LOUISE Ngayon na ang pagbisita ng ilang Jeldomians sa Levis. Kaya naman alas sais palang ng umaga ay naga-ayos na kami. Unti-unti nang nawala ang mamahikang aura ng school. Naging normal na lang ito sa paningin namin. Tila ba nawalan ito ng buhay at parang masu-suffocate kami. For 2 weeks lang naman silang magi-stay dito, pero malaking adjustment pa rin iyon para sa amin. Nasanay na rin kasi ako sa kakaibang trip ng mga estudyante dito, at panandaliang mawawala ang mga iyon. Two f*****g weeks. Umakbay sa akin si Seb. Ang kapal ng mukha nito. Nanliligaw pa lang pero kung makaakbay na. "Isipin mo na lang nasa Mortal World tayo." Napa-buntong hininga na lang ako. Lahat ng kinagawian namin, inalis nila. 'Yung mga subjects namin na may kinalaman sa charm, inalis din pansamantala. Wala na

