Bakit? Bakit hindi niya ako makita? Nandito ako ngayon sa office niya at mahigit isang oras na ako nandito! Hindi niya pa rin ako makita! Ilang oras na ako nakaupo sa sofa niya at mukhang wala talaga siyang alam sa presensya ko!
Tumayo ako at lumapit sa harap ng table niya. Busy siya sa mga papeles habang kanina pa siya nagbu-buntong hininga o nagmumura!
Base din sa pag-oobserve ko, napakawalang-hiya niya! Aba't kung sino-sino ang sinisigawan niya! Porket siya ang boss dito? Boss? Paano ka nga ba nagkaroon ng ganitong kalago na kumpanya kung ganyan ka ka-monster?
At tsaka paano kita papasayahin? Parang ang hirap mo naman pasayahin! Nakakaiyak! Parang galit ka sa mundo at walang pakialam sa lahat! Bakit ka nga ba pinili ng singsing?
Pinapahirapan niyo ba talaga ako?
Napasandal siya sa swivel chair at napabuntong hininga. Ayan sige, mahirapan ka! Dapat ka lang mapagod kasi nagsisi-sante ka ng mga empleyado na nagkamali lang naman na pagkaliit-liit!
"Damn. .." Bulong niya habang hawak ang ulo nito. Masakit siguro 'to. Kanina pa kasing tanghali nandito ang lalaking 'to. Ni hindi nga siya lumabas para kumain kanina. Ano papatayin mo ang sarili mo sa hindi pagkain?!
Hindi pwede! May misyon pa ako at hindi ka pwedeng mamatay!
"Kumain ka na, hoy! Magdi-dinner time na ano? Tao ka ba? Di ka pwedeng mamatay!" Sigaw ko sa harap niya at inihampas ang mga kamay ko sa lamesa niya. "Diba, mayaman ka? Mag-utos ka na mag padala ng pagkain mo!"
"Sir. ..your meeting will start before ten minutes. .." sabi sa intercom. Napatingin ako 'don. Mag-utos ka, hoy! Anong silbi ng intercom mo?
"Ah, s**t. The meeting. .." Parang nagising siya 'don. Tumayo siya at kinuha ang kanyang coat. Ano? Hindi ka pa kakain? Naman!
Umalis ito at napabuntong hininga naman ako. Tinignan ko ang isang plate na nakapatong sa table niya.
Leandro Marcus Goncielo
Paano mo ako muling makikita? Ang pogi-pogi ng pangalan mo. ..ganon rin naman yung mukha mo. ..pero. . anong nangyari sa ugali mo?
"Sa una niyong pagkikita ay may hindi ka magandang ginawa o hindi niya ikinatuwa kaya naputol ang ikinabit ng singsing na hibla ng tali sa isa't-isa na naging dahilan kaya ka niya nakita." Narinig ko ang tinig sa aking boses. Kumunot ang noo ko habang nagsi-sink in sakin ang sinasabi ng boses.
Naputol!? May hindi magandang ginawa kaya naputol!? Kasalanan ko 'bang short tempered siya!? Napaupo ako sa swivel chair nito. I wonder kung bakit hindi ako tumatagos rito. Pati ang pagdabog ko sa mesa niya ay hindi rin tumatagos. Hmm. ..
Inisip ko ang pagtagos ko sa inuupuan ko at tumagos nga ako! Muntik pa akong dumiretso pababa pero inisip ko na ayokong tumagos 'don kaya hindi ako nahulog pababa.
So, kontrolado ko pala 'to! Ang galing!
Nakita ko ang sandamukal na papel sa lamesa niya. He's work? Leandro must having a hard time. ..pero mas nahihirapan siguro ang mga tumutulong sakanya! Aba, kaunting maling galaw lang ay sisigawan ka niya!
Naiisip ko tuloy kung paano ko paaamuhin ang lalaking 'yon. At teka. ..paano? Paano ko mababalik yung taling nagko-konek samin na naputol?
"Kailangan siya'y mapangiti na aabot hanggang puso." Rinig kong sambit ni lolo sa isip ko.
Teka. .ano mapangiti? Ni hindi ko nga siyang nakitang nakangiti! Jusko, puro simangot at death glares lang ang alam niya! Marunong ba 'yon ngumiti?
Evil smile 'ata marunong. Pwede na siguro 'yon?
Pero kailangan daw aabot sa puso! Paanong evil smile lang pwede? Kailangan 'ata eh genuine smile! Yung sincere. Yung mula sa puso.
Napayuko ako. May puso ba siya?
Sana meron.
Ngayon ko lang napansin na gabi na. Hindi pa rin siya bumabalik. Napatayo tuloy ako, baka iniwan ako 'non! Kailangan kong makasunod sa bahay niya! Kailangan kong gumawa ng bagay na makapagpapa-ngiti sakanya!
Napabuga ako ng hangin ng pumasok siya sa opisina. "Akala ko umalis ka na!" Salubong ko sakanya pero tumagos lang ako dito.
So tao lang pala ang nakakatagos sakin? Paano pag kotse? Ma-try nga mamaya o bukas.
"No, no. I'm going home. I'm done with this shits." Napalingon ako sakanya at kita ko ang attache case nito na nasa lamesa niya at pasakdol na itinapon ang mga papeles pagkatapos 'non ay tumingin malaking bintana na nasa likod ng swivel chair niya.
Maganda 'don. Kitang-kita ang skyscraper ng syudad.
"Whatever. Yeah. No. Nope. f**k. Whatever." Iyon lang 'ata ang sinasagot niya sa bawat tanong sa kabilang linya.
"Uuwi na tayo?" Sabi ko ng isinarado niya ang attache case niya at hinila ang kurbata to loosen up.
Nadire-diretso ito sa elevator kaya napasimangot ako. Oo nga pala, di niya pa ako nakikita. Sumunod ako sa elevator at kita ko ang paghawak niya sakanyang sentido.
"Kumain ka ba? Dapat kumain ka! Tutulungan mo pa ako para mabuhay! Bakit ka kasi puro trabaho?" Nauna itong lumabas ng elevator kaya sumunod ako.
At tama ako! Sakanya nga ang matte na kotse! So siya talaga. ..ang tutulong sakin? Nawala talaga ang katiting na pag-asa kanina sakin. Siya, siya talaga?
Sumakay ako sa kotse niya. Walang back seat kaya sa passenger seat ako. "So, saan ka nakatira?" Excited na sabi ko.
Pero napasimangot ako ng maalala ko na hindi niya ako naririnig at nakikita! Kung nakikita niya ako ay panigurado, nasigawan niya ako.
Napapikit ako at nilanghap ang hangin na nasa kotse niya. Ang bango, hindi matapang o malambot ang amoy ng pabango niya. Tamang-tama lang sakanya, lalaking-lalaki pero hindi masakit sa ilong! Nilingon ko ang lalaking nagd-drive.
"Ang gwapo mo pero grabe 'yang ugali mo."
Napatitig ako. Kita ko ang tapang ng panga nito, ang matalas niyang mata at makapal na kilay. Yung mata niya ay may dalawang epekto, ang isa'y nakakatakot; dahil sa talas at nakakamatay niyang tingin. Ang isa nama'y nakakahumaling; parang nang-aakit at pumupungay, napakalalim. Parang mata ni Damon Salvatore. Hay. ..yung mata niya. Yung ilong nito ay matangos na bumagay sa mukha niya.
Napahawak tuloy ako sa ilong ko. "Kaka-insecure ka naman!" Sabi ko. Gusto kong hawakan ang ilong nito at makinis niyang pisngi kaya lang baka mapansin--teka! Hindi niya mapapansin!
I giggled then poke his cheeks. Nagulat ako ng magbago ang ekspresyon nito. Ang kaninang walang emosyon ay nakakunot na ngayon. Hala? Naramdaman niya kaya? Himala nga at hindi tumatagos ang kamay ko 'eh!
"N-Nakikita mo na ba ako?"
Pero wala siyang reaksyon kaya napabuga ako ng hangin. Akala ko nakikita na niya ako! Medyo monster pa naman siya at hindi ko alam ang idadahilan ko pag nagulat siya na nandito ako!
"Hmm. ..nahahawakan naman kita na hindi mo masyadong nararamdaman. .. Ang pogi pogi mo. Leandro. ..Leandro, pwedeng Marcus na lang itawag ko sayo? Ang haba pag Leandro eh." I giggled. Kinikilig ako sakanya, grabe ang gwapo niya. Hindi na siya monster ngayon, nakakunot na lang ang noo nito.
I raised my index finger to his forehead. Napatigil ako ng mawala ang kunot ng noo nito. But again, wala siyang marahas na reaksyon kaya I slide my index down to his nose line, napakatangos. ..then down to his lips.
Napatigil ako ng maramdaman ang kalambutan nito. Teka. .labi ba 'to ng babae? Ang lambot, parang ang sarap kurutin, kagatin.
Bigla kong tinanggal ang kamay ko at tumawa. Nagiging p*****t na ako! Pero not bad. .mukha siyang yummy. ..agad akong umiling para mayugyog ang utak ko at bumalik sa katinuan.
Siya ay ang taong magliligtas sayo, at ikaw kailangan mo siya, kaya. ..wag kang mag-isip ng other business mo, uy. Kailangan mo muna mabuhay bago lumandi. ..pero pwede naman siguro magka-crush sa lalaking ito pag tahimik siya. Napatawa ako at napailing. Ang p*****t ko na. Ew.
Napalingon ako sakanya ng tumigil kami sa isang abandonadong building. Creepy ito at. ..at anong ginagawa namin dito!?
"T-Teka! Bahay mo 'to? Ayoko diyan!" Sigaw ko sakanya ng lumabas siya sa kotse. Aba, agad akong lumabas at pinulupot ang kamay ko sa braso niya.
Ayoko mag-stay sa kotse niya! Baka mamaya nandon si Kamatayan at sunduin ako bigla! Pero ano bang ginagawa namin sa abandonadong gusali na 'to? Wag mong sabihin na bahay niya 'to? Ang yaman-yaman niya tapos. ..napatago ako sa likod niya ng may makita ako sa di kalayuan na armadong lalaki, may malaking baril ito sa balikat niya at napakalaking tao nito.
"Marcus! Huhu, ano 'tong pinasukan natin? Ba't may mga goons?" Kapit ko sakanya, but again, multo nga pala ako at hindi niya ako mapapansin! Nila pala!
Tumigil si Marcus sa harap ng dalawang armadong lalaki.
"Any problem?" Tanong nito. Alam kong automatic na sa boses niya ang authority pero Marcus, may baril sila!
"Boss! Wala." Agarang sagot nilang dalawa. Napatalon pa nga ako sa mga boses nila pero napatigil ako din agad ako ng may ma-realize.
Boss?
Ilang minuto akong natulala kaya agad akong tumakbo patungo sakanya. Nasaan ba kami? May mga malalaking lalaki na armado sa bawat gilid na dadaanan namin! At hindi lang 'yon! May payuko-yuko effect pa sila!
Ano, pati malalaking goons under niya?
Pumasok ulit kami sa isang kwarto at nagulat ako ng sobrang dami ng lalaki 'ron! Napuno ng amoy yosi ang kuwarto. May nakita akong counter ng bar 'don at napuno rin ng usok ang room, marahil sa yosi ulit. Nagtatawanan at iba't-ibang ingay ang naririnig ko, pero ng maramdaman nila 'ata ang presensya ng kasama ko ay tumahimik sila at tumayo.
Napahawak ako kay Marcus. Nasaan ba kami? Kita ko ang mga baril nito sa bewang nila. Parang bawat tao 'ata na narito ay. ..may baril.
"Boss!" Bati nilang lahat.
Nanlaki ang mga mata ko at tumingin kay Marcus. Boss? Ano? Under niya ulit 'to? Naglakad si Marcus papuntang table at agad naman hinawi ng mga lalaki ang kalat na naroon. Habang ako ay nanatili na nakatayo sa pinto. Ano ba 'to?
"How's business?" Walang emosyon ang mukha nito. Tumikhim naman ang isang lalaki na nasa kaliwa niya.
"Gusto ni Tan na makita kayo, Boss." Ani ng lalaki. Then I shiver once again. Pakiramdam ko pag tinatawag siyang boss ay napakataas at kinakatakutan siyang tao dito.
"Shut that. I thought you already clean all the mess about that Tan?" Kalmado pero may diin sa boses nito.
Napalunok ako. Clean?
"Boss!" Biglang bumukas ang pintuan at tumagos ito sakin kasabay non ang lalaking hyper ang boses. "Lamig 'non ah?" Aniya habang umiling.
"Rama, I thought we already finish the business about Tan?"
Ngumiti ang lalaki at inakbayan si Marcus. Teka! Inakbayan!? Baka mamatay ka! "Ah, that? Tapos na si Tan. Malinis na, Boss." He wink.
Clean. ..Tapos na.. .Malinis. ..
"Ayon naman pala 'eh! Tapos na!" Naghiyawan ang mga lalaki at binigyan ng upuan si Marcus.
At muling may tumagos na tao sakin. "At dahil diyan, may McDo fries at sundae akong dala!" Sigaw ng kakarating lang na lalaki.
I heard the man groaned. "Ano, Verix?! Naghihirap?" Sigaw ng isa at inasar pa si Verix.
I pout. Hindi ba nila alam, na sobrang sarap ng sundae with fries? Sana nga ay makakain ako, pero hindi ako nagugutom manlang. Siguro ay dahil kaluluwa pa rin ako.
Tahimik naman si Marcus at parang may nakita akong dumaan sa mata nito habang tinitignan ang plastic. Wait, nae-excite ka?
"Boss. .." Ani nung Verix kaya lumapit ako sa likod nito. Nakita ko ang excitement sa mukha ni Marcus habang tinitignan niya si Verix, curious lang ako kung ano ang bagay na 'yon. .. "Dahil naging mabait ka sakin. ..at mabait sa amin. ..You deserve you favo--"
Napatigil si Verix sa pagsasalita habang ako nama'y natigil sa paghinga ng marinig ko ang pagkasa baril at itinutok kay Verix.
"Finish it Verix, and I'll finish you."
Saan niya nakuha 'yong baril!? Jusko!
Nakita ko ang paninigas ni Verix since nasa likod niya lang ako. Pero teka! Bakit may hawak siyang baril! For pete sake, baka maiputok niya 'yan!
"H-Ha-ha, Boss naman! Nagbibiro lang!" Sabi nito at inilabas ang Sundae at inilapag sa harap ni Marcus. "Sundae for you, Boss! At grabe ah, kung makatutok ng baril parang hindi tayo magka-tropa!" Verix pout.
Walang sagot si Marcus kundi ang pagtatas ng middle finger nito at itinago ang baril. Kumuha ito ng kutsara at sumandok ng sundae.
"Go and party."
Parang ang hudyat ng lahat para magsaya at bumalik sa pag-iingay. Hala? Ano bang nangyayari? Boss siya ng mga goons na 'to pero ano. ..yung narinig ko kanina?
Clean. ..Tapos na si Tan. ..
What the hell? Siguro nama'y mali ako ng iniisip. Hindi naman siguro ganong kasamang tao si Marcus.
Napatingin ako sakanya habang tahimik na kumakain ng sundae. Parang 'don lang nakatuon ang buong atensyon niya sa ice cream. Tinignan ko ang flavor nito. ..
Strawberry yung syrup nito.