Makalipas nang dalawa araw maaga palang ay nagpaalam si Abby sa mga magulang ni Catherina para pumonta sa bayan. Ngunit ang totoong plano talaga ni Abby ay puntahan sa bundok Bapua ang matandang babaylan . Pinayagan naman sya ng kanyang kinilalang mga magulang at sinabihan na dapat bago mag dapit hapon ay naka balik na ka agad siya sa Bahay, para hindi na sila mag alala.
Natuwa naman si Abby dahil sa pinayagan syang umalis. Hindi naman makasama si Margarita at Nenetha, dahil abala ito sa kabilang bahay ng kanilang tiyohin.
Bago umalis si Abby ay dumaan muna sya sa kabayo dahil plano nyang gamitin ito para mabilis s'yang makarating sa bundok Bapua.
Hindi din nya alam kung kailan pa sya natuto mangabayo. Piro sa tingin ng dalaga, matagal nang nangangabayo si Catherina. At dahil sanay na ang katawan ni Catherina na sumakay sa kabayo ay yon narin ang naka sanayan ni Abby ngayon. Kahit papaano ay may lumilitaw na kunting alaala sa isipan ng dalaga at kahit papaano ay magagamit nya din ang mga alaala iyon. Halimbawa nalang kung paano sumakay sa kabayo.
Hi Miro,, maari ba kitang masakyan papunta sa bundok Bapua"? Nais ko kasing puntahan ang matandang babaylan sa tuktok ng bundok. Masasamahan mo ba ako..? tanong nya sa kabayo
Pasimple lang tumingin sa kanya ang kabayo na si Miro, maya maya'y yumuko ito at muli ng kumain ng damu sa paligid nito.
Tinanggal naman ni Abby ang tali ng kabayo sa puno, tsaka ito hinila.
Sumunod naman sa kanya ang kabayo na walang imik.
Sasakay na ako sayo huh"? sana hindi ka mabibigatan sakin. Sabi pa nya habang hinihimas ang ulo ng kabayo.
Hanggang sa nakasakay na nga si Abby sa likod ni Miro. Binaybay na nila ang makiput na daan patungo sa Bundok Bapua, makalipas ng kalahating oras ay
maayos silang nakarating sa paanan ng bundok.
Wow!! diku to inaasahan na malayo pala to at mas malaki pala ito kaysa inaasahan ko,, mangha sabi ni Abby habang nakatingin sa paanan ng bundok
Tumoloy na nga sila at pumasok sa loob ng kagubatan, kahit hindi kabisado ni Abby ang pasikot-sikot ay nagpapatuloy lamang sila sa paglalakad. Hanggang sa nakarating na sila sa gitna ng bundok. Napaka tahimik ng kapaligiran, maririnig mo lamang ay ang mga tinig ng mga ibon na humi huni sa mga ka punoan. Kahit tanghaling tapat ay madilim na ng kunti ang boung kapaligiran, dahil narin natatakpan ng malalaking puno ang sinag ng araw. Hanggang sa may narinig silang kakaibang kaluskos, uma angil na mga bosis.
Nag simula namang hindi mapalagay ang kanyang kabayo na si Miro. nag lakad pasulong tapos aabante, na tila bang mayroon itong kinatatakutan na hindi nya na kikita.
"Ayos lang yan,, Sabi pa ng dalaga habang hinihimas ang likod nito. Piro kahit sya ay hindi narin maganda ang kanyang pakiramdam sa boung paligid. Dahil sa gilid ng kanyang mga mata ay nakikita nya ang mga Anino na umaaligid sa kanyang gilid. Mabilis siyang napalingon mula sa kanyang gilid, ngunit wala siyang nakikita. Mas naging balisa ang kabayo na si Miro ng naglakad pa sila papasok sa kagubatan. At sa bandang iyo ay hindi na gaano nasisilayan ng araw. Dahil mas malalaking puno na ang humaharang mula sa sinag ng araw.
Pag karating nila sa malaking puno ay tanaw na nya ang hugis ng isang Anino. Hugis aso ito, hanggang sa lumabas ito mula sa madilim na parte ng kagubatan. Nakaramdam si Abby ng takot ng mapag tanto kung anong klasing nilalang ito. Isang malaking aso, o mas magandang sabihin na malaking lobo. Mas tumindi pa ang takot ng dalaga ng mapag tanto na di lang nag iisa ang lubo na sa kanyang harapan. Dahil mula sa madilim na lugar kung nasaan nang galing ang isang lobo ay may lumabas pang apat. Kung babasihan, kasing laki ito ng mga tegre o lion sa laki. Nanglilisik ang mga mata nito at nag lalaway pa. Payak ang mga tiyan at halatang gutom na gutom ang mga ito.
Napalunok ng laway si Abby, pakiramdam nya na istatwa siya saglit. Nag freezed ang kanyang utak at walang maisip kung ano dapat gawin.
LEO POV;
Abala si Leo sa kanyang ginagawang pag pupunas sa kanyang baril, nang lumitaw sa kanyang harapan ang inutusan niyang magbantay kay Catherina.
Pinuno,, Sabi pa nito sa kanya habang nakayuko
Natigilan naman ang binata sa kanyang ginagawa at tumingin sa lalaki sa kanyang harapan.
Ano't nandito ka..? kunot noong tanong nya dito
Si siñorita Catherina, Papunta sa bundok Bapua,, at sa tingin ko nais nyang hanapin ang matandang babaylan sa tutok ng bundok Bapua. wika pa nito habang nakayuko parin sa kanyang harapan.
Nang marinig iyon ni Leo ay mabilis s'yang napatayo.
"Sabihin mo kina Gaston na sumonud sila ka agad sa akin sa bundok Bapua!! mabilis niyang utos dito.
"Masusunod pinuno.,, kasabay nun ang mabilisang paglaho nito sa kanyang harapan
Ano ba ang nais nya..!? bakit sya nag padalus dalos na pumonta dun. Hindi nya ba alam na dilikado ang bundok nayon? nag alalang wika ni Leo.
Mabilis naman siyang nag laho at lumitaw sa harapan ng kanyang kabayo. Agad naman s'yang sumampa dito at pinatakbo ito ng matulin.
Di nag tagal ay nakarating na nga sya sa paanan ng bundok Bapua. "Sana hindi pa huli ang lahat ,, Sabi pa nya hanggang sa nagtuloy tuloy nang tumakbo ang kabayo papasok sa loob ng kagubatan.
SAMANTALA,,
Nag mamadali mag lakad ang mag amang Tisyo at Boboy habang nagpalinga linga.
Bilisan mo ang paglalakad anak! baka mahuli nila tayo!! Tarantang sabi pa nito sa kanyang anak.
"Eh Tay, napapagod na po ako ehh,, pahinga po muna tayo. sabi pa nito habang nanghihina na dahil sa walang katapusang pag lalakad takbo ang ginawa nila.
"Anak, kailangan nating makarating sa bayan,,!
Ngunit nakita ni Tisyo subrang pagod na ang kanyang anak at ang kanang kamay nito ay nakahawak na sa dibdib, dahil sa halong halong emosyon ang nararamdaman nito.
O Sige piro saglit lang huh. Kailangan talaga natin makalayo dito anak,, sagot pa ni Tisyo habang nakaramdam narin ito ng pagod.
Umopo muna sila sa ilalim ng punong santol habang nagpalinga linga sa paligid. Maya maya pa'y may nahagip si Tisyo na mabilis na tumatakbong mga anino sa kanilang gilid.
Anak tayo na!! tarantang sabi nito sa kanyang anak.
Muling nag lakad takbo ang kanilang ginawa para hindi sila maabutan. Ngunit laking gulat nila sa nakita. May dalawang lalaki ang nakaharang sa kanilang dadaanan. Pula ang mga mata nito at may dalawang mahabang pangil sa magkabilang bibig.
Tay andito na sila , wika pa ng bata na si Boboy habang nakakapit sa laylayan ng damit nang kanyang ama.
Anak ,,takbo na!! sabi nito habang nag simula ng tumakbo. Ngunit dahil mabilis tumakbo ang mga may mapupulang mga mata ay naabutan parin sila.
Hanggang sa pinalilibutan na sila ng apat na bampira.
Takbo na Boy,,!! hayaan muna ako dito anak!! utos ni Tisyo sa kanyang anak.
Ayaw kung iwan ka itay!! sabay tayong aalis dito.. Na iiyak pang sabi nito sa kanyang ama
"Masarap itong bata, dahil malusog at madaming dugong lumalatay sa boung katawan. turan pa ng Isang payat na bampira
Layo!! sabi layo ehh!! sabi naman ni Tisyo habang naka pulot ito ng kahoy at iwinasiwas ito kung may magtangka na hawakan ang kanyang anak.
"Kahit ano pa ang pang lalaban ang gagawin ninyo, magiging hapunan parin namin kayo!! sabi naman ng isang lalake habang dahan dahang lumalapit sa kanila.
Sa kisap mata lang ay mabilis nakalapit kay Tisyo ang pinuno ng vampira. Mabilis na sinungkaban si Tisyo at mariin siyang sinakal sa leeg gamit ang isang kamay nito. Walang kahirap hirap na inaangat si Tisyo paitaas habang mahigpit naka sakal ang Isang kamay ng Vampira. Dahil nakita ni Boboy ang ginagawa ng Vampira sa kanyang ama ay pinag hahampas nya ito ng kanyang dalawang maliliit na braso, kasabay nun ang mariing pagkakat sa braso ng Vampira. Ngunit hindi man lang ito nag patinag sa pagsakal kay Tisyo. Bagkus ay mas humigpit pa itong naka sakal sa leeg ng matanda. Hanggang sa tuloyan ng nalagutan ng ginhawa si Tisyo.Nang maka sigurado na patay na nga ang matanda ay mabilis itong inihagis sa lupa. Nakahandosay na ito at wala nang buhay. Napangiti ang ibang mga Vampira. Bumaling ang pinuno ng mga Vampira kay Boboy, "Ano bata, ano masasabi mo ngayon na wala na ang tatay mo"? nakangiting tanong pa nito sa bata na si Boboy na ngayon at nakatulalang nakatingin sa kanyang Ama.
Kita ni Boboy na mabilis na sinungkaban ng mga Vampira ang katawan ang kanyang Ama. Nag kanya kanyang kakat ang mga ito sa boung katawan ng kanyang Ama. Napa bulahaw nalang ng pag iyak si Boboy habang nakikita nya ang kanyang ama na pinag tulongan ng mga Vampirang sipsipin ang dugo sa katawan ng kanyang Ama.
Makalipas ng ilang minuto, napa baling ng tingin ang mga Vampira kay Boboy.
Hindi na naka galaw si Boboy dahil sa nag silapitan pa ang Ibang mga Vampira sa kanya.
Dahil sa takot, mabilis na hinarang ni Boboy ang kanyang mga braso sa kanyang mukha at mariing naka pikit habang nanginginig sa takot.
Susungkaban na sana sya ng isang Vampira ng bigla itong tumalsik sa may punong santol.
Nagulat naman ang siyam na Vampira at napatingin sa isang kasama na tumalsik sa puno ng Santol. Kasabay nun ang paglingon nila sa harapan ng bata.
May nakatayo nang lalaki dun at may bitbit na ispada at sa kaliwang braso ay may sugbit na baril.
Mga walang hiya kayo!! pati ang mga tao na walang kalaban laban ay pinag tutulongan ninyo!! Galit na sabi ni Leo sa mga Vampirang kaharap.
Oy,, Ang pinuno ng samahang Kastila, andito na!!
Sampit ng payat na bampira.
Baka nakalimutan mo na isa ka ring Vampira!! sabi rin ng Isa.
At sa tingin ni Leo ay ito na ang nangunguna sa pag salakay sa mag ama.
Oo, Isa nga akung Vampira " Ngunit hindi ako kasing sama ninyo!! Mga halimaw kayo sa lipunan, dapat sa inyo ubosin ang bou nyong lahi!! Sabi pa ni Leo sa mga kaharap
Hehe,, Ano naman laban mo sa amin!? Isa laban sa Sampu?? naka ngising sabi pa nito sa kanya
Hindi sya nag iisa,, Sabi pa Gaston habang dahan dahang bumaba mula sa kabayo.
Lima ang tamang pag bilang" Sabi naman ni Vincent sa kaharap ni Leo.
"Kung ganon hanggang dito nalang ang buhay nyo, mga pakialamiro!! Wika nang nangunguna sa sumpo na Vampira. Namula naman agad ang mga mata ng kalaban. At sabay sabay sumalakay ang mga ito sa kanilang lima.
Mabilis naman inilayo ni Leo ang batang lalake para hindi ito madamay sa matinding labanang nagaganap. Walang imik habang nakatitig ang bata na si Boboy sa labanan ng mga Vampira laban sa Vampira.
Hindi na rin sumali si Leo sa labanan dahil alam naman nya na panalo na sila sa laban. Dahil alam din ni Leo hindi lang Isang normal na Vampira ang kanyang mga kasama. Kundi galing din ito sa isang groupo ng mga magigiting na manderigma mula sa Spanya, Pinadala lamang ang mga ito sa kanilang lugar dahil talamak na ang mga masasamang nilalang sa Bayan ng Paragua.
Halos mabilisang pag galaw at pag atake ang nagaganap at hindi halos makita ang bawat labanan ng mga ito, May iba'y tumatalsik ngunit babangon ulit at biglang maglalaho. Kung normal na tao kalang sigurado hindi mo makikita ang bawat labanan ng mga ito. Ngunit kung may kakayahan kang katulad nila ay tiyak makikita mo kung gaano ka tindi ng labanan ng bawat isa.
Hanggang sa natapos na nga ang matinding laban.
Isa isang naging abo ang mga kalaban at naglaho.
Pumalatak naman si Leo sa mga kasama,, Ang gagaling nyo talaga pag dating sa labanan!!
Kami pa! pag yayabang ni Caleb habang nag pagpag ito ng kamay dahil may kunting putik itong nahawakan nung napaluhod siya sa lupa kanina..
Maya maya pa'y, narinig na nila ang pag iyak ng batang lalake sa katawan ng Itay nito, na wala ng buhay.
Napalingon nalang silang lima sa batang walang tigil sa pag iyak. Kaya dahan dahan nilang nilapitan ito.
Hoy bata! Sabi naman ni Vincente habang kinakalabit ito sa likod.
Tumigil ito sa pag iyak at nag punos ng kanyang mga mata, Dahan dahan itong lumingon sa kanila. Pakiusap, wag nyo akung saktan!!! wika pa nito sa kanila habang nanginginig parin ito sa takot.
Nagkatinginan lamang silang Lima sa matabang bata.
Ayos na bata, ligtas kana" Piro pasinsya kana ha' dahil nahuli kami sa pagdating ,,kaya dina namin naabutan ang iyong ama para sana iligtas. Sabi naman ni Caleb.
Napasinghot naman ang bata habang tumingala ito sa kanila. "Diba Isa rin kayong Vampira? inosenting tanong pa nito sa kanila.
Sumagot naman ka agad si Vincente " oo Isa kaming Vampira, piro mababait kami at hindi nanakit ng tao.
Kumikislap naman ang mga mata ng bata,, dahil alam niya na ligtas na siya mula sa mga masasamang Vampira.
Ah, ehh,, pinuno ano na ang gagawin natin sa batang yan. bulong na tanong ni Gaston kay Leo
Sa ngayon ilibing nalang muna natin ang kanyang ama. Pagkatapos dalhin nalang muna natin sya' para ipagpatuloy ang paghahanap kay Catherina,, tsaka na natin isipin kung saan natin yan iiwan pagka baba natin galing sa lugar ng babaylan. Dahil hindi ligtas ang bata nayan dito sa gitna ng kagubatan. Sabi pa ni Leo sa mga kasama.
Pagkatapos nilang ilibing ang ama ng bata ay sumakay na sila sa kanilang kabayo at tinungo ang kakahuyan para ipag patuloy ang pag hahanap kay Abby.
CATHERINA POV:
Nag simula nang naging balisa ang kabayo na sakay ni Abby, Hanggang sa lumabas na ang mga lobo mula sa malalaking puno, umaangil ang mga ito at naglalaway.
Nakaramdam ng kaba si Abby,, dahil hindi nya alam ang kanyang gagawin. Kaya napag pasyahan niya na patakbohin ang kanyang kabayo nang mabilis, nag babasakaling baka matakasan nya ang mga ito.
Muli na syang gumalaw at pinatakbo ang kabayo ng mabilis, ngunit sa hindi inaasahan ay mabilis na sinungkaban ng lobo ang kabayo sa tagiliran na s'yang pagkawala ng balanse nito habang matuling tumatakbo. Natumba ito kasama si Abby at nag pagulong gulong sa maliit na bangin.
Hanggang sa may nakita siyang isang ma iksing iksena sa kanyang paningin.
Isang babae ang nag pagulong gulong sa bangin, hanggang sa bumagsak ito sa patag na lupa at nawalan ka agad ito ng malay.
Biglang nagdilim ang boung paningin ni Abby.
Abby, Abby gising!! sampit ng isang pamilyar na bosis .
Dahan dahan naman na pamulat si Abby, nagulat pa siya nang mapagtanto nasa ibang lugar na siya. Wala siyang ibang nakikita kundi puro kadiliman sa boung paligid.
Tika nasan ako, Parang nakikita kuna to noon. Sabi pa nya habang inilibut ang bou nyang paningin sa boung paligid. Tika, kahalintulad ito sa dati kung panaginip, oo tama ito yong dating napana-ginipan ko.
Abby, Tawag ulit ng isang tinig sa kanyang pangalan
S-sino ka!!? tanong pa nya, nakaramdam narin siya ng panghihina sa bou niyang kalamnan. Nag palinga linga pa si Abby sa boung paligid, habang yakap yakap ang kanyang sarili.
"Ako ito,, sagot naman ng isang tinig habang umi echo iyan sa pandinig ni Abby. Sa kanyang likuran ay may biglang lumitaw na isang babae, naka hubo't hubad ito at nakayuko. Nakalutang ang katawan nito ng dalawang pulkada mula sa lupa at ang tinig nito ay umi-echo sa pandinig ni Abby. Nang nakaramdam si Abby na may tao sa kanyang likuran kaya mabilis siyang napalingon sa kanyang.
S-sino ka!? Nagtatakang tanong ulit ni Abby na ngayon ay nakatitig na ang kanyang paningin sa babae na nakalutang.
Tinaas naman ng babae ang ulo nito at humarap sa kanya, mataman itong nakatitig sa kanya. Dahan dahang napa atras si Abby dahil sa kanyang nakita.
"B-bakit ang babae nasa aking harapan ay ka mukhang kamukha ko? Gilalas na wika ng kanyang isipan
C-Catherina!? bulong pa nya sa sarili, hindi nya alam kung bakit nya iyon na sambit. Piro na sisigurado siyang iyon si Catherina ang diwang natutulog sa kanyang kaloob- looban.
"Oo ako nga,, Ikaw at ako ay iisa" sagot nito habang nakatingin lang sa kanya.
Ako at ikaw ay iisa!? balik na tanong ni Abby sa babaeng nakalutang.
Oo,, kaya gumising kana " dahil nanganganib ang iyong buhay!! sabi nito habang unti unting naglalaho sa kanyang harapan si Catherina. Na iwan mag isa sa kadiliman si Abby. Hanggang sa biglang napa mulat ng mga mata si Abby at napalingon sa boung paligid, nakita na nya muli ang matataas at malalagong mga puno sa kanyang paligid.
Tatayo na sana sya nang biglang kumirot ang kanyang kanang binti at hindi nya ito maigalaw. Dun nya napagtanto na nakadagan pala ang kabayo sa kanyang binti.. Dun nya napansin na patay na pala ito, dahil sa mga natamong kagat mula sa mga mababangis na lobo.
Pilit tinutulak ni Abby ang kabayo mula sa pagka dagan sa kanyang binti . Ngunit sadyang mabigat ito. Ilang bisis na din niyang sinubukang hilain ang kanyang binti ngunit na bigo lamang siya. Hanggang sa nakaramdam na siya ng pag kirot at pag hapdi sa kanang binti.
Napatigil na lamang si Abby sa pag galaw ng makita niyang papalapit na kanya ang tatlong mababangis na lobo. Na para bang ano mang oras ay sasakpangin na siya ng mga ito.
Biglang tumalon ang isang lobo papunta sa kanya. Dahil sa takot ay napa harang nalang ni Abby ang kanyang dalawang braso para iharang sa kanyang mukha. Ngunit may maitim na usok ang bigla nalang sumulpot humarang sa harapan ni Abby, pagka lapit ng lobo sa itim na usok ay bigla nalang itong tumalsik sa malaking puno.
Nagtatakang dahan dahang tinanggal ni Abby ang kanyang braso na naka harang sa kanyang mukha.
Napatingala siya at nakita niya ang Isang imahe ng katawan ng Isang lalake, nakatalikod ito sa kanya, mahaba ang buhok nito na kulay puti at pinalilibutan ng maiitim na usok. Nang laki ang dalawang mata ni Abby dahil kanyang nakita. At umaasa na sana'y haharap ito sa kanya, para makita man lang niya ang mukha nito. Ngunit nabigo lamang ang dalaga dahil bigla nalang itong naglaho, kasabay naman ang pag laho ng itim na usok.
Narinig niyang umangil muli ang iba pang mga lobo. Kaya napa lingon si Abby sa ibang deriksyon, May paparating pang mga lobo. Kasunod nun ay ang Isa isang nag sipag talsikan nito sa kanyang harapan. Dun nya nakita kung sino ang may gawa..
"Ang pinuno ng groupo ng mga sundalong Kastila. Sampit pa ng kanyang isip. Napangiti siya dahil dumating narin ang lalake na kanina pa niyang dina dasal na dumating para siya'y iligtas.
Bumangon ulit ang mga lobo at lulusob pa sana ito kay Leo nang humarang ang apat na kasama ni Leo mula sa kanyang harapan.
"Pinuno kami na ang bahala sa mga asong to!! Sabi pa ni Caleb habang nakatingin sa mga lobo.
"Paano naging aso yan!! ehh mas mabangis pa nga yan at nakakatakot kay sa aso ,, Sagot naman ni Vicente kay Caleb
Ano ba pakialam mo!? ehh gusto ko silang tawaging mga aso.. sagot naman ni Caleb kay Vicente habang naka di kuwadtro ang mga braso nito
"Tama na yan, taposin nyo na agad ang laban para makarating na agad tayo sa tuktok ng bundok. Nababagut na putol ni Gaston sa bangayan ng dalawa, dahil nag sisimula nang mag bangayan.
Napailing nalang si Luke habang naka sandal sa puno at naka masid sa dalawa.
Kaya tumigil naman ang dalawa at humarap na sa mga lobo.
Umangil naman ang mga lobo na para bang gustong gusto na silang lapain. Kaya iniwasiwas na nila Caleb at Vecinte ang kanilang dala na mga ispada. At lumusob sa mga mababangis na lobo. Di naman nag tagal ay sabay sabay na bumagsak ang mga pugot na ulo ng mga lobo.
Lumapit naman si Leo kay Abby, at walang kahirap hirap binuhat ang kabayo gamit ang dalawang kamay nito mula sa pagka dagan sa kanyang binti. Kahit nagulat ang dalaga sa ginawa ni Leo ay hindi nya pinahahalata dito. Sabagay yon naman talaga ang kakayahan nila bilang isang Vampira, malakas, maliksi at malinaw ang mga paningin lalo na't pag gabi.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo..!? sabi ni Leo habang sinimulan na s'yang buhatin. " Naghahanap kaba ng kamatayan"? pag mamatay kaba, makakabalik kana ba sa panahon mo, kung saan ka nag mula..!! sunod sunod nitong Singhal sa kanya.
Tahimik lamang sya ,, oo dapat lang talaga sya pagalitan dahil muntik na syang mapahamak o mas magandang sabihin muntikan na nyang ipahamak ang katawan ni Catherina. At napadaku ang kanyang paningin sa mukha ng binata. Mainam nya itong pinag masdan.
Mahaba ang buhok nito na lampas balikat, matangos ang ilong at makapal din ang dalawang kilay na babagay sa maamong mukha nito. At may pagkahawig ito na artisa sa Hollywood actor. Kamukha ito ni Chris Hemsworth na syang bida sa the movie ng Ragnarok. Napadaku naman ang kanyang paningin sa labi nito, "May pagka pinkish pala ang labi niya. "Masarap kaya halikan yan? bulong pa ng kanyang isip.
Natigilan naman si Leo sa paglalakad at kunot noong napatingin ito sa kanya.
"Gusto mo bang subukan? tanong nito sa kanya habang nag simula nang sumilay ang ngiti sa mga labi nito at nakita ang maputi puti at pantay pantay na ngipin ng binata.
Huh!!Anong ibig mong sabihin na gusto kung subukan!? nagtatakang tanong pa nya dito
'Ang sabi mo,,kung masarap ba akung halikan. walang gatul na sabi nito sa kanya.
Napa maang syang napatingin sa binata.
Tika b-bakit mo--?? Napasinghap na lamang siya nang maalala na may kakayahan pala itong makarinig ang iniisip ng mga tao
Iyon ang isa sa kakayahan ko" Ang makarinig ng iniisip ng mga tao, nakalimutan mo na yata. Sabi pa nito habang nakangiti.
My gosh, kahit ano ano nalang yong pinag iisip ko tungkol sa lalaki nato - tapos ,, naririnig pala nya..!! Sigaw pa ng kanyang isip.
Mas lalo pang natawa si Leo dahil sa kanyang narinig,, "Kaya tigilan muna ako sa pag nanasahan mo" bulong ni Leo sa kanya ng sa ganon hindi sila maririnig ng apat na kasama, abala kasi ang mga ito sa pagliligpit sa mga napaslang nilang mga lobo.
Namula naman ang mukha ni Abby at halos hindi na makatingin kay Leo dahil sa pagkahiya. Dahil sigurado sya kapag haharap siya muli dito , baka kung ano- ano na naman ang kanyang maisip tungkol sa binata. Baka marinig na naman iyon ni Leo gamit ng isip nito. Kaya nanatili nalang syang tahimik at walang imik..
Narinig ni Abby ang dahan dahan ng pagka punit ng kanyang damit. Kaya mabilis siyang napalingon kay Leo Hoy!! Tika anong gagawin mo!? nagtatakang tanong pa ni Abby kay Leo habang pinigilan niyang punitin ang kanyang laylayan na bistida.
"Wag kang mag alala, wala naman akung gagawin sayo, at hindi naman kita pagnanasahan. sabi nito habang nakangiting tinuloy ang pag punit sa laylayan ng kanyang bistida.
Namula na naman ang pisngi ng dalaga at hindi narin kumibo pa.
Akmang gagamutin na ni Leo ang sugat ni Abby nang nakita nito ang makinis na binti nang dalaga , Lampas binti kasi ang sugat na natamo ni Abby. Dahil nagpa gulong gulong ito sa may mabatong lugar at kasabay nun ang malakas na pagka dagan ng kabayo sa kanyang binti.
Kaya pati siya ay nakaramdam ng pagka ilang at halos di mapalagay dahil sa lakas ng t***k nang kanyang puso.
"Ano pinuno,,? ako nalang kaya ang mag papatuloy sa pag gagamot kay Catherina,, Suhistiyon pa ni Luke, dahil nakikita nyang natigilan ito at dina halos makatingin ng daritso sa dalaga at sa binti nang dalaga ang kanyang pinuno.
Dina, kaya kuna to,, tipid nyang sagot kay Luke
Umalis nalang din si Luke at pinag patuloy ang kanyang ginagawa.
Manang maganda!! sambit ni Boboy kay Abby.
Dun lang napansin ni Abby, na may kasama pala ang mga ito isang batang lalaki,,
Nagtatakang napatingin si Abby kay Leo.
Bakit may kasama kayong bata"? tanong pa ni Abby sabay lingon kay Leo
Ahh,, kanina kasi habang pa akyat kame sa bundok ay nakita namin yan, na gagawin sanang haponan ng mga masasamang Vampira. Paliwanag pa ni Leo kay Abby.
Manang maganda!! Isa karin bang Vampira katulad nila? pag uusisa ng bata sa kanya
Hindi,, Isa akung tao,, sagot pa nya habang nakangiti sa bata.
Hayyy,, !! salamat naman po" akala ko ako lang nag iisang tao dito,, di kapag nagugutom sila hindi lang ako ang gagawin nilang pagkain. sabi pa nito habang nagpalinga linga sa mga kaharap.
Narinig naman agad ni Caleb ang sinabi ng matabang bata.
Hoyy batang uhugin,, din rin naman kita titikman ano,, tignan mo nga yong sipon mo ,, parang mga sundalong nasa sa labanan ' dahil pabalik balik sa kuwebang pinagtataguan. natatawa pang sabi ni Caleb sa bata.
Napasinghot naman ang bata sabay sabi" di bali uhugin basta makisig naman!! pagmamayabang pa nito kay Caleb.
Sasagot pa sana si Caleb ng nag salita si Leo
"Naku Caleb, wag muna yan patulan, bata yan. O sya mga kasama, tayo na bago maabutan pa tayo ng dilim dito, Sabi pa ni Leo sa kanyang mga kasama.
Habang paakyat sila sa bundok ay may napansin silang Isang anino na nakasunod lang sa kanila.
Gaston, maghanda kayo' kakaiba ang aking pakiramdam,, Sabi pa ni Leo kay Gaston at pasimpleng nagpalinga linga sa paligid.
"Opo pinuno, nararamdaman ko rin yan kanina pa. Bulong pa ni Gaston kay Leo.
Ilayo mo ka agad ang dalawa dito" Kapag sasalakay na sila, Sabi ni Leo kay Gaston
Masusunod pinuno. habang nakikiramdam sa boung paligid.
"Mga kasama mag pahinga muna tayo,, malapit narin tayo sa tutok ng bundok Bapua. Suhistiyon ni Leo sa kasama.
Nag kanya-kanya silang bumaba mula sa sakay nilang kabayo para magpahinga. Napansin naman ni Leo na hindi makababa si Abby mula sa kabayo dahil sa kanyang natamong sugat , Kaya agad nilapitan ni Leo si Abby para tulongan itong makababa. Ngunit bago pa naka lapit si Leo ay umiwas ka agad ng tingin si Abby at hindi lumingon kay Leo. Kinarga na lamang sya ng binata at maya maya pa'y nakaramdam na sya na ini-upo siya malaking ugat ng puno na naka usli mula sa malaking puno.
S-salamat ,, Sabi pa ni Abby ngunit pigil parin ang sarili para hindi tumingin kay Leo.
Pasinsya kana, ngunit hindi ako tumatanggap ng pasasalamat ' Ang kailangan ko ay isang halik. Bulong naman ni Leo sa kanya na syang ika mula muli ng kanyang mukha. Maluko naman ngumiti si Leo kay Abby
Napinsin naman agad nila Caleb at Boboy ang pag bulong ni Leo kay Abby.
"Si pinuno, dumi diskarte!! natatawang sabi ni Caleb sa mga kasama.
Kasabay nun ang pagtatawanan ng tatlo pang nilang kasama
Sige ipagpatuloy nyo pa akung pagtawanan, baka diko mapigilan ang aking sarili at isa isa ko kayong isasabit sa mga sanga ng puno!! banta pa ni Leo sa mga kasama . Kaya mabilis naman itong nag si pag tahimik
Tumayo naman si Vecinte para magpa siga ng apoy sa kanilang harapan. Samantala sila Leo at Gaston nag iikot para mag masid sa kanilang paligid.