CHAPTER 1

1793 Words
Nagising ako kanina sa isang di ko kilalang lugar. Anong ginagawa ko 'don? Tss. Habang naglalakad ako ay tignan ko ulit yung singsing na nasa kamay ko. Yung misyon ko para mabuhay ulit. Paano nga ba ako namatay? At bakit nga ba ako binigyan ulit ng pangalawang pagkakataon? But better not waste it, parang may nagsasabi sa kalooban ko na kailangan ko 'to matapos. ..kahit hindi ko alam ang dahilan. Kanina pa ako naglalakad kung saan-saan at hindi pa rin umiilaw ang pesteng singsing na 'to! Totoo ba talaga 'to? Baka ginogoyo lang ako ng matandang kausap ko. Pero yung mga supernaturals na pinakita niya sakin ay. ..sobra. Paglitaw niya at libro, pag litaw ng singsing ko, at maala-paraiso na lugar kung saan kami nag-usap. Bakit ba kasi ako namatay? Ang tanga ko naman! Napanganga ako ng may rumaragasang track na bumangga sakin. ..pero lalo akong napanganga ng tumagos ito mula sa katawan ko at ang mga tao animo'y walang nakita na may muntik ng masagasaan. Napahawak ako sa bewang ko, multo ako!? M-Multo ako!? Paano ako makikita ng taong magliligtas sakin kung. ..kung kaluluwa lang ako!? This is insane! Humarap ako sa mag couple na naglalakad; holding hands while walking at naghahagikgikan. I raise my middle finger to them pero nilagpasan lang nila ako. .at tumagos na namang muli. "Babe. ..ang lamig." Parang nagpapalambing ang babae. Eww. "Wait, babe, gusto mong painitin kita?" Tumawa lang ang babae bilang sagot sa lalaki. Napangiwi ako ng sobra. What the? "Kadiri kayo!" Sigaw ko sakanila, pero dahil nga ako'y kaluluwa, di nila narinig! Ha! "Hija, pinabalik kita dyan para magpasaya, hindi para maging ampalaya." Napatalon ulit ako dahil sa boses na 'yon. What? Kaboses iyon ng matandang kausap ko, at sigurado akong siya nga iyon! "Nasaan ka? At saan ko ba makikita ang taong sinasabi mo. ..?" Naghintay ako ng ilang minuto pero wala namang sumagot kaya napasimangot ako. I guess it's for me to find out. Tumawid ulit ako at tuwang-tuwa na pinapanood ang mga kotse na tumagos sa katawan ko. I giggled ng maramdaman na parang inaanod ng hangin ang katawan ko nung may malaking truck na tumagos sakin. This is amazing! Nang magsawa ako ay nagpatuloy ako sa paglalakad pero may tumagos muli sakin na sasakyan at nakaramdam ako ng mainit na bagay sa palasinsingan ko! Itinaas ko ang aking kamay at. ..umiilaw ang singsing! Agad na hinabol ko ng tingin ang sasakyan. Siguro ay nandon ang taong magliligtas sakin! Agad akong tumakbo para habulin ang sasakyan na 'yon. Tumigil na sa pag-ilaw ang singsing. Siguro kasi nakalayo na ang sasakyan. Pumasok iyon sa isang gusali kaya napatigil ako at tinignan ang malawak at matayog na building sa harap ko. The Goncielo's "Sosyal." Simpleng saad ko pero ng maalala ko na may hinahabol ako ay kumaripas ako ng takbo papasok. ..sa parking lot. Ang daming kotse 'don pero nilapitan ko ang isang kulay matte black na sasakyan. Halatang expensive ito at napakagara. Mayaman siguro ang taong 'yon. That person must be happy, mayaman siya siguro dahil may kotse siyang halatang mas mahal pa sa buhay ko. ..pero bakit ako nandito at kailangan siyang pasayahin? Well, it's for me to find out! Napalingon ako sa lalaking sinipa ang elevator. Kahit malayo ito ay naririnig ko siyang minumura ang kawawang elevator. Naglakad ako papalapit sa elevator. Para sana makisabay ako kasi mukhang nandito ang tao na papasayahin ko, dahil dito siya nag parking ng oh-so-expensive-car niya! "Damn it!" Napatalon ako dahil sa malutong na mura nito at sinipa muli ang elevator. "Ano bang kasalanan ng elevator at sinisipa mo ng ganyan?" Buntong hininga ko. Sabay winasiwas ang kamay ko dahil nakakaramdam ako ng pagkairita. Tumingin-tingin ako sa parking lot at masasabi kong ang kotse na 'yon ang pinakamaganda. Walang papantay! I'm inlove with matte colors or stuffs. "What the hell?" Napalingon ako sa lalaking kanina lang ay nakatalikod, ngayon ay nakaharap na sakin at nanlilisik ang mga mata. Hala? Ano namang ginawa ko dito? "A-Ano?" Sabi ko at nag-iwas ng tingin. Ba't ganyan siya makatingin!? Akala mo naman kriminal ako! "And how the f**k did you get in here!?" Sigaw niya na parang nababanas. Teka! Bakit ba siya nababanas?! Inaano ko ba siya? Tsaka ko lang ulit naalala na hinahabol ko yung taong papasayahin ko. Na namatay ako. Na tumatagos ako sa mga bagay at hindi nakikita ng kahit sino. Kaya nga binabara ko siya. .. Pero nakatingin sya sakin. Masama. Masamang tingin. "Done appreciating god's master piece?" Walang emosyon ang mukha nito pero may pagmamayabang sa tono niya na nakapag-pagising sa diwa ko. Bakit niya ako nakikita? "P-Paano mo. .." Parang naghihintay siya ng sasabihin ko at hindi siya mukhang pwedeng paghintayin dahil sa mata niyang papatayin 'ata ako. "Paano mo ako nakikita. ..?" hindi ako pwedeng ma-double dead sa tingin niya! Nakikita niya ako! "Hindi malabo ang mata ko." He said. Ang lalim ng boses nito at napakalamig. "And I am not a fool for me not to know what are you planning." Masama na talaga ang titig nito sakin. Pero ano daw? "H-Ha?' Paano niya ako nakikita? "Masyado akong matalino para maloko mo ng ganito." Sabi niya at tinignan ang wrist watch niya bago ibinalik ang nakakunot niyang noo sakin. "And I wasted my ten minutes talking to you." Aniya at pinindot ang elevator button. Ano bang pinagsasabi niya!? "Guard!" Napatalon ako sa pag sigaw niya. I see him smirk. "Guilty? Nothing to say miss? Too bad, matalino ako para maniwala sa bagong modus niyo?" aniya at tinalikuran ako ng sa di kalayuan ay naroon ang humahangos na guard. Pero teka, inaakusahan niya ako na isang miyembro ng modus at akala niya ay may gagawin akong masama sakanya!? A-Ang kapal naman ng mukha niya! "Aba!? Ga--" "S-Sir. .." Humihingal ang guard sa tabi ko. See? Malayo ang pinanggagalingan niya pero narinig pa rin ang sigaw ng lalaking ito! "Pick that girl up. Hanapin mo ang iba pa niyang kasama. Baka may nakapasok sa building o may kasama siya dito. Do your job before I fire you." At pumasok ito sa elevator at muling tinignan ako nito. "H-Huh? Sir ano--" bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay sumara na ang elevator kaya napakamot siya ng ulo. "Babae 'raw? Nasaan? Hala! Baka nakatakas na!" At agad siyang tumakbo para hanapin yung pinapasabi nung lalaking na 'pick that girl up'. Hello! Sigurado akong ako 'yon! Kuya nasa harap mo lang ako! Pero bakit hindi niya ako nakita? Akala ko ba tao na ako? Nilapitan ko ang pintuan ng elevator at hinawakan ito. And again, tumagos ang kamay ko. Hala! Paano ako nakita ni. .. No. Tinignan ko ang kamay ko na kung nasaan ang transparent na singsing. Hindit ito umiilaw pero hindi nakatakas sa mata ko ang isang tuldok na buhangin sa singsing ko. At kulay itim 'yon! Wala pa naman akong ginagawang masama sa taong magliligtas sakin! Pero bakit may ganito na!? No.. .unless. . Yung lalaki na 'yon. .. Hindi pwede! Hindi siya! Agad akong tumakbo patungong elevator at tumagos ang katawan ko 'ron pero sakto naman na nagbukas ang pintuan kaya nakapasok ako. "Wala namang tao 'ah?" Sabi nung kaisa-isang babae na naroon sa elevator. Pinindot niya ang letter P sa button kaya naman nagpatianod na lang ako. Mamaya ko na lang hahanapin ang lalaking iyon sa bawat floor. At baka kasi pinindot ko ang 1st floor button ay mag-hysterical ang babae na kasama ko. Nananalangin ako na sana, hindi ang lalaking iyon ang may dahilan kung bakit merong itim na buhangin sa singsing ko! Aba kung ang lalaking iyon ang magliligtas sakin ay lagot ako! Baka wala pang isang araw, puno na ng singsing ng kulay itim na buhangin at mamatay na lang ako ng tuluyan! Mukhang pinaglihi pa naman 'yon sa sama ng loob. Narinig ko ang tunog ng elevator hudyat na nandito na ang floor ng babae. May kataasan kasi ang buiding. May 47 floors kasi ayon sa elevator. Hindi pa kasama 'ron ang G button na sa tingin ko ay Ground floor at sa taas 'non ang 'L' button. At ang pinakahuling button na nasa tuktok ay letter 'P'. Mukhang mahihirapan ako sa paghahanap ng lalaking 'yon! All in all, merong 50 floors ang building na 'to! Ano kayang floor? Siguro sa letter 'L'. Ano kayang meaning ng 'L'? "What!?" Napaigtad ako at napatingin sa may ari ng boses na 'yon. Yung lalaki! Sumarado na ang pinto kaya ginamit ko ang tagos effect ko sa elevator. At hindi naman ako nabigo. Sigurado ako siya 'yon! Kahit nakatalikod siya! Ganyan yung likod ng gagong 'yon eh! At naramdaman ko ang pagka-irita sa kamay ko na kanina ay naramdaman ko nung kausap ko 'yung lalaki pero hindi ko pinansin. At tama nga ako! Umiilaw ito! Pero pwede naman siguro 'yong babae diba? Lumapit ako sa babae at dinuro siya, 'Siya ba?' Kinakausap ko 'yong singsing! Agad nawala ang ilaw sa singsing bilang sagot. What!? Tinuro ko ang monster sa harap ko. 'Siya?' Alinlangang tanong ko kaya naman umilaw ang singsing ng walang paga-alinlangan. Nanlumo ako habang tinitignan ang lalaking sinisigawan ang babae at tinapon ang papel na binigay sakanya. Iyan? How cruel he is! Sigurado akong mahihirapan ako! Aba! Mukhang galit siya sa mundo at ang mga taong nakapaligid sakanya ang pinagbubuntungan niya! Pero teka. .. Pumunta ako sa gilid niya at tinignan siya. Pero wala itong reaksyon at tuloy pa rin sa pag sigaw sa babae. "T-Teka. ..bakit hindi mo ako nakikita?" Hindi pwede! Mas mahihirapan ako sa misyong ito kung hindi niya ako nakikita! Kanina naman nakikita niya ako pero bakit? Anong nangyayari!? "And you're fired! Get the hell out of my building!" Sigaw niya sa babae na nakapagpanganga sakin. Say. ..what? Fired? "Ha!? Sir. .Hindi pwede. ..sir, marami pa po akong pinapakain--" "Then don't feed them! Get the hell out of here!" Gigil na saad nito sa babae at umupo sa swivel chair at hinimas ang noo nito. Lumapit ako sakanya. "Tae naman 'oh! You can't fire her! Show mercy!" Sigaw ko sa tenga niya. "Pero. ..Sir. ..--" humihikbi ang babae. I feel so sorry about her! Wala naman siyang ginagawang masama! Bakit niya tatanggalan ng trabaho ang babae!? "Get out!" His voice roared. "Or do you want me to call the guards para ipakaladkad ka!?" Mahinahon na sambit nito. Umiling naman ang babae at humikbi. "Maawa kayo. ..Sir. ..please." "Don't kneel." Ani ng lalaki. Pinindot nito ang telepono. "Up. May ipapakaladkad ako." Aniya at binaba ang telepono. What!? No! Dinuro ko ang lalaki at kinalampag ang mesa na no use kasi mukhang hindi naman niya napansin! "Hoy! Maawa ka naman! Anong klase kang nilalang!?" Sigaw ko sa tenga niya. "Sir. ..wala kayong awa!" At tumakbo ang babae papasok sa elevator, humahagulgol ito. I felt sorry for that girl. Walang awa ang lalaking 'to! "I don't even know that." He smirk. "Argh! Ano bang klase kang lalaki!? Tao ka pa ba!?" Pinasusuntok ko ang dibdib niya na tumatagos lang naman. Argh! "Too cold." Aniya at hinawakan ang isang remote. Aba! Hindi aircon 'yan! May kasama kang multo dito! Ha! Ano bang klaseng misyon 'to? Kakayanin ko ba 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD