LOUISE Tumalsik ako sa pader nang atakihin ako ng halimaw gamit ang kanyang batu-batong mga kamay! Mabagal lang siya kung kumilos, pero ang mga atake niya ay talagang mabibigat. Nilapitan ako kaagad ni Diana, samantalang pumalit naman sa akin si Dennis sa pakikipaglaban. "Hija, ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa aking ama at bahagyang nangiti. Kanina ko lang siya nakilala, pero sobrang tanggap ko siya bilang ama ko. Alam ko na ang lahat. Wala siyang kasalanan sa mga nangyari. Nagmahal lang siya, pero ipinagdamot nila ang aking ina at ako sa kanya. Hindi ko alam na kaya palang gawin iyon ni Lola Lydia. Lahat pala ng sinabi niya sa akin ay kasinungalingan. Hindi ko na alam kung kaya ko pang makaharap siya pagkatapos ng lahat ng nalaman ko. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pang bumalik sa

