CHAPTER 4

1523 Words
Sinubsob ko ang aking mukha sa tuhod ko at niyakap ito. Nakakainis, hindi naman ako pwede umalis dito. Kailangan ko si Marcus, kailangan ko mabuhay! Pero naiinis ako kay Marcus! Parang basahan lang ako kung itapon! Kalalaking tao, so ungentle! Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa harap ng gate ni Marcus. Pwede naman akong anytime na makapasok sa bahay niya. ..pero kasi, naiinis ako sakanya. Nakakainis. Pero wala akong panahon para mag-isip o kainisan si Marcus. I need him, kailangan ko siya para mabuhay ako! Hindi ko alam kung anong dahilan; kung bakit gusto ko mabuhay, pero ramdam ko, na may kailangan ko talaga mabuhay. Na desperada ako, para dito! I sigh. Aja, fighting! Tumagos muli ako sa gate at pumasok sa bahay niya. Nakita ko naman siya sa kusina na kumakain ng cup noodles. At nong makita niya ako. .. Ang kaninang kalmadong mukha niya ay sumama. T-Teka! Tinignan ko ang singsing at laking gulat ko na halos one fourth na ang nakalagay na itim na buhangin 'ron! "B-Bakit ka nagagalit!? Wag ka magalit!" Sigaw ko sakanya. Kumunot ang noo nito. "Paano ka nakapasok?" Kalmado ang tono nito kaya naman medyo nawala ang kaba ko. "Uhm. ..pumasok ako." "The gate is lock. I'm sure Trina will automatically shoot you because you're a stranger.. .so how come? Tell me your secret, lady." mapungay at tila nanglalasing ang mga mata nito kaya napahawak ako sa hawakan ng fridge na nasa gilid ko. Nag-iwas ako ng tingin. "Uhm, baka matakot ka." well, nakakatakot naman talaga ang pag tagos ko sa mga bagay. He giggled kaya napalingon ako, at kita ko ang labi nito na tumataas ang sulok. Teka nang-aakit ba siya? "Hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko, trust me. It's really scary. .." Naningkit din ang mga mata nito bago ibinalik ang kinakain sa noodles. I sigh. The way he look at me is more scary than anything. Feeling ko mawawalan ako ng balanse, 'eh! Nang maalala ko na tinatanong niya ako ay napaayos ako ng tayo sa tabi ng fridge. Ayoko nga lumapit sakanya! Baka mamaya, itapon na naman niya ako palabas! "Uhm. ..Tumatagos ako." Kita ko mula dito ang pag tigil niya sa pagsubo at nag-angat ng tingin sakin. Ayan na ang nakakatakot na mata! "That's it." Tumayo siya at gamit ng isang kamay na nakatago sa table ay inilabas niya at hawak ang kanyang baril. Napapikit ako. Ano ba naman 'yan! Syempre iisipin niya na nababaliw na ako! "T-Teka! Wag mo naman ako i-double dead, Marcus!" Sigaw ko at nagtago sa gilid ng fridge. "You psychotic woman." aniya at narinig ko ang pagkasa ng baril. Kaya gamit ng tagos powers ko ay lumipat ako ng ibang kwarto. "Where the hell are you!?" Inis at iritado ang boses nito. Aba! "Marcus! Wag mo naman ako patayin! Patay na ako!" Sigaw ko. Nakita ko ang pag galaw ng doorknob kaya tumagos ulit ako sa pader. Nasa kusina ulit ako! "Tangina, babae! Nasaan ka!" Huhu, Lord, tao pa ba siya? "Nasa kusina!" Ako si tanga na sumagot kaya agad akong tumakbo sa pader para tumagos sa kwarto. Hangga't di siya kumakalma, hindi ako titigil kakatago! "Trina! Detect the girl! Shoot her!" Rinig kong utos sa robotic niya na guard 'ata ng buong bahay. "Sir. ..cannot detect any presence of somebody except for you." "Damn it! You psychotic! What have you done to Trina!" Rinig ko ang pagkabasag ng isang bagay mula sa labas. "Hindi ako magpapakita kung ha-harass'in mo ako!" Sigaw ko at agad lumipat sa kusina kasi alam ko na susunod siya sa boses na 'yon. Pero 'don ako nagkamali ng makita ko siya sa counter ng kusina at nakatingin sa akin na may pagkamangha sa mata. "What the. .." Nanlalaki ang mga mata nito pero nanatiling nakatingin sa akin na parang isa akong supernatural. Well, supernatural naman talaga ang nakita niya! "Marcus!" Itinaas ko ang kamay ko. "Huminahon ka nga! Bakit ba lagi kang galit ha!?" singhal ko. Nawawalan na ako ng pasensya kakatakbo-tagos sa pader! Nakita naman niya ako, then be it! Tinignan naman niya ako ng masama. "What do you expect me to do? Party? Kasi may tao akong hindi kilala at. ..at. .." Parang nawalan sya ng paliwanag sa susunod na sasabihin niya kaya napangisi ako. "Oh. ..Marcus the monster is speechless because of me. .." sabi ko at napapikit. Inilagay ko ang aking kamay sa dibdib at yumuko. "It's an honor, my Lord." Napatawa ako ng sumigaw siya sa akin. "Shut it, you. ..psychotic!" He is so pissed. Ang sarap niyang asarin. "Wag mo na kasi ako tutukan ng baril!" Sigaw ko sakanya ng makaget-over ako sa pagtawa pero di ko maiwasan mapangiti dahil sa itsura niya ngayon. "You woman! Wag mo akong sigawan!" naiinis na sambit niya pero agad din niyang ibinaba ang baril sa akin. "Try to do something. I won't hesitate, Lady." Banta niya. I pout. "Wala naman akong gagawing masama." Aniya at naglakad papalapit sakanya pero muling itinaas niya ang kanyang baril at itinutok sakin. "Ano na naman!?" Inis na turo ko sa baril niya at napaatras. "What!? Hindi ko alam kung anong klase kang nilalang, anong iniisip mo na gawin ko? Hug you with open arms?" Sabi niya at ibinaba ang baril. Nakakunot ang noo nito habang masama akong tinitignan. "Maka-nilalang ka naman! Hindi lang naman ako tao--" "What the hell!?" Nanlaki ang mga mata nito habang dinuduro ako ng baril niya. "You must be a witch or something--" Aba! Pinameywangan ko siya. Kahit nakatutok ang baril niya sa akin ay wala akong paki! Tatagos lang naman 'yan! "Mukha ba akong witch or something sa paningin mo!?" Matagal niya akong tinitigan. Ang mga malalalim na mata nito ay pinasadahan ako mula ulo hanggang paa at bumalik muli ang tingin niya sa mata ko. He look amaze with something pero agad din itong nawala. "Yeah." Aba't! Matapos niya ako tinignan ng nakakatunaw ng tingin, ganon na lang 'yon!? "Heh!" I crossed my arms at inirapan siya. "Okay. I won't do anything that can harm a witch like you. ..-" Tinignan ko siya ng masama. "Hindi ako witch!" I stomp my feet like a kid. "Yeah. Whatever." Sabi niya. Nagsalubong naman ang kilay ko. Hindi naman sya naniniwala! "But please, take a seat." Tumaas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya. Tinaasan rin ako ni Marcus ng kilay dahil sa reaksyon ko. "Marunong ka pala maging gentleman?" "No. Maybe, nananaginip lang ako." Aniya at naunang umupo. "You know, hindi ako nakakain, nakakatulog ng maayos, so I must be sleeping at dahil 'don kung ano-ano ang naiisip ko." Aniya habang umiiling. Umupo ako sa harap niya. "You're not dreaming! Totoo ako!" Sabi ko sakanya. "Okay. Whatever." Inirapan ko siya dahil sa sagot niya. Fine, ayaw niya akong paniwalaan? Okay then, ang mahalaga ay mapansin niya ako, ng kung sa ganon ay mapasaya ko siya. I sigh at tinignan ko siya. Nakatingin lang ito sa akin habang naka-cross arms. Ang white sando nito ay masyadong hapit sakanya kaya kitang-kita ang nais kong makita-- Argh! Ano ba 'yan! Eighteen ka pa lang, ang laswa mo na mag-isip! Erase. Erase. "Done appreciating god's master piece?" He giggled. Naisarado ko ang nakaawang 'kong bibig at napaayos ng upo. "Saan banda?" Ngumisi naman siya. "Oh, you want me to be naked for you to see it?" Naramdaman kong nag-akyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. Mukhang natuwa siya sa reaksyon ko dahil lalong lumaki ang ngisi niya. "I am willing, Lady." "Yuck! Ew! Perv!" Sigaw ko para pagtakpan ang aking kahihiyan. Parang mas gusto ko pang hindi niya ako makita! Para naman ma-appreciate ko siya ng matiwasay! "Says the one who drool in front of me." Nandon pa rin ang ngisi niya na parang nanalo sa giyera. Argh! "Heh!" Okay, talo na ako! "But, Marcus, I need you, kaya wag mo ako babarilin ha? Ikaw lang ang kailangan ko para mabuhay ulit." Sabi ko habang siya ay kumakain ulit. "What? Okay, yeah, whatever." "Makinig ka naman, Marcus!" "I'm listening." He said with the 'Duh'-tone. "This is serious! Pag ako hindi nagtagumpay sa misyon ko, baka hindi na ulit ako mabuhay!" Umangat ang tingin niya sakin. "What? Are you telling me that you already died?!" Tawa siya ng tawa. Para namang may nakakatawa! Seryoso kami 'rito! Duh! "And I am the one who is going to save you? Pft!" Bumalanghit siya ng tawa. Napayuko ako. "Uhm, yeah. Ganon nga 'yon." Ilang minuto bago ko siya marinig na tumahimik sa pag tawa. "Hey, don't be sad, lady, I am going to save you! Leandro the great is going to save you!" Tumawa ulit siya ng pagkalakas-lakas. I am serious. Pakiramdam ko ay pinagtatawanan niya lang ang pinagdadaanan ko para mabuhay ulit, para maging tao ulit. Naramdaman ko ang panunubig ng mata ko kaya napayuko ako at pa-simpleng pinunasan ito. "I'm. ..s-serious. .." My voice cracked habang siya ay pinipigilang hindi matawa. This man is so insensitive. .. No mercy at all. "I want to live, help me." sabi ko ng may diin. "Hey, don't be angry, lady. Ikaw ang may kailangan sa akin." That's it! Tumayo ako at tinalikuran siya. Ang sakit niya magsalita. So insensitive. Nakakapuno na! Kaya ko ba 'to? Siguro naman may dahilan kung bakit ako namatay. ..at siguro nga oras ko na iyon kahit sabihin pa ng matanda na hindi pa. Lahat may dahilan, at sigurado akong namatay ako. ..ng may dahilan. Siguro, dapat hindi ko na lang ituloy 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD