LOUISE
Bumalik ako sa Head's Office. Kasunod ko naman si Diego na hinihingal kakahabol sa akin. Nang makalapit siya, napahawak siya sa tuhod niya.
"Louise." Ilang segundo pa ang nakalipas bago siya nakapagsalita ulit, "Ano ba 'yung ginawa mo?"
"What?" Irita kong tanong. "I just gave them what they deserved." Who do they think they are? Hah. I'm Louise Hamilton. Hindi nila ako basta-basta mapapasunod sa mga gusto nila.
Kumatok na ako sa pinto at binuksan kaagad iyon. Pumasok ako sa loob ng office. Nginitian lang naman ako ng mga nasa loob.
"Mukhang nalibot mo na ang buong Academy, Louise." Nakangiting wika ni Lola, "Okay ba?"
I nodded, "Yeah. I like the school." Tinignan ko si Diego na nasa isang sulok, "Pati na ang mga estudyante. Hindi ba, Diego?"
Alangan siyang tumango, "O-Opo. Totoo po iyon."
"Gusto mo bang pumasok dito, Louise?" Tanong ulit ni Lola. Nagniningning ang mga mata niya, "It's a dormitory school. Uuwi ka lang sa bahay every weekend."
Doon ako natigilan.
"Paano ka, Lola?"
"I will be fine, apo. Bisitahin kita dito minsan."
"Bakit hindi ka na lang magturo dito? Teacher ka, hindi ba?"
"May inaasikaso pa ako doon sa lugar natin. Kapag natapos iyon, babalik ako sa pagtuturo." Tumayo siya at lumapit sa akin. Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko. "Don't worry, Louise, magiging okay ka dito."
Bumuntong hininga ako, "I hope so." Wala naman akong choice. "Ano nga pala ang tungkol sa ability ko? May ilang estudyanteng nagtanong sa akin tungkol doon."
Lahat sila ay halos natigilan. Mukhang nakalimutan din nilang huminga. Nag-fake cough ako para kunin ang atensyon nila pero ganun pa din ang mga reaksyon nila. I was about to ask ulit nang biglang bumukas ang pinto sa office. Pasimple akong lumingon. Nagulat ako nang makita 'yung isa sa mga estudyanteng nasa cafeteria kanina. Siya 'yung lalaking tahimik at walang imik. Napatingin ako sa kasama niya. Hindi ko ito kilala. Mukhang mas ahead lang ito ng ilang taon sa akin.
"Magandang umaga, Mrs. Hunt. Ganoon din sa inyo, Head Mistress and Head Master."
"Magandang umaga, Raki." Bati ng mag-asawa, "Lydia, siya nga pala, ang anak ko."
Labis na natuwa si Lola, "Raki, ikaw na pala iyan. Ang laki-laki mo na. Parang kailan lang 'nung kinakarga-karga pa kita kasi baby ka pa."
Namula ang dalawang tenga ni Raki.
"Oo nga po, eh." Nahihiya nitong sabi. Mabilis naman na nagbago ang mood niya nang mapatingin siya sa katabi niya. "May gusto po pala akong i-report sa inyo."
"Hayaan mong i-report ni Seb sa akin, Raki. Gusto kong kausapin mo muna si Louise at ipaalam sa kanya ang mga dapat niyang malaman." Si Head Master, "Gamitin niyo ang kabilang kwarto sa pag-uusap ninyo."
"Masusunod po, Head Master. Aalis na po kami." Lumapit siya sa akin at sinenyasan ako na sumunod ako sa kanya. Nagpunta siya sa may pinto sa tabi ng kinatatayuan ni Diego. Binuksan niya iyon at pumasok. Sumunod naman ako sa kanya. Nilingon ko pa 'yung Seb bago tuluyang maisara ang pinto. Hindi niya ko napansin.
"Ikaw pala si Louise," Nakangiting sabi nito at umupo sa love seat. Nanatili naman akong nakatayo doon. As if naman makikitabi ako sa kanya doon. "Maupo ka."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Where?"
Lalo siyang nangiti sa inasta ko, "Sa upuan."
"Malamang. Duh." Inirapan ko siya at nag-cross arms. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Kung gusto mong tumayo dyan hanggang mamaya, okay lang. Ikaw naman ang mahihirapan."
"May sasabihin ka, hindi ba? Hurry."
Nailing siya habang nangingiti pero kaagad ding sumeryoso ang mukha niya, hudyat na magsisimula na siya sa sasabihin niya.
"Louise, makinig kang mabuti, ah. Sa lahat ng sasabihin ko, kailangang maniwala ka."
Hindi ako umimik. Sumandal ako sa pader at nakinig sa kanya. Kinakabahan ako. Parang may mga paru-parong lumilipad-lipad sa tiyan ko.
"Hindi ka isang ordinaryong estudyante."
Napataas ako ng kilay, "Of course, I'm extraordinary. On my own ways."
Bahagya siyang ngumiti.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Didiretsuhin na kita." Tumigil siya sandali at tinignan ako mata sa mata. "Isa kang enchanter."
"What the hell?" Naibulalas ko, "Hey. Be serious naman. Nasayang na ang ilang minuto ng buhay ko sa pakikipag-usap ko sa 'yo."
"But I'm dead serious, Louise." Napabuntong hininga siya na para bang sinasabing 'I'm tired with these shits' "Sinasabi ko na ito ngayon para hindi ka na mabigla sa mga makikita ko sa susunod pang mga araw."
"Na-meet ko na ang pitong estudyante dito. Nothing special." Pag-kibit balikat ko. Medyo namilog ang mga mata niya.
"Pito? Really?"
"Yes." And I punched the face of the guy named Kein. "Bawal ko ba silang ma-meet dahil hindi pa ako official na student dito?"
"Hindi naman," Naiiling na sabi nito. "Iniiwasan lang naming matakot ang mga bisita sa maaaring makita nila."
Nagkibit balikat ako, "Wala akong nakitang nakakatakot."
"Pero dapat mong harapin iyon."
"Ang alin?"
"Ang katotohanan." Bumuntong hininga siya, "Katotohanan sa paaralang ito. This is different from your ordinary school."
"Yes. Mas malaki at malawak ang school na ito. Then?"
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."
"Diretsuhin mo na kaya ako?"
Tumayo siya at lumapit sa akin. Napahawak ako sa wall na sinasandalan ko. Anong gagawin niya sakin?
"Lahat kami rito ay mayroong special ability."
Special ability? "Maliban sa akin at kay Lola." Nagawa kong isagot.
"Kasama ang Lola mo sa amin." Humakbang siya papalapit sa akin, "I'm an enchanter, Louise. Enchanter."
"Stop joking around, Raki." Kinakabahan kong sabi, "Kanina mo pa binabanggit ang word na iyan."
"Iyon ang totoo, Louise! Hindi ako nagbibiro!" Napasabunot siya sa buhok niya na parang stressed na siya sa akin. "Sinabihan na kita 'nung una pa lang na paniwalaan mo lahat ng sasabihin ko, hindi ba?"
"Depende iyon sa kung ano man ang sasabihin mo. Hindi naman kasi kapani-paniwala. Like duh. Ako, enchanter? Tsaka ikaw? Tsaka si Lola? Hah. Hindi pa sira ang ulo ko para maniwala." Sarcastic na sagot ko sa kanya at inirapan siya, "Hindi ako ipinanganak kahapon, okay."
"Suko na 'ko," Bumalik siya sa upuan niya then itinaas niya ang kamay niya at nagsimula nang humangin ng malakas dito sa loob. Nabuo ang isang buhawi at palapit ito ng papalapit sa akin. Namilog ang mga mata ko.
"Raki, ano 'to?!" Halos isiksik ko na ang katawan ko sa wall. Saan nanggaling ang buhawi na iyon? Seryoso, dito sa loob ng kwarto may ganito?! "OH MY GOD, RAKI, WAKE ME UP! PANAGINIP LANG 'TO, I KNOW!"
Nakita ko ang pagpitik ng mga daliri niya. Nawala ang buhawi na aatake sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. WHAT WAS THAT?
"Hindi iyon totoo," Pagkumbinsi ko sa sarili ko. "Imagination ko lang iyon. Isang ilusyon. Mababaliw na ata ako."
"See? Kaya nga idinaan ko sa mabuting usapan kasi ayokong magka-ganyan ka. Ayaw mo namang maniwala."
"SHUT UP." I hissed. Patuloy sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa mabilis na paghinga ko.
Tumayo siya, "I already did my job. Nasa iyo na 'yan kung ayaw mo pa ring maniwala. Maiwan na kita diyan."
Nang lumabas siya ng kwarto, napaupo ako sa sahig. Ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko. May buhawi kanina dito sa room. Umiling ako. That was just an imagination of yours, Louise.
"It's real. Aatakihin ako ng buhawi. Pero 'nung pumitik si Raki, bigla itong nawala na parang bula. Wala ding nagawang damage dito sa room. Paano nangyari iyon?" Nahilamos ko ang palad ko sa mukha ko, "Baka pulutin na ako sa mental hospital nito."
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kita ko sa gilid ng mata ko si Diego. Naglakad siya papunta sa love seat na kanina ay inuupuan ni Raki.
"Hey, Diego, can you explain what I just saw here awhile ago?" Kumunot ang noo niya at napangiti.
"Dinaan ka ba ni Raki sa dahas?"
"B-Buhawi. May buhawi dito kanina."
Tumawa siya ng malakas, "Peke lang iyon. Illusion kasi ang special ability meron siya."
"Sabi ko na nga ba ilusyon ko lang iyon, eh." I shrugged. "Pero parang totoo."
"Ilusyon iyon pero hindi galing sa 'yo. Na-kontrol ka ni Raki ng mga oras na iyon. Nagawa niyang maipakita sa 'yo 'yung buhawi na wala naman talaga. Cool talaga ng charm ng taong iyon."
"Charm?"
"Louise, napakitaan ka na ng special ability, hindi mo pa rin gets?" Tanong nito sa akin na parang ang tanga kong tao. "Enchanter lang ang makakagawa ng mga iyon. Wizards, witch, sorcerers, fairies, charmers, etc. Mga hindi tao."
"H-Hindi tao si Raki?"
Napakamot siya sa batok niya, "Ako. Ikaw. Ang Lola mo. Ang Head. Si Raki. Ang pitong estudyante kanina. Lahat ng estudyante dito. Hindi tao. Enchanter ang tawag sa atin."
Doon lang naging malinaw sa akin ang lahat. Though medyo magulo pa rin, at least may naintindihan na rin ako kahit na katiting lang.
"Sa madaling salita, lahat tayo ay may special ability na wala sa mga mortal na tao." Bulong ko, "Isa akong enchanter."
"Oo. Nasa ibang mundo tayo. Enchanted World ang tawag sa mundong ginagalawan natin ngayon. Ang iba namang may mga kapangyarihan ay nasa ibang mundo rin. Hindi raw kasi tayo pwedeng magsama-sama dahil magkaiba tayo ng kakayahan. Baka makabuo lang ng gulo."
"Anong ipinagkaiba natin sa kanila?"
"Mapapag-aralan mo 'yan dito sa school. Pero kung ako tatanungin mo, ang alam ko lang na pagkakaiba nila sa atin ay paniniwala. Kakayahan din siguro dahil ang mga wizards, witch at sorcerers ay may mga spell na ikina-cast. Samantalang tayo at ang mga charmers ay may sari-sariling ability tulad ng pagiging isang fire controller." Bigla siyang naglabas ng apoy sa kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko. "Ito ang special ability meron ako. Kaya kitang tustahin diyan mismo sa kinatatayuan mo." Halos mawalan ng kulay ang mukha ko ng dahil sa sinabi niya. Totoo ba ito? Tama sila, hindi nga kami tao. Pero teka, bakit kasama ako? Wala naman akong special ability.
Tawa siya ng tawa nang makita ang reaksyon ko. Nawala na din ang apoy sa palad niya. Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Ang mga estudyante dito. Hindi tao. Tapos dito ako mag-aaral. Kaya ko ba?
"Halimaw ka, Diego." Naibulalas ko. Hindi pa din siya natigil sa pagtawa niya. Naluha na siya sa kakatawa. "Ang mabuti pa, samahan mo ako sa campus."
"Bakit na naman? Kakagawa mo lang ng gulo, ah. Alam mo bang muntik ka nang ma-report kanina sa Head? Buti na lang at si Seb ang sumama kay Raki."
"Bakit? Kung si Seb?"
"Hindi magsusumbong. Hindi naman siya 'yung nasuntok, eh. Kaya wala siyang pakialam kung maparusahan ka man o hindi sa ginawa mo. Alam mo, dapat ka nang masanay sa mga ganoong klase ng tao. Marami 'nun dito, eh." Bigla siyang natigilan at napatawa na naman, "Ay! Si Louise Hamilton nga pala ang kausap ko, ang babaeng walang pakialam sa paligid."
I rolled my eyes.
"Tara na. Nagugutom na ako. 'Yung matakaw na si Kendi ang kumain doon sa in-order mo, eh."
"Nice, Louise. Mag-dahan dahan ka sa pagsasalita mo kapag nandyan 'yung pitong iyon."
"At bakit na naman? Ang dami niyong sinasabi. Umurong na kaya ako sa pag-aaral ko dito?"
Nangiti siya, "Huwag naman. Kailangan mo 'tong school na ito. Sobrang kailangan mo." Kahit na confused ako sa mga pinagsasabi niya, hindi ako nag-usisa pa. "Alam mo kasi, nahahati sa pitong grupo ang mga estudyante dito ayon sa kakayahan nila. Pitong elements. Saan ka nga ba kabilang?"
"Apat lang ang elements na alam ko," Mahina kong sabi. Napangiti na lang siya sa sinabi ko. "What?"
"Nakakatuwa lang." Sagot nito na hindi pa din nawawala ang ngiti, "Air, Fire, Water, Earth, Light, Dark at Energy. Kung saan kabilang ang ability mo, edi doon ka kabilang. Tuwing may training ay sila ang makakasama mo."
Tumango ako.
"May leaders ang bawat grupo. Ang namumuno sa Air Element ay si Reina Golem. Isa siyang Air controller. Lahat ng ability ng mga members niya ay kaya niyang i-perform. Ang co-leader naman niya ay si Dione Reyes. Pinili siya ni Reina hindi dahil magaling ang performance nito kundi dahil alam niyang magkakasundo sila.
Hawak naman ni Ashren Salazar ang Fire Element. Tulad ko, Fire controller siya. You know, ako kasi ang dating leader ng Fire Element kaya lang nag-graduate na ako." Oh. Dito pala siya nag-graduate. Cool. "Ang co-leader niya ay si Lorenzo Salazar, nakababatang kapatid niya. Ang daya talaga ng lokong 'yun.
Si Kennedy Howartz o kilalang Kendi ang leader sa Water Element. Makikita mong isip bata iyon pero kapag nag-perform na iyon ng ability niya, mapapa-nganga ka na lang. Ang napili niyang co-leader ay ang crush niyang si Kevin Crest. Kahit kailan talaga, madaya sila sa pagpili ng co-leader.
Earth Element naman ang hawak ni Mika Lin Wesley. Hindi pa gaanong hasa si Mika kasi last year lang siya nag-aral dito."
"Diego, bakit leader si Mika kung hindi naman pala siya magaling?"
"Malalaman mo mamaya. Patapusin mo muna 'ko."
"K."
Ngumiti siya at nagpatuloy, "Pinili ni Mika na co-leader ay 'yung member niya na sobrang galing. Si Eya Kent. Kaya naman ngayon ay improving na si Mika dahil sa pagtuturo ni Eya.
Ang Light Element naman ay pinamumunuan ni Kein Lyndons. Sobrang lakas ng gagong 'yun, kahit na puro siya kalokohan. At dahil patay na patay 'yun kay Kendi, wala siyang piniling co-leader. Ang sabi pa nga niya, 'Ayokong kumuha ng co-leader kasi si Kendi lang ang namumuno sa puso ko.' Ang korni ng loko!
Sa Energy Element, si Layn Merrick ang namumuno. Almost perfect ang performance niyan sa mga test na ibinibigay sa kanila. Masyadong sineseryoso, eh. Ang pangalan ng co-leader niya ay Jerish Mae Collantes. Hindi ko alam kung saan niya napulot 'yun eh.
Last but not the least, Dark Element. Pinamumunuhan iyon ni Saito Ethan Beckett. Ang pinaka-hinahangaan ng lahat. Gwapo na tulad ko, magaling pa. Nakaka-amaze kasi talaga ang ability niya. At wala siyang napiling co-leader kasi wala daw deserved na makuha ang pwestong iyon."
Tumango ako. Information saved! What now? Nag-desisyon kami ni Diego na maglakad-lakad muna sa school campus. Nagpatuloy naman siya sa pagbibigay sa akin ng impormasyon.
"Ang pitong iyon ang mga napiling leaders at taga-pagligtas. Tinawag silang The Rulers dahil they rule the school. Ayon sa may hawak ng ability na precognition, silang pito ang pag-asa ng mundo natin. Si Mika, Kein, Layn, Kendi, Reina, Ashren at Seb. Dati lang silang estudyante dito, pero 'nang sinabi na sila ang pag-asa ng mundo natin, ayan na sila ngayon sa kinatatayuan nila. Parang noon, isa ako sa mga napili na maging leaders dahil na rin sa nakita nila sa future na kami ang magtatanggol sa mundo namin. At nagkatotoo nga. Nanalo kami laban sa mga sumakop sa amin. May mga nasawi sa amin, pero nagtagumpay pa rin kami." Proud niyang sabi. Tsaka, paano pala nasama si Seb sa pito? Hindi ko siya narinig na binanggit ni Diego kanina.
"Right," Tango ko, "Legendary God of Fire." Sarcastic na banggit ko sa titulo niya. "Hindi bagay, Diego. Seriously."
"Aray, ah. Napaka-sakit mo talagang magsalita."
Natutuwa na rin ako kay Diego. Medyo naging komportable na kasi ako sa kanya. Siya lang ang nakakatiis sa pagiging sarcastic ko, well, maliban kay Lola.
Napatigil ako nang makitang nasa harapan ko si Diego. Malapad ang ngiti niya na nakatingin sa akin.
"Congratulations, Louise!" Malakas na sabi niya. Kumunot ang noo ko. What? "Official na estudyante ka na! Welcome to Levis Academy!"
Wait. What the hell is he talking about?
"How did you know?"
"Here," Ipinakita niya sa akin ang suot kong I.D, "Estudyante ka na nga, Louise." Oh.
"Paanong biglang - "
"Automatic 'yan," Nakangiti nitong sabi. "Ang cute mo dito sa picture mo, o."
Inagaw ko sa kanya 'yung I.D, "Cute ba 'to? Cute?!" Inirapan ko siya. Sinulyapan ko ulit ang kamuhi-muhi kong picture. Naka-smile ako ng matamis at sobrang amo ng mukha ko. This is not so me. Si Lola siguro ang nagbigay ng picture na 'to sa Office. Ito kasi ang huling beses na ngumiti ako sa camera. Simula non, hindi na. Simula nang makilala ko ang mama ko. Simula nang malaman ko ang ginawa niya. Simula nang bumalik siya sa buhay ko. Nagising 'yung galit sa dibdib ko. Nabuhay 'yung sakit na nararamdaman ko. Naikuyom ko ang palad ko.
"Cute ka naman talaga. Hindi ko alam na marunong ka pa lang ngumiti dati. Akala ko ipinaglihi ka sa sama ng loob at simula 'nung ipinanganak ka ay ganyan na ang ugali mo."
Binitawan ko ang I.D ko at hindi na pinansin si Diego. Nawala na ako sa mood. Naalala ko na naman kasi ang walang kwenta kong ina. Damn.
"4 pm na. Dismissal na ng mga estudyante." Sabi nito, "Hindi ka pa nag-lunch, hindi ba? Tara na sa cafeteria."
"Si Lola, baka hindi pa nakain 'yun."
"Papabayaan ba naman siya ng Head Mistress? Common sense naman minsan, Louise."
I rolled my eyes. Sarap din batukan minsan nitong si Diego, eh. Nang makarating kami sa cafeteria, medyo marami na rin ang mga estudyante na nandito. 'Yung iba, kumakain. 'Yung iba naman ay nagku-kwentuhan lang.
"Anong gusto mong kainin? Ako na ang o-order, maghanap ka na ng table natin."
"Chocolate lasagna tsaka chocolate milkshake," Mabilis na isinagot ko, "Don't ask me kung ayoko ng rice kasi wala naman akong rice na binanggit, 'di ba? Pakidagdagan pala ng pizza 'yung akin."
Iniwan ko na siya doon at naghanap ng mauupuan. Habang naglalakad ako, may mga matang nakatingin sa akin. Kapag lilingunin ko naman sila, iiwas sila ng mga tingin nila. Mga duwag. Suntukan na lang o? I rolled my eyes at mabilis na naglakad nang makakita ako ng bakanteng table. Naging mala-flash ako at mabilis na nakarating doon. Saktong pagkaupo ko, may mga lalaking nagsilapitan sa akin.
"Hi, miss."
I smiled sarcastically, "Sorry pero wala akong panahon makipag-friends sa inyo. f**k off."
Nagtawanan sila na parang nagsabi ako ng isang katawa-tawang joke. Hah. Mga siraulo.
"Gusto ko lang sanang itanong kung bago ka lang dito at kung anong element ang kinabibilangan mo," Isa sa mga lalaki ang naglakas-loob na nagsalita. He's cute naman, kaya lang totoy pa. "I'm Kevin Crest. Ice controller ako at under ito ng Water Element."
Kevin Crest. Saan ko ba narinig iyon? Pinipilit kong alalahanin pero ayaw talaga. Tinitigan ko ang batang nasa harapan ko. May kasama siyang iba pang totoy na nagpa-pacute din sakin.
"Kids, 'wag niyong guluhin ang new kid. Masama ang ugali niyan." Umupo si Diego sa tabi ko at inilapag ang tray sa table. Saved. Thanks to him! Pero hindi ko pa din palalampasin 'yung sinabi niya. Kinurot ko siya sa tagiliran, "Aray! Louise, ano ba!"
"Masama pala ang ugali, ah." Sabi ko at lalo pang sinaktan ang kawawang Diego.
"Binabawi ko na! Napaka-ganda ng ugali mo, promise! Tama na 'yan. Aray naman!"
Binitawan ko na siya at kinuha lahat ng order ko. Tatlong slice ng chocolate lasagna, dalawang slice ng pizza at isang chocolate milkshake.
"Louise pala ang pangalan mo," Nagsalita ulit si Kevin. Nakangiti ito sa akin. Hindi ko siya pinansin at kumain na lang. "Kuya Diego, bakit ayaw niya akong pansinin?"
"Kevin, bata ka pa." Si Diego at ginulo ang buhok ng bata, "Louise, hindi mo ba natatandaan? Siya ang co-leader ni Kendi."
Natigilan naman ako. Oh. Bakit ko ba nakalimutan? Tumingin ako doon sa Kevin. Todo naman 'yung ngiti niya. Litaw lahat ng ngipin niya.
"Bata ka pa. Tigilan mo ang pagpapa-cute. Nakaka-umay."
Napapa-pout siya pero pinipigilan niya, "15 na ako, Louise. Hindi naman na ako bata."
"I'm 17. Shut up now."
"What?!"
Tinignan ko siya ng masama.
"Mukha lang bata si Louise pero 17 na 'yan ngayong araw na ito. Happy birthday pala uy." Sabay siko nito sa akin.
"Happy birthday!" Sabay-sabay na bati sa akin 'nung mga kasama ni Kevin. Titig na titig sila sa akin. Baka bigla na lang akong mag-evaporate sa mga titig nila, a.
"'Yung totoo? Ilan taon ka na?"
"Seventeen." Sagot ko habang kagat-kagat ko 'yung pizza, "Aral muna bago landi."
Habang kinukulit ako ni Kevin, biglang umalingawngaw ang isang pamilyar na boses. It's Kendi.
"Water Element members! May meeting na magaganap sa grupo natin. 6 pm sharp sa HQ. Hindi ko na kailangan i-post pa ito sa Announcement Board. Ang hindi magpunta, automatic na aalisin ko sa grupo kaya kung may konti pa kayong malasakit sa mga ka-grupo ninyo, ipagbigay alam niyo ang tungkol sa meeting. Bahala kayo sa mga buhay ninyo!"
"Si Boss Kendi," Naibulalas ni Kevin. "Kuya Diego, Louise, mauna na kami, ah. Kailangan kong makausap si Leader."
"Mabuti pa nga." Si Diego na patuloy sa pag-kain. Naubos ko na rin ang kinakain ko. Ininom ko 'yung milkshake ko at siniko si Diego. "Ano?"
"Saang element ako kabilang?"
Kumunot ang noo niya, "Ano bang ability mo?"
"Malay ko. Magtatanong ba ako kung alam ko? Duh."
"Ang ayos mo rin kausap, ano." Inirapan niya ako. "Pagkatapos kong kumain, samahan kita sa Office."
"K."
Ano naman kayang special ability meron ako?