CHAPTER 6

1727 Words
"Marcus. .." tawag ko sakanya ng huminto na ang pagpapa-ulan ng bala ng security niya na nagngangalang 'Trina'. Pero kinabahan ako ng nanatili ang kamay nito sa likod ko na parang relax. Itinukod ko ang dalawang kamay ko para makita ang mukha niya. "Two died." Ani ng boses na babae na robot. Kaya napalingon ako sa kinalalagyan ng mga magnanakaw kanina, at 'yon, nakahandusay sila! Pero agad kong ibinaling muli ang ulo ko kay Marcus. At nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko siyang nakapikit. "Marcus!" Napaupo ako sa gilid niya at kita ko ang dugo nito na patuloy na umaagos. "s**t, Boss!" Napalingon ako sa lalaking naupo sa tabi ko. "Tangina. Verix!" Sigaw nung lalaki. Nakita ko na siya sa dati. Nakalimutan ko lang ang pangalan. "May kalat 'don sa baba-- What the f**k!?" Nasa bungad ng pinto si Verix at parang hindi siya makapaniwala habang tinitignan si Marcus. "Anong ginagawa niyo?! Wala kayong magagawa niyan kung tititigan niyo lang siya!" Sigaw ko sa lalaking katabi ko ng ilang minuto silang natahimik. "Dalhin niyo na siya sa ospital! Nauubusan siya ng dugo!" "Yeah. What the f**k! Pero tulungan mo ako buhatin si Boss. Dadalhin natin siya sa headquarters." Inilagay nila ang kamay ni Marcus sa balikat nito at sabay na binuhat si Marcus. "Trina?" Sigaw ni Verix habang pababa kami ng hagdan. "Saan niyo siya dadalhin!? Bakit headquarters!? Is that even a hospital or a place na magagamot siya?!" Naiinis na sigaw ko. Kita ko mula dito sa likod ang mga tama at dugo na nagkalat sa katawan ni Marcus. What the hell! Nauubusan na talaga siya ng dugo! "Yes, sir Verix?" Ayan na naman ang robot na nagbabantay sa buong bahay. Now, I remember them! Ang dalawang 'to ay yung nasa creepy na lugar na pinuntahan namin ni Marcus dati. "May iba pa bang tao dito bukod sa mga 'yon?" "Limang tao lahat-lahat. Tatlo ang nakapasok. They have died. I shoot the two while Marcus taken care the one, Sir." "Then nakatakas ang dalawa, Trina?" "No, sir. Sa labas lang sila. And I cannot shoot them because of that." "Anong oras nakapasok ang tatlo?" Tanong ni Verix at dahil sa pakikipag-usap sa robot ng bahay ay natatagalan sila! Si Marcus, mauubusan na ng dugo! "Ano ba!? Makikipag-chikahan ka pa ba diyan!? Marcus is in danger!" "Ang dalawang lalaki ay nakapasok sa oras na 10:04 PM. Samantala, ang isa nama'y 10:30 PM." "s**t, saktong 10:10 PM tayo tinawagan ni Trina." Sabi ng isang lalaki. "Tangina, may mali sa nangyayari." "Call the others Trina. Sabihin mo linisin ang kalat dito." Sabi nung Verix. "Ano ba!? Dalhin niyo na siya sa ospital!" Napatigil kasi sila sa paglalakad. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Marcus pero laking gulat ko ng tumagos ito. What the!? "Marcus. .." Nagulat ako ng imulat niya ang kanyang mata. "L-Lady.. ." "B-Boss!" Sabay na singhal ng dalawa at parang nagising sa malalim na pag-iisip. Pero nanatili lang ang tingin nito sakin. Buti naman at nakikita niya pa rin ako. "M-Marcus. ..hindi kita mahawakan... .P-Pero kailangan mong pumunta ng ospital! Kanina pa ako nagsasalita na dalhin ka nila sa ospital pero kinakausap nila si Trina!" He giggled at umiling. "Boss?" Takang tanong ng dalawa. "Dalhin niyo na ako sa pagamutan. May nagagalit." Hindi nakatakas sakin ang ngiti nito na pinipigilan niya. "O-Okay. .?" Nagsimula na silang maglakad kaya naglakad ako paatras, sa harap ni Marcus. "Wag kang ngumiti! Mas nagmumukha kang ewan kung ngingiti ka! Duh! Multo ako at pag sinagot mo ako, pagkakamalan ka ng dalawang 'to na baliw!" I stuck my tongue out. Nakita ko na nanlaki ang mga mata niya pero agad din ito naging malumanay then his eyes were glimmering. Agad siyang yumuko kaya hindi ako sigurado sa nakita ko. "Damn." "Boss? Okay lang kayo?" Agad inilagay sa back seat si Marcus kaya sumunod ako. Ang dalawang lalaki nama'y nasa harap. Pero hindi sumagot si Marcus kaya napalingon ako. "Marcus, tinatanong ka, nasaan ang manners." Sabi ko at napuno ng takot ang puso ko ng makita ko siyang nakapikit. "Tangina, Rama! Bilis!" Nang biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Tinignan ko ang ilaw sa labas at kita kong kulay orange na 'to. "What!? You want me to beat the red light!?" "It's not yet red! Go! Kailangan natin mag madali kahit alam nating malakas si Boss, nauubusan siya ng dugo!" Sabi ni Verix kaya napatango ako. Tama, kailangan namin magmadali! "Gusto ko yan." May bakas na saya sa boses nung Rama. At saktong ng bumilis ang takbo niya ay kita ko ang pag palit ng ilaw sa kulay pula! "Tangina, Rama!" Sigaw ni Verix. "May truck! Itigil mo!" Nanlaki ang mga mata ko sa di kalayuan, may malaking truck na tumatakbo. "Trust me." "Tangina, ayoko pang mamatay!" "Ano?! Ang bakla mo Verix! Watch and learn from the pogi! At tsaka ikaw ang nagsabi sakin na i-beat ang red light!" Tawa niya. "Tarantado! I-beat ang red light, hindi i-full speed ang takbo as if you're in a f*****g drag race at parang aso lang ang sasagasa satin!" Tumawa lang si Rama at parang may balak salubungin ang truck. Dire-diretso ang sasakyan at napahawak ako sa gilid nito dahil kita ko ang truck na sasalubong sa gilid namin if hindi niya binilisan! Tuloy-tuloy ang pag busina ng truck, habang si Rama na nagd-drive ay humalakhak. "Tangina, Rama!" "AH!" Napatili ako at napapikit. Sasalpok ang gilid ng kotse sa harap ng truck! At sigurado akong tatalsik ang kotse! Ayoko pang ma-double dead! Gusto ko pa mabuhay! Napamulat ako ng may narinig akong sirena ng pulis at kasabay 'non ang pagtawa ni Rama. Gosh, he's a monster! At buhay pa ako! I mean patay na ako, pero kung buhay lang ako habang nakasakay sa kotse niya? Masasabi ko 'yon! "Tangina mong hayop ka, babarilin kita. .." Parang kinapos sa hininga si Verix samantalang ako ay nagce-celebrate na hindi pa sila patay. "May pulis!" Sigaw ko. Ano, pag nahuli sila, matatagalan kami at baka mamatay 'to si Marcus! Naman eh! Bakit parang cool lang ang dalawang 'to? Tahimik lang ang dalawa. Then ilang minuto kaming nagpaliko-liko at kasabay 'non ang parang lumalayo na ang sirena ng pulis. Teka, they have lost it? Tinignan ko ang likod at wala na nga ang sasakyan ng pulis! "Wow. ." ang galing! Ni hindi nga sila sumigaw na may pulis na sumusunod sakanila. Parang alam na nila ang gagawin at sanay na sanay na. Sanay na sanay? Ipinilig ko ang aking ulo. "Marcus, okay na. Wala ng pulis." As if naririnig niya ako. "Tangina, malapit na tayo, Boss." Humalakhak si Rama. Ba't ba ang saya nito. "Akala ko hindi ka na magsasalita Verix, para kang bakla na namumutla!" Tawa niya. "Tangina! Babarilin talaga kita mamayang hayop ka!" Sigaw ni Verix pero tinawanan lang siya ni Rama. Napailing na lang ako at napangiti. Tumigil ang kotse kaya napalingon ako sa kinalalagyan namin. Walang ilaw at walang katao-tao dito! Ospital ba 'to?! "Ten minutes tuloy ang naging biyae natin dahil sa mga pulis." Ani Rama habang inilalabas nila si Marcus. Sampung minuto!? Bakit pakiramdam ko 'yon ang pinakamahabang oras ko sa tanang buhay ko?! Sumunod ako pero laking gulat ko ng mapaupo ako sa semento. Naman, ngayon ko lang napansin ang panghihina ng tuhod ko dahil sa pag sakay sa kotse ng Rama na 'to! My knee felt jelly. Damn. Naglalakad na sila palayo kaya agad akong tumayo pero nakaka-isang hakbang pa lang ako ay napaupo ulit ako. Hindi na ako sasakay sa kotse niya, bwisit! Tumayo ako at dahan-dahang naglakad. Nanginginig pa ang tuhod ko ng sundan sila. T-Teka. ..Ito yung lugar na pinuntahan namin dati ni Marcus! Yung maraming goons! Ano namang gagawin namin dito?! Magagamot ba nila si Marcus?! Jusko! Pumasok ang dalawa 'don at kita ko ang pag-panic ng lahat ng makapasok ang tatlo. "Tawagan niyo si Gabo tapos papuntahin sa baba. Sabihin mo bilisan niya kundi kami ang papatay sakanya" Utos ni Rama sa isang goon na tumango-tango. "Pupunta kami 'don." Aniya. Dire-diretso silang tatlo kaya sumunod ako. Tapos may kinalikot si Verix sa book shelf at may biglang nagbukas na pintuan na nakadikit sa sahig. Bumaba sila 'don at ako ay sumunod na nakanganga. Then tumambad sakin ang lugar na lalong nakapagpa-nganga sakin. Gawa sa transparent glass ang flooring nito at may ilaw na kulay light green sa baba. May mga hologram na nagsisilutangan at kita ko ang isang hologram na may iba't-ibang imahe. Mukhang TV ito ng CCTV sa buong lugar. Kasi kita ko ang mga goons sa labas. Sa pader ay kita ko ang mga baril na nakasabit. Ang lalaki 'non. Tapos sa baba ng mga baril ay isang box na gawa sa kahoy. Parang treasure box ito at sigurado akong hindi maganda ang nasa loob 'non. Walang ilaw ang kwarto pero naging maliwanag ang buong silid dahil sa holograms at transparent floor nito na may ilaw na kulay green sa loob. Ang. ..galing. "Gabo! Si boss, may tatlong tama. Isa sa balikat, kaliwang braso, at sa. ..oh balikat ulit." Ani nung Rama. Pumunta ako 'don at kita ko si Marcus na nakahiga sa kama. Ang amo ng mukha niya pero may dugong bumabalot sakanya kaya natatakot ako. "Umalis ka nga diyan." Tinabig siya nung Gabo at sinimulang kabitan ng kung ano-ano si Marcus. "Bakit hinayaan niyang umabot sa tatlo ang tama niya? Did Trina break or something?" Inabot nito ang lab coat niya. "Hindi namin alam 'eh." Sagot ni Verix. "Iyon na nga, may Trina naman siya at anytime, pwede niyang utusan na barilin yung mga gagong 'yon except him dahil naka-program si Trina na protektahan si Boss." "Unless may iba pang tao sa bahay ni Boss at ayaw niya iyong masaktan. .. Kasi diba? Lahat ng tao na hindi kilala ni Trina, as long as Boss command Trina to shoot them, lahat ng ma-detect niyang tao sa bahay ay babarilin niya except him, of course." Ani Gabo. "Yeah. ..may iba pa 'atang tao sa bahay niya." "At napaka-astig ni Trina." Sabi ni Rama. "Oh siya, layas. Nang magawa ko na ang trabaho ko." "Okay, pagalingin mo si Boss, kundi kami babaril sayo." Ani Verix at tumalikod para umalis. Sumunod ako, aba ayoko makakita ng live na ino-operahan. Pero sana, God please, ayos lang siya. "Baril? Sino kaya takot na takot kanina!" Tawa ni Rama. "Tangina mo!" At nag-away sila na parang mga bata. Kaya pala. Ako ang may kasalanan. Akala ni Marcus, tao ako at made-detect ako nung Trina when the moment he told to shoot them. Kasama ako 'don kasi hindi ako kilala ni Trina, edi ibig sabihin mababaril ako at mamatay. Pero hindi eh, multo ako. And Marcus is protecting me. .kahit na alam niyang masasaktan pa siya. Iyon ba 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD