeg. Alam ko naman kasi na magaling kana sa martial arts, kaya bitawan muna ako". wika pa nito habang naka-kapit ang dalawang kamay nito sa braso ni Abby na hanggang ngayon ay nasa leeg parin ni Kenneth. Oo na, sorry " masakit ba? tanong ni Abby sa kaibigan Hindi naman, piro ang laki na nag bago sayo mula nang sumali ka sa ka dun- tika' ano nga yong pangalan nun"? nakalimutan ko,, " Tanong ni Kenneth sa dalawang dalaga habang kumakamut pa ito sa ulo "Teakwondu. sabay na sagot ni Abby at Karen O anong nangyayari sa inyo at bakit parang hina habol kayo ng sampung kabayo diyan? nagtatakang tanong ni Alice sa tatlo. Dahil hingal na hingal ang mga ito papasok sa gate na gawa sa kawayan. "Hi Po tita Alice. bati naman ni Karen sa Ina ni Abby. "Oh Karen kamosta na ang Lola mo? magaling naba sya? tanong ni Alice kay Karen habang abala ito sa pag didilig ng mga halaman sa maliit nitong garden. Oky na po sya tita, nasa bahay na po at nagpapagaling na. Sagot nya naman ni habang naglagay ng tubig sa baso na hawak nito. Mabuti naman, Tika may binili pala akung puto mula sa pinsan ko sa bukid. Kagaling kulang din dun at bumisita sa Lola ni Abby. Abby anak, kunin mo ang puto nasa taas ng refrigerator na tinakpan ko. Para naman makakain kayo ng merienda. Tamang tama at mainit payan. Utos naman nito sa anak. Opo ma.." sagot naman agad ni Abby sa kanyang Ina at mabilis na tinungo ang loob nang kanilang kusina. Iniwan ni Abby ang mga kaibigan sa ilalim ng punong mangga na kung saan ay may lamesang kawayan at upoan na kahoy sadyang ginawa ng Papa nila Abby iyon para pag tambayan nila kapag nag papahinga at para makalanghap narin ng sariwang hangin. Paglabas ni Abby ay dala na nya ang puto na naka lagay sa tray. Nag dala narin sya ng Pitsel na may lamang juice, baso at maliit na Plato para sa puto. Wow! Ang sarap kaya niyan. sabi naman ni Kenneth habang nakatingin ito sa puto hanggang sa nailapag na ni Abby sa lamesa . Hmm at ang bango pa! Sang ayon din naman ni Karen habang inaamoy pa nito ang puto na bagong gawa Asus,, sabihin nyo nalang kasi na mas masarap ang libreng merienda. natatawang turan ni Abby sa dalawa.Tumawa lamang ang dalawa bilang sagot kay Abby Mula sa malayo ay rinig ni Alice ang bangayan at diskusyon ng tatlo.Harutan doon at kulitan dito. Sanay na siya sa ingay ng tatlo. Kasi kapag dumalaw ang dalawa sa anak nya, asahan muna ang susunod na eksina . At natawa na lamang si Alice sa mga naririnig na usapan mula sa mga ito. Kaya napag pasyahan na ipagpatuloy nalang ang pagdidilig sa kanyang mga halaman Nang natapos na ang kwintohan at kulitan ng tatlo ay nag paalam na si Kenneth dahil may aasikasohin pa daw ito sa kanila. Sumonud naman nag paalam si Karin. Kaya nang na iwan na si Abby mag isa sa puno ng mangga ay mabilis nyang niligpit ang pinag kainan nilang tatlo at dinala ito sa kusina. Sumonud naman si Alice sa anak. "Uuwi daw dito sa susunod na linggo ang ate Rowena mo. Simula nang mama nya sa pag kwinto. "Ha? piro bakit po ang bilis naman ata. nagtatakang tanong ni Abby. 'Aba kahit ako ay hindi ko rin alam. Baka hindi na nya nagustohan ang buhay sa manila lalo na't nag iisa lamang sya dun. sabi ni Alice habang naghahalo ng gulay sa nilutong pagkain para sa hapunan nila. Dapat lang na umowi na sya dito, dahil babae pa naman sya" at hindi maganda kung lumayo pa sya dito satin. Sabat naman ni Robert na ama ni Abby. Napatayo na lamang si Abby mula sa pagkaupo sa harapan ng lamesa at sinalubong ang ama at nag mano. Oh buti at nandito kana Abby, Ma, may dala akung isda,, Ikaw na bahala kung ano ang gagawin diyan. sabi nito sa asawa habang inabut nito ang dalang malaking isda . Sige mamaya kuna yan linisan at na gugutom narin ako. Martin tama nayang paglalaro mo! kakain na. sabi naman ni Alice sa bunso habang naglalagay nang pagkain sa lamesa. Si Paul? tanong ni Robert sa dalawang anak. Dahil sa hindi pa ito nagpakita mula nang nakarating siya sa bahay mula sa kanilang canteen sa bayan. Andito na po ako!! sambit nito habang papasok mula sa sala. Aba!! mukhang masaya ahh. puna agad ni Abby sa kanyang kuya na masigla itong lumapit sa kusina at nag mano sa ama at Ina nito. Pinagmasdan naman ni Robert ang anak na pangiti ngiti pa itong umupo sa lamesa . Ano kaba Abby , masaya naman ako palagi ah,. sabi naman ni Paul habang nag lagay nang tubig sa baso. "Baka sinagot na sya nang kanyang nililigaw- naputol naman kaagad ang sasabihin ni Martin nang tinakpan agad ni Paul ang bibig nito ng kanyang kanang kamay. Nagkatinginan naman ang mag asawa, kasabay nun ang sabay nilang napatingin kay Paul. Napa bungisngis naman si Abby sa narinig. Edi wow may girlfriend kana kuya!! sabi pa nya dito Paul ano to? Tanong ni Alice sa anak dahil sa nag simula nang namumula ang pisngi dahil sa pagkahiya. Ah, eh kasi ma ang tot- naputol nalang ang sasabihin ni Paul nang nag salita na ang kanilang ama. Tama na muna yan! taposin nyo muna ang kinakain nyo at dun tayo sa sala magtatapos ng usapan. Sabi pa nito habang ngumonguya ng pagkain. Nang natapos na nga silang kumain nang haponan ay dumaritso na agad sa sala ang ama nila at tinawag si Paul. At habang naghuhugas ng plato si Abby ay pasimple naman syang nakikinig. Tulad nga nang inaasahan ni Abby ay nag sermon muna ito saglit at maya maya pa'y narinig pa nya na nagtanong ang kanilang ama kung kailan ipakilala sa kanila ang bagong nobya. Napabuntong hininga nalang si Abby at nagdisisyon na taposin ang paghuhugas ng mga plato. Mabilis na lumipas ang oras at araw ay sumapit na nga ang lunes . Gagaling lang ni Abby sa iskwelahan at pagod mula sa pag papractice sa pag kanta at pag martsa dahil malapit na ang graduation nila sa high school. Papasok palang si Abby sa kanilang gate na kawayan ay rinig na nya ang malakas na bosis ng kanyang ina. Napatakbo syang pumasok sa kusina at dun nakinig ng usapan. Aba Rowena!! umaasa kami ng iyong ama na maging maganda ang kinabukasan ang makukuha mo dun sa manila. Nagtiwala kami sayo!. Piro bakit naging ganito ang sitwasyon mo ngayon!? Galit na sabi pa nito sa kanyang ate. Tanaw naman ni Abby ang kanyang ama na walang kibo. Nakatanaw lang ito sa malayo at malalim ang iniisip. At ang ate Rowena nya naman ay walang tigil sa pag iyak habang humihingi ito ng tawad sa kasalanang ginawa. Ma, papakasalan naman ak- naputol ang sasabihin ni Rowena nang nag salita ulit ang kanilang mama Hindi purket pakakasalan ka nito ay magpapabuntis kana agad Rowena!! Galit paring sabi ng kanilang ina Napasinghap nalang si Abby nang marinig nya ang sinabi ng kanilang Ina . "B-buntis si ate kaya ito umowi ,, bulong pa nya sa sarili. Mula sa likod ay lumapit si Martin kay Abby at katulad ni Abby ay nakikinig lang din ito habang kumakain ng merienda. "Ate, ano na ang mangyayari kay ate Rowena? tanong nito sa kanya. Hindi ko alam,, malungkot na sagot ni Abby sa kapatid habang nakayuko P-pangako po,,! hindi ko po kayo bibiguin tita. Kahit anong araw po ay papakasalan ko si Rowena. Sabat naman nang lalaki mula sa gilid ni Rowena Papuntahin mo dito sa bahay ang mga magulang mo. Pag usapan ang dapat pag usapan tungkol sa magiging kasalan ninyo sa madaling panahon" bago pa lalaki ang tiyan ni Rowena. Sabi pa ng papa nila habang mahinahon itong nag salita. Napabuntong hininga nalang ang kanilang ina sa inasal ng kanilang ama. Kasabay nun ay ang mabilis itong tumalikod at pumasok sa kanilang kwarto. Maya maya pay sumonud naman ang kanilang ama. Mula sa kusina ay tumayo agad si Abby at lumapit kay Rowena habang umiiyak ito sa upoan. Tahan na ate, nakakasama sa baby ang subrang pag iyak. sabi pa ni Abby sa kanyang ate habang hinihimas ang likod nito Napatingin naman ito sa kanya. Narinig mo ba ang pinag uusapan namin? tanong nito sa kanya. Oo naman, kanina pa kami ni Martin sa kusina at nakikinig lang. Mula sa kusina ay lumabas si Martin at pilit na naka ngiti ito kay ate Rowena. Halika nga dito bunso, Sorry sainyo huh"? kasi nabigo ko sila papa. Yong pangako ko sa inyo na bibigyan ko kayo nang magandang buhay. Hindi kuna matupad ngayon.,, sabi pa nito habang nag pupunas ng luha. 'Ate wag kang mag alala, andito pa kami ni Martin; Kami ni Martin ang magbibigay ng magandang buhay kina mama at papa. sabi naman ni Abby sa kanyang ate habang nakangiti Tumango lang naman si Martin bilang pag sang ayon nito sa sinabi ni Abby. Kaya sumilay na ang ngiti sa mga labi ni Rowena. Nag pakilala naman si Kuya Marvin at kinuwinto nito ang totoo nilang relasyon.Sa kabilang bayan si Kuya Marvin nakatira.Nagkakilala sila noong nag aaral pa sila sa Central High school. Niligawan agad ni kuya si ate nung una nya itong nakita. At nang malapit na sila mag graduate sa high school ay sinagot na kaagad ni ate Rowena si Kuya Marvin. Nagtuloy tuloy ang kanilang relasyon hanggang sa nag college silang pariho at nang grumaduate ng college ay pariho sila ng hospital na pinasukan . At palagi narin silang lumalabas. Hanggang sa may nangyari nanga sa kanila at nagbunga ang pag mamahalan nila. Kinabukasan, naglalakad si Abby sa campus ng napadaan sya sa canteen, Abby!! kumakaway habang tinatawag ng isang lalaking naka salamin ang pangalan nya. Kahit alanganin ay lumapit si Abby sa kanila. The Campus Boys, Ang sabi ng estudyante sakin noon ang swerte ko daw, kasi ka close ko daw ang TCB. Ngunit ang sabi ko naman, hindi iyon swerte kundi blessings iyon. Dahil kung hindi sa kanila baka hanggang ngayon ay binubully parin kami ng ibang anak mayaman. wika pa ng kanyang isip habang papalapit sya sa TCB. Hi,, bati naman ni Abby sa kanila. Kamosta kana? panimula ni Carlo Hmm, ito ayos lang naman. tipid nyang sagot Congratulations pala, nasa top 10 ka. Sabi naman ni Lance habang abala parin ito sa pag babasa ng libro. Wow naman,,sana all! baling naman din ni Ryan sa kanya habang kumakain ito ng sandwich "Ito si Lance alam mo ba Salutatorian. Sabi pa ni Carlo habang proud pang inakbayan ang kaibigan " Wow! Talaga ba? Ang boung akala ko pagtatambay lang ang alam nyong gawin dito sa campus. sagot ni Abby sa kanila habang mangha sa nalaman. "Hindi naman palagi,, ganito kasi yon ang priorities talaga namin ay study first. Second beache's, next hmm ano pa? nag isip muna si Carlo sasabihin ng nag salita si Alex . Mga chika babes" dugtong agad ni Alex sa pag iisip ni Carlo Agad naman binatukan ni Ryan si Alex Ang dami mong kalokuhan!! sabi pa nito habang nagpupunas na nang tissue sa bibig. Napakamut nalang sa batuk si Alex dahil sa pag batuk ni Ryan sa kanya. Napabungisngis naman si Lance, dahil nag simula nang mag asaran ang dalawa Boring ang life kung walang chika babes..! tignan mo si Kenneth ang taas ng grades dahil may inspiration sa pag aaral"!! sagot naman ni Alex kay Ryan habang kumakamut parin ito sa batuk. Para kayong mga bata,, Wika pa ni Carlo sa dalawa Natatawang pinagmasdan naman ni Abby ang dalawa habang nagbabangayan. "Kung hinahanap mo si Kenneth, malamang hanggang ngayon nasa DEN parin yon,,. sabi naman ni Lance habang tinigil na nito ang pagbabasa at nakatitig na ito sa kanya. Ah, ehh, hindi ko naman sya hinahanap ah. Sagot pa nya sa sinabe ni Lance. "Piro ano pala ang ginagawa ni Kenneth sa DEN? May nagawa ba syang kalukohan kaya sya pinatatawag doon? nag alalang tanong ni Abby sa kanila. Nag tatawanan lang ang mga kaibigan ni Kenneth dahil sa kanyang katanungan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook