bc

Sins and Souls

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
curse
badboy
brave
bxg
campus
mythology
like
intro-logo
Blurb

In the realm of vampires and other creatures, in the Town of Herimoyia. Alyx is here He is one of the powerful ones, he is a hybrid of a vampire and a demon; hybrids are known as Slayers. To solve the many the pain in his chest, he left the Herimoyia. He did not want to continue living in a world where his most treasured woman had been murdered.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ayan na ako!" sigaw ni Alyx na hinahabol si Vidia, nag hahabulan silang dalawa sa puno. Nakangisi naman si Vidia habang hinahabol siya nitong si Alyx. Tumalon si Vidia sa isang sanga, pero sa kasamaang palad ay dumulas ang paa niya, nawala sa balanse ang katawan niya at nag panik. "Alyx!" sigaw niya ni Vidia. Nataranta si Alyx, kaya katulad ng speed of light ay nakuha niya si Vidia mula sa pag kaka hulog, akala mo ba ay parang isang ninja kung gumalaw. Nang mapunta sila sa lupa, bigla umalis si Vidia mula sa pag kaka salo sakaniya ni Alyx. Kumunot ang noo ni Vidia, habang si Alyx ay punong puno ng pag aalala. "Pano mo nagawa ‘yan?" tanong ni Vidia, nagaluan naman ng pag tataka ang mukha ni Alyx. Paano ba niya nagawa ‘yun? "Vidia! Nandito ka lang pala!" Habang nag lalakad pauwi, napapa isip si Alyx, paano niya ba talaga nagawa ’yun? Dahil ba sa pagiging half blooded niya? Nag mula ang mga half blood sa gera maraming taon na ang nakakalipas. Ang pure blooded naman at half blooded ay hindi maari tumira sa iisang bayan, kaya ang lugar ng Herimoyia ay gumawa ng lugar para sa half blooded, at lugar pa para sa mga pure blooded. Habang pauwi si Alyx, may humarang sakaniyang isang lalaki, mahaba ang cape nito sa likod at itim na itim, naka hood din at lahat ng kaniyang suot ay itim. Hindi niya makita ang mukha nito. Napa atras si Alyx nang malaman niyang pure demon blooded ito, isang ngisi naman ang lumabas sa lalaking ito nang makita niya ang pag atras ni Alyx. "Magaling ka..." bulong nito na nag pa bilis ng t***k ng puso ni Alyx. "Gusto kita para sa paaralan ko.." dagdag pa nito. "P-pero, pure blooded ka." sambit ni Alyx at halata ang takot sa boses niya. "Ano naman kung pure blooded ako? Ikaw ay isa din naman sa lahi ko?" napalunok ng matindi si Alyx. May kinuha ang lalaking ito sa loob ng cape niya at binigay kay Alyx, isang sulat na pipirmahan ng magulang para sumali sa paaralan ng lalaking ito. Minata ng mabuti ni Alyx ang lalaki, at nakita niya ang pulang pulang mga mga mata nito na naka tingin sakaniya kaya muli siyang napa atras. "Alam kong magaling ka Alyx, malawak ang kaalaman mo, madali ka matuto. Mahusay kang nilalang." nagulat si Alyx nang marinig naman niya na tinatawag na pala siya. Napatingin siya at may bigla bumulong sakaniya. "Sa oras na pirmahan ng mga magulant mo 'yan, masusunog ang papel at muling mapupunta sa akin." nagulat na naman si Alyx sa malalim at malamig na boses na 'yun. Pag lingon niya ay wala na ang lalaki. "Alyx? Pumunta ka na naman kanila Vidia? Kapag nakita ka ng ibang pure vampire dun?!" sermon ng kaniyang Ina sakaniya. "Hindi ito katulad dun sa kinalakihan mo, mag kakasundo." YEARS LATER nakikipag espadahan ngayon si Alyx sa kaibigan niya at mahasa talaga siya pag dating sa pakikipag laban, isama man ang kakayahan, o huwag isama, talagang magaling si Alyx sa mga bagay bagay. Muli, natalo na naman niya ang kaibigan niyang si Felix at parehas silang hinhingal. "Magaling!" sigaw ng taga nood sakanila, at agad naman may tumakbo kay Alyx upang yakapin ito. "Napaka galing mo talaga Alyx ko!" sigaw nito habang yakap yakap si Alyx. "Rosen, ako lang ito." hingal na tugon ni Alyx habang sapo-sapo si Rosen. "Ikaw na talaga ang papakasalan ko!" sigaw niya at humiwalay sa yakap nalang dalawa. Hinalikan naman niya si Rosen sa pisngi at natuwa naman si Felix. "Puro ka sweetan na lang ang alam niyong dalawa!" sigaw ni Alyx at napa upo sa lapag habang hinihingal padin. "Rosen, ilang beses ba sasabihin sa'yo na bawal ka pumasok sa loob kung saan nag lalaban laban?" napakagat si Rosen ng kaniyang labi at agad na umalis, kinindatan naman siya ni Alyx at nag flying kiss si Rosen sakaniya. "Pasensiya na, Master Georin!" sigaw ni Rosen habang bumabalik sa kaniyang upuan. Tumayo naman si Felix dahil dumating na si Georin, ang pure blooded demon na nag hingkayat kay Alyx na mag aral sa paaralan na ito. "Mahusay kayong dalawa." ngumiti ito, pero halatang pilit lang. "Alyx, pag-katapos ng klase mo, pumunta ka na sa opisina ko." napatango naman agad si Alyx. Malaki na si Alyx, 23 years old matangkad na at masasabi talaga natin na isa na siyang ganap na nilalang. Meron na din siyang kasintahan, si Rosen isang morena, maganda, ang buhok niya ay parang bang sinuklay ng milyong milyong beses dahil sa sobrang ganda nito, siya din ay isang half blood katulad ni Alyx, isa at kalahating taon na silang mag ka sintahan ngayon, at mahal na mahal siya ni Alyx, sinasabi nga ng karamihan, lalo na sa kanilang paraalan na napaka swerte ni Rosen dahil siya ang kasintahan ni Alyx. Talagang maraming humaganga sa lalaking ito, dahil sa taglay na galing at ka-gwapuhan nito. "Sino ang mga pure blooded vampire's dito?" tanong ng kanilang proffesor. At meron namang 11 na tumaas ang kamay. "At ang half blooded?" at meron namang 13 na tumaas, kasama na ang kamay ni Felix at Alyx, wala si Rosen sa klaseng ito, dahil sa iba siya. "Para sa mga pure blooded, alam niyo ba na meron kayong kakayahan na wala ang mga half blooded, alam ko dahil isa ako sainyo. Pero hindi natin matatanggi na mas malakas sa atin ang mga half blooded." sabi pa nito at may mabilis siyang nag drawing sa blackboard ng isang anyo. Ayan ang wala sa mga pure blooded, ang mabilis na pag galaw, mabilis sila sa pag takbo, pero sa pag galaw. Hinde. Isang anyo, may pakpak na para bang mga pakpak na nakikita nila sa libro na pang pure blooded demon, at ang dalawang kamay ay nababalot ng kaitiman, ngunit faded na ito pag dating sa mga siko. Lahat ng nasa loob ng classroom ay ngayon lang nakita ang anyong ito, mukhang mabangis at mas malakas pa sa pure blooded demon. "Alam niyo ba ang tawag dito?" tanong ng propesor at ngumisi ito. "Ito ay isang myth lamang kung tutuusin, sabi ng matatanda naka kita na daw sila nito, ngunit sa bampira lamang na may dugong demon." lumunok ang propesor at umupo sa upuan nito. Matiwasay na nakikinig ang mga estudyente sa propesor dahil nakaka interes naman talaga ang tinuturo nito. "Ito ang tinatawag nilang The Final Form." The Final Form. "Ito ang form na pinaka malakas, at pinaka kinakatakutan, kahit ang mga demons at kinakatakutan ang form na ito." binuklat ng propesor ang libro. "Hindi natin alam kung sino ang mga half blooded ang mag kakaroon ng pure form, hindi natin alam kung sino, at kailan mang yayari." mahabang paliwanag nito sa mga estudyente. "Ang first theory na pag kakaroon ng final form, ay mag papa-tama sa isang lila na kidlat sa likod, hangang isa isang lilang kidlat at tumama sa'yo, hangang ilipad ka nila sa langit dumadaloy ang kuryente sa katawan, hangang sa mabuo ang final form." "Ang second theory naman ay ang half blooded ay may nabuong galit, yung galit na para bang wala nang makakapigil, I know lahat kayo alam ang galit na ‘yun. Kapag punong puno na siya ng galit, meron kung anong pwersa ang mararamdaman niya at dun na nag sisimula ang final form." "Last, the third theory." huminga ito ng malalim. "Titikim siya ng dugo ng isang pure blooded vampire, kahit isang patak man ‘yan o napaka raming dugo." Pero ang lahat ng teorya na ito at sinubukan na ng ilang mga half blooded, madami sakanila ang hindi naka kuha ng final form, dahil nga ito ay isang myth lamang. Hindi natin alam kung totoo, o hinde. Ilang bwan ang lumipas, may isang babaeng nag mamadaling tunawag kay Alyx habang ang lalaki ay nag pupush up. "Alyx, bilisanan mo, pinapapunta ka ni Georin," nag aalala ang boses nito kaya nataranta na din si Alyx. "Ano iyun?" tanong agad ni Alyx nang mapunta siya sa office. Tinignan siya ni Georin ng malungkot, para bang may mali sa nangyayari. Parang may mali. "Si Rosen, patay na." dire-diretsyong sabi ni Georin si Alyx naman ay hindi alam ang magiging reaksyon, para bang binubuo pa ang mga salita na 'yun sa utak niya. "A-ano?" tanong ulit ni Alyx. "Patay na si Rosen, Alyx. Pinatay sila ng mga invaders, sa sobrang lala nais ng pamilya ni Rosen na ipa cremate na lang." Hindi matanggap ng utak ni Alyx ang naririnig niya at napa upo siya sa sofa. "Tang ina? Hindi ito biro?" tanong ni Alyx at ayaw tanggapin ang katotohanan. "Kailan pa ako nag biro, Alyx?" lalong nang lumo si Alyx dahil sa sunod nitong sinabi, totoo hindi talaga mahilig mag biro si Georin. Agad nawala si Alyx na kasing bilis ng isang speed of light at agad na napunta sa bahay ng magulang nila Rosen, pagod na pagod siya pero hindi niya ininda ang pagod agad bumaksak ang balikat niya nang makitang umiiyak ang mga magulang ni Rosen. Hindi niya malaman ang gagawin. Lumapit na lang siya sa Ina nitong umiiyak. "A-alyx, w-wala na si Rosen." napatahimik na lang si Alyx at niyakap ang Mama ni Rosen, gusto niyang maiyak, pero pinipigilan niya lang ang luha niya. "A-ano pong nangyari?" tanong ni Alyx, kahit ayaw niya namang nalaman. "S-sinugod siya ng mga invaders, w-wala na si Rosen." hagulgol nito. "P-pununta siya ng gubat, hindi na bumalik, balita na lang ang bumalik sa aming lahat." Napakuyom ng kamao si Rosen. Ayaw niyang maniwala, ang pinaka mamahal biyang babae? Patay na? Ang pinaka mahalagang babae sa buhay niya, wala na? Bakit si Rosen? Bakit... Sa isang linggong lamay ni Rosen ay hindi iniwan ni Alyx ang lamay nito, walang araw na wala siya sa lamay, nang ilibing si Rosen, dun na sumabog ang puot, sakit na nararamdaman niya. Pero mag isa lang siyang umiiyak. "Putang ina!" sigaw ni Alyx, lumalakas ang tensyon sa paligid niya dahil sa galit niya, ang puno na kanina pa niya sinusuntok ay malapit na matumba. "Alyx." may bumulong na kung ano sa tenga niya na ikinatigil niya. "Alyx," "Sino ‘yan?" matigas na tanong nito. "Alyx..." "Putang ina, huwag ngayon. Huwag ngayon!" sigaw niya at narinig ang mga patawa nito, kaya naman may ginawang abilidad si Alyx. Minulat niya ang mga mata niya at nakita na kung sino ang tumatawag sakaniya. Isang lalaki na parang katulad nung nakita niya noong bata pa siya, pero sa ngayon ay hindi na niya makita ang ngisi at mukha nito. Walang sinayang na segundo si Alyx at agad na nahuli niya ang leeg nito, at sinakal. Pero napatilapon siya nang may malakas na pwersa na nag paatras sakaniya. "Alyx, magaling ka talaga. Simula pag kabata palang, wala kang katulad..." sabi nito nang muling imulat ni Alyx ang mata nawala na naman ang lalaki. Naririnig niya ang mga tawa nito. "Gusto mo ba malaman kung sino ang pumatay sa pinaka mamahal mong nobya?" tanong nito na mas lalo nag pa init sa tensyon na nararamadaman. "Ang mga invaders?" anas ni Alyx. Tumawa na naman ito. "Ivanders na? Kaibigan mo?" kumunor naman ang noo ni Alyx. "S-sino?" tanong ni Alyx. May hinipan na kung ano ang lalaki, namilog ang mga mata ni Alyx dahil dun unti unti niya naramdaman ang pag ka hina ng katawan niya, bigla na lang siya bumaksak ay nakaramdam ng antok. Pag kagising niya naman ay tunog ng kabayo ang nag pagising sakaniya at ang boses ng kaniyang mga magulang. "Ma-Pa?" gulong gulong tawag ni Alyx sa mga magulang niya. Napatingin ang mama niya sakaniya nang malungkot, marahil naawa ito sa anak niya dahil sa labis na pag ka luksa. "Anak, dito ka na muna sa mundo ng mga tao." kumunot ang noo ni Alyx dahil sa mga naririnig niya. "Kahapon, or kanina nakatulog lang ako tapos ngayon pupunta na ako sa mundo ng mga tao?" inis na tanong niya may pag ka pilyo. "Anak, dalawang linggo kang tulog." para bang nawala na naman sa katinuan si Alyx nang malaman na dalawang linggo siya tulog. Ano? Hindi maari. "Dito ka na muna pansamantala, marami ding mga pure blooded vampire at half blooded vampire na nandito, tahimik na naka tira, pero may mga half vampire half human din. Maayos ang buhay nila dito, sana umayos din ang buhay mo dito Alyx."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
70.8K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

True Luna

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
203.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
341.6K
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
11.9K
bc

Alpha's Rejected Mate

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook