LOUISE Naramdaman kong bumagsak ang katawan ko kay Saito. Buti na lang nabalanse niya ang katawan niya at nasalo ako. May malay pa ako sa mga oras na 'yun pero parang nanlabo na ang mga mata ko at wala na akong makita kung hindi dilim. Naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko. "Louise, okay ka lang?" Ramdam ko ang pagpintig ng ulunan ko. Masakit ang ulo ko at parang nahihilo na hindi ko alam. Nararamdaman ko ang nangyayari sa paligid ko pero hindi ko na maimulat pa ang mga mata ko. "Shit." Mahinang mura ni Saito, "Louise, imulat mo ang mga mata mo. Anong nararamdaman mo?" Hindi ko magawang maibuka ang bibig ko. Nahigpitan ko ang pagkakahawak sa braso ni Saito. Tapos nagsimula na naman ang boses na tumatawag sa akin. Hindi ko alam kung saan ito galing, pero malinaw na malinaw ang pagk

