Chapter One
LOUISE
Nandito ako ngayon sa tinatawag na Detention Home sa school namin. Kung saan idinadala ang mga estudyanteng may ginawang kagaguhan. Nakasalampak ako sa sahig at nakasandal sa pader. Walang ibang makikita dito sa kwartong ito kung hindi puting walls at isang sirang upuan.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ako nag-abalang tumingin dahil alam ko na kung sino siya. Paulit-ulit na lang ang senaryong ito.
"Louise," Malambing ang tinig nito na siyang ikinairap ko. Umupo siya sa tabi ko at nagpatuloy. "Bakit ka nagka-ganito?"
"Why don't you ask yourself?" Pabalang na sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. "Bago mo itanong sakin iyan, tanungin mo muna ang sarili mo. Naging mabuti ka bang ina?"
Narinig ko ang pag-buntong hininga niya.
"Hindi pala. Hindi ka naman pala naging ina," I laughed sarcastically. "Inabandona mo nga ako, hindi ba? Iniwan mo 'ko noon. Iniwan mo ako sa kalye, ng hindi iniisip na baka tangayin ako ng kung sinong masasamang loob. Sanggol lang ako noon, pero hindi ka nag-dalawang isip na iwan ako." Puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya. "Tapos ngayon you're acting na parang walang nangyari? Na parang ako pa ang masama sa 'yo? Na kawawa kang ina dahil may anak kang tulad ko?"
Humagulgol siya ng iyak. Hindi ko alam kung maaawa ako o maiirita sa kanya. Basta ang alam ko, nagagalit ako. Sobrang nagagalit ako.
"Umalis ka na." Mahina kong sabi. Ilang minuto ang nakalipas ay hindi siya kumilos, "Umalis ka na!" Sigaw ko.
"Louise."
"Sabing umalis ka na! Ayokong makita ka!"
Nagtatakbo siya palabas ng room. Napabuntong hininga na lang ako at ini-ub ob ang ulo ko sa tuhod ko. Ano bang buhay 'to? Damn.
Natapos ang ilang oras na paghihintay, sa wakas ay pinalabas na rin ako ni Kuya Meecko, ang naka-assign dito sa Detention Home para magbantay.
"Ayos ka lang ba? Nakita kong pumasok ang mama mo dito," Salubong nito sa akin. Nagkibit balikat ako.
"Wala naman akong mama." Matabang na sabi ko.
"Louise, mama mo pa rin si Mrs. Merrick." I rolled my eyes habang isinasabit ang bag ko sa magkabilang balikat ko, "May rason kaya ginawa - "
"Whatever. Uwi na 'ko, Kuya Meecks."
Bumuntong hininga siya, "Mag-iingat ka. 'Wag mong masyadong bilisan ang pagmamaneho."
"Opo." Sarcastic na sagot ko at umalis na.
Kakagising ko pa lang, narinig ko na kaagad ang masayang boses ng Lola ko. Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang maaliwalas na mukha niya.
"Lola?"
"Louise," Nakangiting tawag nito sa akin. "Happy birthday!" Yumakap siya sa akin ng mahigpit. "Dalaga na ang apo ko."
Nang humiwalay siya, tumayo siya at nagpunta sa side table. Doon ko lang napansin ang cake na nakapatong doon. Nginitian ko si Lola.
"Thank you, La."
Matapos niyang ipakain sa akin 'yung cake na siya raw mismo ang nag-bake, itinulak na niya ako sa bathroom at sinabing may pupuntahan kami. Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod.
Nang bumaba ako, nadatnan ko si Lola na may kausap sa phone.
"Graciela," Wika nito. "Tama ka. Bago siya tumungtong sa wastong edad, kailangan na niyang mahasa."
Hindi ko mawari kung masaya ba siya o nag-aalala siya sa boses niya. Nakangiti kasi siya pero 'yung boses niya ay parang nanghihina. I don't know.
At dahil hindi tama ang makinig sa usapan ng may usapan, naupo na lang ako sa sofa at nag-salpak ng earphones sa tenga.
Habang busy ako sa pakikinig, inabala ako ni Lola. Inalis ko ang earphones sa isang tenga ko at tinanong siya.
"Aalis na tayo," Nakangiting wika nito sakin. "May imi-meet lang akong importanteng tao."
"Kasama ako?"
"Of course, kasama ka."
Nagkibit balikat na lang ako at sumunod na sa kanya sa garahe kung saan naka-park ang iba't ibang kotse. May mga nakatayo ring mga driver sa side ng bawat kotse. Napakunot ako dahil mukhang bago ang mga mukha nila.
"The black McLaren na lang over there," Sabay turo ko sa pinakahuling kotse. Pansin ko kasi ang driver na may pinaka-pamilyar na mukha sa kanilang lahat. Siya rin ang pinaka-bata. Mukhang nasa edad na 20 na siya or 19. I don't care anyway.
Inalalayan niya si Lola sa pagsakay sa sasakyan habang ako naman ay mag-isang sumakay sa tabi ni Lola. Tahimik lang ako buong biyahe at nakikinig lang ng music. Si Lola naman ay nakikipag-kwentuhan sa driver.
Nakita ko ang isang coffee shop sa dadaanan namin. Inalis ko ang earphones ko para ipatigil doon, pero natigilan ako sa narinig kong pag-uusap nila.
"Malaking adjustment ang gagawin ni Louise doon, Mrs. Hunt, kung sakali man. Pero siguro, mas makakabuti rin iyon sa kanya. Para makapag-handa tayong lahat sa magiging ability niya. Lalo na po't nasabi niyo na hindi pa lumalabas ito. Wala rin po kayong nakikitang sign kung ano ito." Mahabang lintanya ng driver, "Pero hindi rin po natin kailangan mabahala."
"Bakit mo naman nasabi iyan, Diego?"
"Kumpleto na po ang may hawak ng pitong elements. Hindi niya po kailangan ng matinding training tulad 'nung pito."
Tumango si Lola pero bakas ang pagtataka sa mukha nito, "May punto ka, hijo. Wala naman palang problema sa pagdadalaga ng apo ko." Pagdadalaga? I frowned.
"Opo. Kailangan niya lang mag-stay sa academy at konting training na rin upang maiwas sa mga tao. Delikado rin po kasi. Hindi niya po kasi alam ang tungkol sa ability niya."
"Training? Academy?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. What are they talking about? May karapatan naman siguro akong magsalita since ako naman ang topic nila, 'di ba?
"Doon tayo pupunta, Louise." Nakangiting sabi 'nung driver. I rolled my eyes.
"I'm not talking to you, bastard." Diretso kong sabi na tinawanan lang niya. Hinarap ko si Lola, "Anong gagawin natin sa Academy? I thought makikipagkita ka sa isang importanteng tao?"
"Nasa academy ang tinutukoy ni Mrs. Hunt na importanteng tao." Sagot ulit 'nung driver. If I'm not mistaken, his name is Diego. Narinig kong binaggit ni Lola kanina ang pangalan niya.
"Shut your filthy mouth!" I gritted my teeth, "If you don't want me to cut your silly tongue out." Nakita ko ang paglunok niya ng laway at tumingin na ng diretso sa dinaraanan.
Tumawa si Lola, "Too harsh of you, sweety. Masyado mo namang tinatakot ang gwapo kong driver." Nag-fake cough pa si Diego para i-claim 'yung papuri ng Lola ko.
"Just answer my question, okay." Mahinahon kong sabi at sumandal sa upuan, "Anong gagawin sa academy na tinutukoy ninyo?"
"Tama si Diego, nandoon ang importanteng kakausapin ko."
"At kailan pa kayo nagka-koneksyon sa mga importante at matataas na tao?"
"Matagal na, Louise. Hindi ba, Diego?"
Tumango-tango si Diego. Takot na magsalita at baka maputulan ko siya ng dila.
"If Lola is talking to you, please answer naman to show respect." Inis na sabi ko, "Common sense, dude."
"Common sense is not common," Nang-aasar na sabi nito, "Yes, Mrs. Hunt. Bata pa lang ako ay nakikita ko na kayo doon."
Ngumiti sa akin si Lola, "Umalis lang ako sa lugar na iyon dahil kailangan kitang alagaan at protektahan dito. Kinailangan kong talikuran ang mundo ko para sa 'yo."
Imbes na ma-flatter ako ay naguluhan ako lalo.
"What do you mean?"
"Louise, apo ko," Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Hindi ka isang ordinar - "
"Nandito na po tayo, Mrs. Hunt."
Masamang tingin ang ipinukol ko kay Diego. Napaka-wrong timing niya kahit kailan!
"Tara na, hija."
Wala na akong nagawa kung hindi bumaba. Sinalubong ako ng malamig na hangin. Napayakap na lang ako sa sarili ko. Good thing ay naka-long sleeve ako.
Lumapit ako kay Lola para alalayan siya. Sabay kaming naglakad papalapit sa isang..uh, palasyo? Natigil ako sa paglalakad at napatunganga ng dahil sa nakita. Levis Academy.
Nakatayo kami sa higanteng gate. Hindi ako makapag-salita hanggang sa pinapasok na nila kami sa loob. Malayo pa ito sa mismong Academy.
"Lola," Mahinang tawag ko. "I-Isa itong school?"
Nginitian niya ako. Isang ngiti na nagpadagdag kaba sa dibdib ko. Ang ganda at ang laki ng Academy na ito. Hindi ako makapaniwalang makakapunta o makakakita ako ng ganitong klaseng school. Hindi ito isang ordinaryong paaralan. Para akong nasa isang fantasy na movie. It seems magical.
"Oo, hija. Ang ganda rito, hindi ba?" Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Ayaw mo bang mag-aral dito?"
"May school na 'ko." Walang gana kong sagot, "Okay na ako doon. Gusto ko lang naman maka-graduate."
"Sorry to say this, but the Head Master of Jeldom High decided to kick you out." Si Diego. Napakunot ang noo ko.
"Seryoso?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Pinag-stay pa nila ako sa Detention Home kung maki-kick out lang din pala ako."
"Yes. Kaya nga nandito tayo. Kung magustuhan mo man dito, edi mas okay. Hindi na kami mahihirapan maghanap pa ng ibang magandang school."
Nakita ko pang nag-kindatan sila ni Lola. Napa-buntong hininga na lang ako at tumingin ulit sa paaralang nasa harapan namin. Ilang hakbang na lang at mararating na namin. Sinubukan ko pang tignan ang paligid. May mga puno na kulay pink ang mga dahon. Mga kakaibang puno at halaman ang nakapalibot sa lugar na ito. Wala rin naman akong masabi dahil maganda ang combination ng lahat ng mga ito. Malinis pa ang paligid at fresh na fresh ang simoy ng hangin. Feeling ko tuloy ay nasa ibang mundo ako. Wala ako sa Pilipinas, wala ako sa Earth. Baka nasa Pluto ako!
Dalawang gwardiya ang nakatayo sa magkabilang dulo ng nakasaradong double-door. Diretso silang nakatayo at hindi nagalaw. Para silang mga statue.
"Good morning!" Masiglang bati ni Diego sa dalawa, "Maaari ba kaming pumasok sa loob upang kausapin ang Head Mistress?"
"Vip pass."
Kinuha ni Diego mula sa bulsa niya ang pitaka at ipinakita ang kung ano mang nakalagay doon sa guard.
"Ikaw pala iyan, Diego."
Blanko ang mukha ng dalawang guard. Para silang mga robots. Flat lang din ang tono ng boses nila. Tumango si Diego at ngumiti.
"Ito si Señora Lydia Hunt. Kung hindi mo maitatanong, siya ay matalik na kaibigan ni Head Mistress Graciela." Napatingin naman sa akin si Diego at nginitian ako na ikinairap ko lang. "Siya naman ang apo ni Mrs. Hunt, si Louise. Magiging estudyante na siya dito maya-maya."
"Salamat sa impormasyon, Diego. Maaari na kayong pumasok."
Bumukas ang double-door at bumungad sa amin ang loob. Para lang itong mansyon. May mga mamahaling display at kumikintab na sahig na pupwede mo nang gawing salamin. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa mga chandelier. Napaka-ganda. Hindi mo gugustuhing tumapak sa makintab na sahig marahil baka magasgasan ito.
Sumunod kami kay Diego. Iginiya niya kami sa isang kwarto roon na napag-alaman kong opisina ng Head Mistress. Nang makapasok kami, una kong napansin ang matandang lalaking nakaupo sa harap ng table ng Head Mistress.
"Magandang umaga, Head Mistress Graciela at Head Master Cameron." Yumuko ng bahagya si Diego bilang paggalang at nagpunta sa gilid.
"Graciela, Cameron." Masaya ang tono ng boses ni Lola, "Nagkita na naman tayong muli."
"Iyan na ba ang apo mo, Lydia?" Tanong kaagad ng Head Mistress nang mapatingin siya sa akin, "Si Louise?"
"Siya nga, Graciela." Nakangiting wika ni Lola. "Halika dito, Louise. Ipapakilala kita sa mga matatalik kong kaibigan noong kabataan ko pa."
"Morning." Bahagya rin akong yumuko upang ipakita ang paggalang ko, "I'm Louise."
"Louise Hamilton," Sambit ng Head Master. Napatingin ako sa kanya. Nanatili siyang nakatitig sa akin, "Kamukhang-kamukha mo siya."
"S-Sino?"
"Ang iyong ina." Si Head Mistress, "Si Liz Merrick. Ang bunsong anak ni Lydia Hunt." Nang-aasar na wika nito.
"Maiba ako, Graciela. Nasaan na nga pala ang nag-iisa mong anak na lalaki? Gusto ko siyang makita. Sanggol pa lamang siya nang huli ko siyang makita." Lumapit si Lola sa isang kulay pulang sofa, "Paupo muna ako at nangangawit na ako."
"Nagtuturo siya sa paaralang ito. Mabuti siyang anak, Lydia. Kahit nag-iisa siya ay maswerte na rin kami."
Nagpatuloy pa ang kwentuhan nila. Hindi naman ako maka-relate kaya nagpaalam na muna ako sa kanila na lilibutin ko muna ang Academy. Ipinasama naman nila sa akin si Diego upang hindi ako maligaw at para ma-introduce niya sa akin ang bawat lugar.
Lumabas kami ng Head's Office. Lumabas rin kami dito sa mansyon - kung matatawag bang mansyon ito. Halos malaglag naman ang panga ko nang makita ang mismong school. Kung titignan, isa lang itong pang-karaniwang paaralan ng mga mayayaman. Pero may kakaiba dito. Hindi ko ma-point out pero ramdam ko. May something sa lugar na ito.
Nakarating kami sa malawak na hardin. Makulay ang mga bulaklak na nandito. Napaka-gandang tignan ng mga ito. Sa hindi kalayuan naman, may tinatawag na maze game. Para daw ito sa mga batang nag-aaral o nagawi dito. Libangan ba.
Sunod naming pinuntahan ay ang gymnasium. Tulad lang ito sa school namin. Pero mas malaki at malawak ang sakop nito. May stage din at may mga bleachers. Pero ang pinagkaiba nito sa school namin, wala itong basketball court. Mukhang nakahiwalay ito dito.
Madami pa kaming pinuntahan ni Diego. Halos gusto ko nang bumalik sa kinaroroonan nila Lola dahil masakit na ang paa ko. Pero hindi nang makita ko ang mga buildings na hindi pa namin napuntahan.
"Diego," I called. "Bakit hindi natin pinuntahan ang mga building na iyon? Bawal ba?"
Naglikot naman ang mga mata niya at hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Nawala na rin ang ngiti niya na lagi niyang suot.
"Nandoon kasi ang mga estudyante."
"So?"
"Hindi pwede."
"Gusto kong makita ang mga classrooms. At kung anong klaseng estudyante ang mga nag-aaral dito."
"Magaganda at malalaki ang mga classrooms. Mabait din ang mga estudyante. Wala kang dapat na ipag-alala."
"Gusto ko lang makita."
"Makikita mo rin kapag enrolled ka na rito."
Inirapan ko siya. Bakit hindi pwede? Kita ko mula dito ang mga estudyante na naglalakad sa hallway. Palakad-lakad sila at sa tingin ko ay paalis sila ng building nila.
"Anong oras na?" Naitanong ko. Nagtataka niya akong tinignan pero tumingin rin sa wrist watch niya.
"9:00 am. May lakad ka ba?"
Hindi ako sumagot. Paalis ng building ang mga estudyante. Ibig sabihin, break time nila. Nakaisip ako ng paraan para makalusot kay Diego.
"Nagugutom ako. Wala bang cafeteria dito?"
"Maraming kainan dito. May mall pa nga sa loob nito, eh. Saan mo gustong kumain?"
"Kahit saan. Pero doon sa mura lang kasi hindi ko dala ang wallet ko. Iilan lang ang nadala kong pera."
"Sa cafeteria na lang. Wala kang babayaran."
Kumunot ang noo ko, "Libre?"
"Oo. Halika."
Nagtungo kami sa Cafeteria. Para itong fastfood chain kung titignan. May kalakihan rin ito. Siguro nasa kalahati ng school namin dati. Mukhang maraming estudyante dito.
Um-order si Diego. Umupo naman ako sa malapit na table. Hinintay kong may dumating na estudyante. At kung sinuswerte ka nga naman, may dumating nga!
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Pitong estudyante ang pumasok dito! Tatlong babae at apat na lalaki. May iba-iba silang aura. Kung hindi lang sila sabay-sabay na pumasok, aakalain kong hindi sila magkaka-kilala.
Napataas ang isang kilay ko nang lumapit silang pito kay Diego. Nakipag-apir ang ilan sa mga lalaki sa kanya. Sa kabila ng ngiti niya, ramdam kong kinabahan siya. Sumulyap siya sa akin at patuloy na kinausap ang pito. Nakita kong tumuro siya sa labas pero umiling ang mga kausap niya na parang hindi sang-ayon sa sinabi niya.
Lumipat ako ng table na mas malapit sa kanila para marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Sa café na lang tayo, guys."
"Dito na lang. Marami nang magpupunta doon." Sagot ng isang babae. Morena siya at may tuwid na tuwid na buhok. "Ano ba kasing balita at napadalaw ka rito? Ang alam ko nasa Mortal World ka." Mortal World?
"Na-miss ko kayo. Ili-libre ko nga kayo ng coffee, eh. Tara na." Pagpupumilit ni Diego sa pito at sumulyap ulit sa akin. Sinenyasan naman niya ako na lumabas na pero hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko.
"Ayoko. Nagugutom na ako." Umupo 'yung isang babae sa upuan sa harap ko pero nakatingin pa din siya kay Diego. "Nasaan na 'yung order mo? Kainin na natin!"
Nanlaki ang mga mata ni Diego nang makitang nasa iisang table lang kami 'nung babae. Ano bang problema niya?
"Hindi ko alam ang sadya mo, Diego, pero may nase-sense akong maganda na hindi." Nakangiting sabi 'nung isang lalaki.
"Maganda na hindi? Ang gulo naman." React ng ibang kasama nito. Napairap ako. Hanggang kailan ba ako maghihintay dito? Ang boring naman pala ng mga estudyante dito.
Nakuha na ni Diego ang order niya. Inagaw naman sa kanya ng isang babaeng nasa harapan ko ang tray na hawak niya. Inilapag niya ito sa table at magsisimula na sanang kumain nang mapansin ako. Nakatitig lang ito sa akin at nagtataka ang mga mata niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sino ka?" Tanong niya na may kalakasan. Napatingin na rin sa akin ang mga kasama niya. Si Diego naman ay parang pinag-bagsakan ng langit at lupa.
Nagsilapitan na ang iba sa akin at tinignan ako na para bang nagtatanong kung magkakilala ba kami. Obviously, hindi. Nakipagtitigan ako sa isang lalaking nakatitig sa akin. 'Yung mga mata niya ay sobrang dilim. Nakakalunod.
"Guys, tara na - "
"Saang element ka kabilang?" Tanong 'nung isang babae. Nakita ko ang pangalan niya sa may uniform niya. Mika. "New student ka ba dito?"
Hindi ako nagsalita. Wala akong balak makipag-usap sa kanila. Anong element ba ang pinagsasabi nila?
"Sinong leader mo sa amin?" Tanong ng isang lalaki. Isa siya sa mga nakipag-apir kay Diego kanina. Nakaburda rin sa uniform niya ang pangalan niya. Layn.
Hindi ulit ako sumagot. Inuulit ko, wala akong balak makipag-usap sa mga weirdo na ito.
Bumuntong hininga ang isang babae sa kanya. Mukhang nauubos na ang pasensya niya sa akin, "Pipi ka ba?" Tinignan ko rin ang pangalan niya sa uniform niya. Reina. Hindi bagay sa kanya ang pangalan niya. She's not pretty naman para maging Reina.
"Annoying." I muttered at inirapan sila. Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ng isa pang lalaki. Si Ashren.
"Ano na lang ang ability meron ka?"
Ability pinagsasabi nito? I rolled my eyes at him at inalis ang kamay niya sa braso ko na ginamit niyang pagpigil sa akin kanina.
"Kaya kitang patulugin sa loob ng tatlong segundo."
Kumunot ang noo ng babaeng matakaw na nakaupo sa harapan ko. Si Kendi. "Seryoso?!"
I smirked, "Subukan ko sa 'yo?"
Umiling siya. "No. Kay Kein na lang. Kumakain ako, eh."
Hinanap ko ang Kein sa kanila. Katabi siya 'nung lalaking kalmado na hindi ko pa narinig magsalita mula kanina.
"Sige nga, subukan mo sa akin." Nakangiting sabi 'nung Kein. Ngumiti rin ako. Kita ko si Diego sa may counter na naka-nganga at hinihintay ang susunod kong gagawin.
Tumayo ako at naglakad papalapit doon sa Kein. Nag-give way naman sa akin ang mga kasamahan niya. Nang ilang inch na lang ang layo ko sa kanya, napangiti ako.
"Game."
Tumango ako, "Bumilang ka ng tatlo."
"Isa. Dalawa. Tatlo." Saktong pagsabi niya ng tatlo, bumagsak siya sa sahig at nakatulog. Nakangisi ko silang nilingon. Lahat sila ay nanlalaki ang mga mata at gulat sa ginawa ko.
Sinuntok ko lang naman siya sa ilong.
Sinamantala ko ang pagkabigla nila para makaalis na ako sa lugar na iyon. Nang nasa may glass door na ako, nilingon ko sila at nginitian. Itinaas ko ang kamay ko with my middle finger saluting them.
"F*ck you." I mouthed at tuluyan nang umalis doon.
And that's my bad-ass side.