LOUISE Pinagmasdan ko ang mga Levisians at mga rebelde. Kung tutuusin naman talaga, lamang kami sa laban na ito. Dalawang grupo laban sa isang grupo. Pero sa nangyayari ngayon, ‘yung chance na manalo kami ay unti-unti nang nawawala. Then that hits me. Dalawa nga kaming grupo, hindi naman kami nagkakaisa. Watak-watak kami. Ang tingin pa rin ng mga rebelde sa mga Levisians ay kalaban. Paano nga ba kami mananalo? “May paraan pa.” Napalingon ako sa nagsalita at napangiti nang makita siya, “Nandito pa kami, apo.” Lola Lydia.. Ilang sandali pa, dumami ang mga Levisians. Nandito na ang buong council. Pero isang paalala ang iniwan ko sa kanila. “Wala tayong kalaban dito. Nandito tayo para imulat ang lahat sa katotohanan at liwanag.” Then, sumugod na ang mga ito. Wala silang balak pumaslang. K

