Kailangan ko siyang mapangiti.
Ano 'bang bagay ang makapagpapa-ngiti sa beast na 'to? And at the first place, kaya ko ba 'to? Kaya ko bang paamuhin ang lalaking 'yon?
Nandito pa rin kami sa. ..ewan ko kung anong lugar 'to pero mukhang tambayan 'to ng mga taong hindi pwede mawalan ng baril sa tagiliran nila. Na parang sasabak sila sa giyera.
Pero nakakalimutan ko na mga goons sila dahil sa mga asaran at tawanan nila. Pero ayoko talaga dito!
"Verix! Bato-bato pick tayo!" Sabi nung Rama. Halatang lasing na siya habang inaakbayan yung Verix na wala na rin sa sarili. "Alam mo na yung parusa pag talo!" Naghiyawan lahat ng lalaki kaya naman napatayo ako mula sa pagkakaupo sa lamesa para maki-usisa.
"Bato, bato, PICK!" Sigaw lahat ng mga lalaki na naroon kaya napangiti ako at tumawa. Parang mga bata.
"Oh, talo si Verix!"
Nanlaki ang mga mata ko ng sapakin ni Rama si Verix. Hala! "Marcus!" Bigla ko na lang nasabi. Aba, mag-aaway ang mga under niya!
Tumawa si Verix. "Tangina, bakla sumapak!"
"f**k you, sa dami ng muscles ko kaya kang durugin nito!" At tinaas nito ang braso niya at pinakita ang mga masasarap na muscles.
Aish. Masasarap? I giggled for that. p*****t ko.
Nagbato-bato pick sila at this time, si Rama ang talo kaya siya sinapak ni Verix.
Napanganga na lang ako ng mapagtanto ko yung nilalaro nila. Ano, isip bata lang? Pag natalo, sapak?
Lumapit muli ako kay Marcus na tahimik kumakain ng sundae. Oo, kanina pa 'yan. Hindi kaya 'yan magkaroon ng toncilitis? Nakita kong nakapatong sa lamesa ang apat na baso ng sundae na wala ng laman at pang-lima na niya yung kinakain niya.
"Marcus, dito ka ba nakatira?" umupo ako sa lamesa at siya nama'y nasa gilid ko habang kumakain ng sundae na strawberry ang syrup.
Doon lang siya nakatingin at parang doon nakatuon ang buo niyang atensyon. Ano? Siguro kahit tao ako, hindi rin ako papansinin nito dahil sa kinakain niya.
"Marcus, nagsasapakan yung mga under mo. Baka naman mabalian sila?" Sabi ko sakanya.
Hay, ang hirap pag naging multo.
"Paano nga ba kita mapapangiti? Ano bang bagay na nakapagpapangiti sayo? Kailangan na natin umuwi ng may malaman naman ako na bagay tungkol sayo, at ng makita mo ako! Bakit ba kasi naputol yung bagay na nagc-connect sa atin? Tss, kasi nga diba, ang short tempered mo kaya na bad shot agad ako sayo!" Tinignan ko ang singsing na nasa kamay ko. May itim na buhangin 'don.
Napasimangot ako. Kaya ko ba talaga ang misyon na 'to? Kung ibang tao lang, baka kaya ko pa. Pero si Marcus, parang ang hirap naman niya i-please pero ang daling inisin.
Kaya ko ba talaga ang misyon na 'to? Can I tame this Marcus Goncielo?
Tahimik na tumayo si Marcus sa upuan niya kaya naman napatayo rin ako. "Oh, saan tayo?"
Pero agad siyang nagtungo sa pinto at umalis pero narinig ko ang mga sigaw ng kasamahan niya.
"Bye Boss!"
Kumunot ang noo ko. Pati pagpapaalam ayaw niya? Ano ba naman 'yan.
Ano kayang magpapahina sayo, Marcus? Tinahak ulit namin ang pasilyo na punong-puno ng mga goons na parang may binabantayan, o sasabak sila sa giyera.
Ano ba talaga ang lugar na 'to?
"Boss, ingat." Saludo ng maskuladong lalaki sa entrance ng building. Walang sinabi si Marcus at dire-diretso manlang.
Ano, Marcus, ni tango, wala?
Huhu, kaya ko ba 'to?
Nang makasakay kami sa kotse ay napabuntong hininga siya at sumandal sa upuan niya.
Ako nama'y tinignan ang 'God's master piece' na sinasabi niya ng una niya akong makita. Akala mo naman, natulala ako sa ka-gwapuhan mo! Like duh, natulala ako dahil nakikita mo ang multo na katulad ko!
Kita ko dito ang haba ng pilik mata niya. I envy that one! Kalalaking tao pero masyadong. ..perpekto! Totoo ka ba?
Kung hindi lang ganyan ang ugali mo, baka crush na kita. Kaso lang ang sungit mo. Para kang mangangain.
Pwede ko kayang palitan ang taong 'to? Please, sumagot ka.
"Ikaw lang ang makakasagot niyan."
Napahilamos ako sa aking mukha. "Ano ba 'yon! Sagot ba 'yon!?" Feeling ko talaga, maiiyak na ako! Walang sumagot sa utak ko pagkatapos 'non.
Nang tumigil ang sasakyan ay napatingin ako sa labas. "B-Bahay mo 'yan?" Napatingin ako sa bahay na nasa harap namin. I mean, bahay pa ba 'yan? Hindi na bahay 'yan!
May itinaas siyang remote at pinindot ito. Kasabay 'non ang pagbukas ng gate. Napanganga naman ako sa sobrang advance ng gate niya. Nang lumagapak ang pinto ng kotse niya ay doon ako nahimasmasan at sumunod palabas sakanya.
Malaki ang bahay nito. ..puro salamin pero hindi makita kung anong meron sa loob. Two storey lang pero. .ang gara!
Nang mawili ako kakatanaw sa labas ay pumasok ako sa pamamagitan ng pagtagos sa pinto, at lalo akong napanganga ng makita ko kung anong meron sa loob.
Nakakahiya umapak sa tiles nito na kulay itim dahil sa kintab at mas nakakahiya sa balat ko ang pintura ng buong bahay na kulay puti sa sobrang linis. May dekorasyon ito na mga kulay itim na palamuti. At lalo akong namangha ng i-angat ko ang aking tingin ng makakita ng hindi ganon kalaking chandelier.
Pero t-teka! Nasaan na ang mga tao dito? Hinanap ko si Marcus sa buong unang palapag pero wala siya. Pero sa paghahanap sakanya 'eh lalo akong naiyak dahil halatang expensive ang mga gamit niya at malinis. Umakyat ako sa pangalawang palapag ng bahay niya at tumambad sa akin ang family portrait.
May dalawang nakaupo na matanda, which I think parents ni Marcus. Namana ni Marcus sa tatay niya ang talas ng mata. Kuhang-kuha. Sa nanay naman ni Marcus ang manipis na labi nito. Pero mas kamukha ni Marcus ang tatay niya.
Sa likod ng matanda ay dalawang tao. Babae at lalaki. At sigurado akong si Marcus yung lalaki! Ang bata niya pa dito! Nasa fifteen siguro? Hmm. ..Yung babae naman ay merong seductive eyes at sobrang ganda. ..sino siya? Huhu, idol ko na siya!
Ay teka! Si Marcus!
Tinignan ko ang boring na mga kwarto. Walang kalaman-laman. At mararamdaman mo talaga ang atmosphere ng bahay ay 'alone' type. So mag-isa lang si Marcus dito? Naghanap din ako ng mga bagay na konektado kay Marcus na maaring makapagpasaya sakanya pero zero balance talaga 'eh!
Pumasok ako sa pinakadulo ng pasilyo na pinto. At 'don ko nakita si Marcus na may salamin pa at papeles sa kama habang natutulog. Ano ba 'yan puro trabaho. Kumain kaya 'to? Siguro nama'y kumain 'to nung sandaling nawala siya sa paningin ko.
Saglit akong napatigil bago inalis ang salamin niya at inayos ang papeles para itabi sa table na nasa gilid ng kama niya. Inayos ko ang pagkakahiga nito at kinumutan. Kahit naman monster ka Marcus, kailangan mo matulog ng maayos.
Pagkatapos 'non ay iniwan ko siya at nagtititili ako. Ang pogi ni Marcus pag nakasalamin! Para siya yung mga nakikita mong pogi sa anime na nakasalamin! I giggled at nagpunta sa baba. Nako, Marcus, magsalamin ka. Bagay sayo!
Dahil bored ako. ..nag-iikot ako sa bahay niya at. ..mahilig siya sa black and white. Halata naman. Pumunta ako sa kusina niya at binuksan ang refrigerator niya na nakapagpanganga sakin.
Mukhang alam ko na kung anong makapagpapangiti sakanya! Napangiti ako at sinimulan ko na ang ginagawa ko. Hindi ko alam pero parang alam at kabisado ko ang ginagawa ko. Ipinatong ko 'yon sa lamesa pagkatapos at pumunta sa sofa para matulog. Siguro ang mga multo nama'y marunong mapagod.
Nagising ako ng maramdaman ko ang sikat ng araw sakin. Nakaramdam din ako ng pamamanhid sa katawan. Hindi talaga komportable matulog sa sofa kahit kailan.
Teka. ..gumana kaya? Yung ginawa ko kay Marcus?
Tumakbo ako papuntang kusina at nakita ko wala na 'don yung bagay na nakapatong kagabi! Kinuha kaya niya?
Umakyat ako sa kwarto niya habang tinitignan ang singsing ko. Wala na ang itim na dust! Oh my! Tumagos ako sa pintuan at kita ko ang lalagyanan ng strawberry cheesecake na nangangalahati na habang bored na nakatingin siya sa TV.
Nakikita niya kaya ako?
"Marcus!"
Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin samantalang ako ay napangiti ng sobrang laki. Oh my gosh! Gumana! Gumana ang strawberry cheesecake ko!
"What the f**k?" Manghang tanong niya at naibaba ang cheesecake. Samantalang ako ay napatalon sa tuwa.
Nakikita na nya ako! Ang galing! Mabubuhay na ako!
Dinamba ko si Marcus kaya siya napahiga at nagmura ng malutong samantalang ako ay niyakap ko siya!
Mabubuhay na ako!
"Tangina."
Napaangat ang ulo ko mula sa balikat niya. "Nakikita mo na ako?!"
Kumunot ang noo niya at itinulak ako. Tinulak! Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig.
"Damn, paano ka nakapasok dito?! Where the hell is your team!? Pinapasok mo ba sila dito!?" Ang sama ng tingin nito sakin at nagulat ako ng tutukan ako nito ng baril.
"T-Teka! Anong team!? Hindi ako magnanakaw!"
"Then you must be from the other group!"
"A-Anong group!? Nababaliw ka na ba!? Inosente ako!"
"Tell me how you get in on my house!" Nakatutok pa rin ang baril nito sa akin.
"Ibaba mo n-nga yan! Ayokong ma-double dead!"
"The hell!? Trina!" Sigaw nito.
"Yes, sir?"
Napatalon ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang robotic na boses ng babae. Wow, napaka-advance ng technology niya!
"Who the hell is this? Anong oras siyang nakapasok!? May iba pa bang tao bukod sakanya!?"
"Searching. ..For your first question; ERROR. Same for the second question; ERROR. And for the third; There is no one in your house, except you, Sir."
Kumunot ang noo nito habang tinitignan ako. "What the hell have you done to Trina!?"
"H-Ha!? Wala! Ano ba! Wag mo ako tutukan ng baril!" Sigaw ko sakanya. "Ako lang mag-isa dito! Promise!" ani ko.
Nagulat ako ng hablutin niya ang wrist ko para hilahin patayo at itutok sa ulo ko ang baril. What the!? Papatayin niya talaga ako?!
"I remember you." Naglakad kami palabas ng kwarto nito habang nakatutok sakin ang baril. "I'm f*****g sure that you're a spy or something. Tangina, paano ka nakapasok!?" Gigil na saad nito dahil naramdaman ko ang pagdiin ng baril niya sa ulo ko.
"Wala akong gagawin na masama! Ano ba!?" Sigaw ko. Nasasaktan ako! Hindi ko naisip na mas mahirap pa pala 'to sa inaakala ko! Jusme!
"Wala pa." Itinulak ako nito palabas ng gate. "Be thankful that I didn't kill you. Tell them that they're going to die, and you're not an exception if I'll see you again!" The he shut the gate.
Tumulo ang luha ko. Iyon, iyon ba ang lalaking pasasayahin ko? Bakit? Bakit kasi kailangan siya pa? Hindi ba pwedeng. ..ibang tao na lang? Ang hirap naman kasi pag si Marcus! He doesn't have any mercy nor heart! Babae ako pero. .ginanon niya agad ako. Kaya ko ba talaga ng misyon na 'to?
Pakiramdam ko gumuho ang pag-asa ko para mabuhay ulit.