CHAPTER 5

1785 Words
Napatigil ako sa paglalakad ng hawakan niya ang braso ko. Hindi ako lumingon sakanya kasi may mga luha sa pisngi ko. May mga naririnig akong munting mura na galing sakanya. Ano ba kailagan nito? Lalaitin kung naman niya ako? Pagtatawanan? Kasi kung para sa iba, mababaw lang 'to at feeling niya eh may sayad ako, then be it! Pero yung pagtatawanan ako na parang hindi mahalaga yung ginagawa ko? Masakit. "Hey, lingunin mo ako." authority is really obvious in his voice. Pero parang pinipigilan niya pa 'yon sa lagay na 'yan. "Hey. ..damn this dream." "Hindi ka nanaginip!" "Okay. .whatever." aniya. Napairap naman ako. Hindi siya naniniwala! "Lingunin mo ako." Kaya tinanggal ko ang luha na nasa mata ko bago humarap sakanya. Tinabig ko ang kamay nito then crossed my arms. "Aalis na lang ako! Mas okay pa na mamatay ako, kaysa pakisamahan ang katulad mo! You merciless beast!" inirapan ko siya at naglakad papunta sana sa pintuan. Hindi ko talaga 'to kaya. He is too monster! Tinignan ko ang singsing ko at nanlaki ang mga mata ko na halos napuno ng itim na buhangin ang singsing ko! Kumalabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Nilingon ko siya at kita ko ang seryosong mukha nito, magsasalita na sana ako. .. But the next thing I knew, everything went black. "Ika'y tuluyang mamatay kung gagawa ka ng hindi niya gusto. Mag-ingat ka." Bigla akong napamulat. Teka! Anong nangyari!? Tinignan ko ang singsing, plain na ito. Wala na yung buhangin na halos mapuno ang singsing kanina! Bakit napuno ang singsing kanina!? Wala naman akong sinabi sakanyang masama! Akala ko, tanggap ko na patay na ako! Pero hindi pa pala! Kailangan ko pa mabuhay! Pero bakit ganon? Makikita niya pa ba kaya ako? Ginalit ko siya, siguro hindi na niya ako makikita! Lumabas ako ng kwarto gamit ng aking powers. Joke, hindi naman powers 'to. Multo lang ako. Pumasok ako sa kwarto niya at tinignan siya ng masama. Hindi naman niya siguro ako mapapansin dahil multo ulit ako diba? Hindi naman niya siguro ako makikita kasi ginalit ko siya. .at para makita ulit, kailangan ko siya pasayahin. Pero ngayon, maglalabas muna ako ng sama ng loob. "You freak! Monster ka! Gusto ko lang naman mabuhay, at kailangan ko ng tulong mo, pero tinawanan mo lang ako! You insensitive bastard!" Hinihingal ako ng matapos ko siyang sigawan. Nakakainis! Kailangan ko lang siguro maglabas ng sama ng loob para magkaroon naman ako ng lakas ng loob na pasayahin siya. "Done?" Napatalon ako sa kinakatayuan ko. "N-Nakikita mo ako. ..?" Paano?! Diba once na ginalit ko siya, hindi na niya ako makikita? Pero ba't niya ako narinig!? Lalo'ng napatalon ang kalamnan ko ng ilipat niya ang tingin sakin. "Yeah." Tango niya. Tinignan ko ang singsing ko. Hindi manlang siya nagalit? Wala akong nakikita na bakas ng itim na buhangin. Sinigawan ko siya diba? He should be angry! "Uhm. ..Ba't hindi ka nagalit?" Pinaglaruan ko ang aking kamay na nasa likuran ko. Nako naman! Parang tuloy ako pa ang masama dito! Para akong bata na nahuli sa ginagawa niyang pagtakas mula sa bahay! "Hmm. .." Huni lang ang sagot niya then he turn the page of a book that he's reading. "I thought ayaw mo na akong makasama? Why are you here?" Napanganga naman ako sa tanong niya. Ibig sabihin. ..pinapaalis niya talaga ako? Aba't wala talagang awa! Akala ko bumait siya sakin kasi hindi siya nagalit, sinasabi iyon ng singsing. Pero bakit. ..bakit niya ako pinapaalis? "Marcus! Joke lang naman 'yon! Promise! Hindi ko sinasadya 'yon!" lumapit ako sakanya ng kaunti. Nasa paanan na ako ng kama niya habang siya nama'y nakatingin lang sa libro. "Huy! Pansinin mo naman ako!" Sabi ko. "Akala ko aalis ka?" I stomp my feet. "Hindi nga!" "It was clear. Sabi mo hindi mo ako kaya pakisamahan." "Teka!" May napagtanto ako. "Nagtatampo ka ba?" Tinuro ko siya. Oh my! Nagtatampo ba siya? It was really clear on his voice! Doon na sya nag-angat ng tingin sakin. Kinunutan ako nito ng noo at inilapag ang libro. "And why would it be like that? Excuse me, but I am Leandro Goncielo. I am great. At hindi ko kailangan ng mga tao na kaya akong pagsalitaan ng ganyan." At dinampot niya ang libro na binitawan niya kaya natawa ako. "Sus, tatampo si Marcus!" "Bakit mo ba pinipilit 'yan?" Iritadong saad niya. Lumapit ako sakanya pero nanatiling nasa libro ang tingin nito. "Hay. .." Hinablot ko ang nakabaligtad niyang libro na binabasa. Inayos ko ito at kita ko sa mata niya ang pangamba. Nginisian ko siya. "Sobra ka naman kabahan, pati libro, nababasa mo kahit nakabaligtad!" Tawa ko. "It's not like that!" Iritadong sambit niya. "At pwede ba? Umalis ka na!" "Di ako aalis!" "Get out!" "Na-uh!" "Tangina, babae, umalis ka!" He sent me death glare. "Wag ka ngang mag mura!" At sinamaan ko rin siya ng tingin then stuck my tongue out. Lalong nalukot ang mukha nito sa ginawa 'to. At since nakatayo lang ako sa gilid niya, madali niyang nahablot ang beywang ko at inilagay sa balikat niya ng ganon kabilis! "H-Hoy! Ibaba mo ako!" "Nasa hagdan tayo. Ibaba pa rin kita?" "Edi dahan-dahanin mo ang pagbaba sakin!" Pinukpok ko ang likod niya. "Oh no, I like it rough, and sure it will hurt you, Lady." Aniya at tumawa. Naramdaman kong nagsi-akyatan ang dugo ko sa aking pisngi. Argh! Ang Marcus na 'to! "Sir. Alert. Two person in your garden, three inside the house." Napatigil si Marcus sa paglalakad at ang ilaw ng bahay niya ay naging dim at may red lights pa na nagpapaikot-ikot. "Marcus, anong nangyayari?" Tanong ko sakanya. Bigla siyang bumalik sa kwarto ng mabilis at inilapag ako sa kama. "Trina, i-lock mo lahat ng pwede pasukan ng dalawang taong 'yon. Call Rama. Then i-lock mo ang pinto ng kwarto na 'to right after na umalis ako." "Yes, sir." Mabilis ang kilos ni Marcus kaya lalo akong kinabahan. Dagdag mo pa 'yong dim lights at red light na parang may hindi talaga nangyayaring maganda! "Stay here, Lady." Aniya at kita ko ang bitbit niyang baril. Teka, anong nangyayari?! May nakapasok ba na magnanakaw? Sa pagkakarinig ko kanina, may tatlong tao na nasa loob, at dalawa ang nasa labas! Ibig sabihin, lima ang magnanakaw?! "Marcus! Tumawag ka na lang ng pulis!" Kinakabahan ako! Napatigil siya sa paglalakad. "Sandali lang 'to." "P-Pero. .." Napatayo na ako sa kama. "Lady, sandali lang 'to. Wag kang lalabas ng kwarto!" Hindi niya ako nililingon at rinig ko ang iritadong boses nito. "Kailangan kita." Sabi ko na lang sakanya. Kailangan ko siya, para mabuhay. Pag may nangyaring masama sakanya, baka mamatay na talaga ako! Doon siya gumalaw para bumalik sakin. Napatingin ako sa baril na hawak niya bago ibinalik ang tingin sa mukha niya. His eyes look soft and touch. Bakit? He maybe pity me, dahil sa kalagayan ko. "It's going to be okay." Aniya habang naglalakad papalapit sakin. "Anong okay!? May magnanakaw sa bahay mo! Baka may mangyaring masama sayo! Kailangan kita para mabuhay ako." Then napatigil siya sa paglalakad. Ang kaninang emosyon na nasa mata niya ay nawala then he sarcastically smile on me. "Yeah right." Mabilis siyang naglakad papunta sa pintuan at marahas na sinara 'yon. Ano na naman ba? Ang bilis niya magbago ng mood! Then nakarinig ako ng mahinang ingay. Tinignan ko ang malaking veranda na nasa kwarto ni Marcus. Parang may kumakatok 'don. Hindi katok, parang sinisira 'yon! Pumunta ako 'ron at kita ko ang isang lalaki na may bitbit na malaking baril! What?! Maliit lang yung kay Marcus! May chance na baka ang makalaban ni Marcus ay malaki ang baril! Ang veranda ni Marcus ay napalibutan ng bakal. Wow, paano nangyari 'yon? Binaril ng lalaki yung bintana at akala ko mababasag 'yon pero nag-c***k lang. Wow. Tumagos ako sa bintana para kumpirmahin ang isang bagay. Then boom! Hindi niya ako nakikita kahit nasa harap niya lang ako! So si Marcus lang ang makakakita sa akin? Galing! Nakita kong kinuha niya ang phone niya. "Boss, mahirap tibagin yung bintana ng kwarto niya, may bakal pa. Baka patay na 'yong mga tao sa loob hindi pa 'rin nabubuksan ang bintanang 'to." P-Patay?! Nakarinig ako ng putok ng mga baril kaya agad akong pumasok sa veranda at tumagos sa pintuan. Napatili ako ng may makita akong nakahandusay na katawan sa tapat nito! "Tangina!" Rinig kong sigaw ni Marcus mula sa baba. Tumakbo ako pababa pero nakasalubong ko siya, paakyat. "M-Marcus!" Pinaglaruan ko ang kamay ko. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang buhay. "M-May sugat ka ba?" Tanong ko. "Ikaw?! Tangina naman, diba sabi ko sayo wag kang lalabas ng kwarto?!" Hinila nito ang wrist ko para hilahin paakyat. "Marcus. ..may sugat ka ba?" "Wala!" Iritado ang boses nito. "Wag kang mag-alala, hindi ako magpapa-baril. Diba kailangan mo pa ako?" Puno nang sarkasmo ang boses nito. Na parang I only care because I need him! "Marcus, wag kang magsali--" humigpit ang pagkakahawak nito sa wrist ko kaya napangwi ako! "Yeah, whatever! Trina, open the door!" Sigaw niya. Galit talaga siya. Bumukas ang kwarto pagkapihit niya at ipinasok ako 'don. Sinamaan ko ng tingin nito. "Wag kang lalabas." Napatili ako ng may narinig akong putok ng baril! At kita ko ang dugo na dumaloy sa balikat niya! Napaupo siya dahil 'don. "Marcus!" Akmang lalapit ako ng itinaas niya ang kamay niya. "Tangina, tumakbo ka!" Sigaw niya sakin. "Oh, anong nangyari sa isang sikat na boss?" Sinipa ng lalaki si Marcus hanggang sa napahiga siya. Lumingon ang lalaki sa buong kwarto. "At sino naman ang kausap mo dito?" Inilibot niya ang tingin niya. "You'll be damned for this, asshole." Aniya at akmang kukunin yung baril ng patamaan siya ulit ng lalaki sa kaliwang braso. Napaluha ako. "M-Marcus!" "Wow, first time namin na mapatamaan ka." Tawa nung lalaki. "And this will be the last." Tawa ni Marcus. Kita ko ang pag dilim lalo ng mukha nung bumaril. At binaril siya, for the third time. "M-Marcus!" Sigaw ko at lumapit sakanya. Wala akong magawa! Multo lang ako! I'm useless! Napadaing naman sa sakit si Marcus. Pangatlong tama niya na 'to! "Baka may tinatago ka dito, at parang takot ka pa kanina nung sinabihan mo siya na tumakbo. .." Tumawa yung lalaki. Tinignan ako ni Marcus. Hinawakan ko ang noo nito na tumakip na sa mata niya. "Huwag ka mag-alala. Hindi nila ako makikita." "E-Even Trina?" Tumango ako. "Kahit si Trina." Ngumiti siya. "Dapat pinatay niyo na lang ako." Pinalo ko siya sa braso. "Ano ba?!" Umiling siya at tumawa. Habang ang dalawang lalaki ay halatang nag panic. "Trina. Shoot them." At nagulat ako ng may lumabas na mga baril mula sa kisame at pader niya. And the next thing I knew, nagpapa-ulan na ng bala ang mga baril na 'yon! Kasabay ng pagputok ng mga baril ay paghila ng batok sakin ni Marcus. Ayan tuloy, napasubsob ako sa dibdib niya. Kumalas pa ako pero ayaw niya akong bitawan. I felt something get giddy on me. "Uhm. ..Marcus, hindi ako nararamdaman ni Trina." Maybe he's protecting me. "Baka matamaan ka." "Hindi nga ako tao. Multo ako, at kahit matamaan ako, tatagos lang sakin 'yon." "Okay. Whatever." Napatawa ako, kahit kailan talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD