PROLOGUE

1258 Words
Nagising ako sa isang malambot na bagay. Hindi ito kama, hindi rin kutson na nasa kuwarto ko. Ipinalibot ko ang aking tingin sa puting haligi ng kinalalagyan ko. Walang corner or edge manlang ang kinalalagyan ko. Pero puti ito. Purong puti pero dapat ay matakot ako diba? Hindi ko alam kung nasaan ako. Pero ramdam ko na ligtas ako dito. "Uhh. ..Hello?" Tumayo ako at nagsimula maglakad. Medyo may mga usok akong nakikita. Nasaan ba ako? And what's up with my dress? Bakit puting-puti? Tss. "Hija." Napatalon ako sa gulat ng may lumitaw sa harap ko na matanda. I'm sure lumitaw siya! S-Sino 'to!? Bakit siya lumitaw? Oh gosh, supernatural? Napaatras ako sa naiisip kong 'yon. Ngumiti lang ang matanda sakin. Iyan tuloy medyo nahiya ako sa pinakita ko. "Uhhm. ..Sino po kayo? N-Nasaan ako?" May alinlangang ngiti sa labi ko. Of course! Di ko siya kilala. Pero awkward pa 'rin? Mukha naman siyang harmless 'eh! Matanda at mahaba ang balbas nito, nakaputi rin siya kagaya ko. Hmm. .. "Ikaw si Felicidad Vega?" Tumango ako. Creepy. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Napatalon ulit ako ng may lumitaw na libro sa harap niya at mukhang may hinahanap na pahina. What. ..Anong nangyayari!? Lumitaw siya kanina t-tapos. ..? Napaatras ako at ready ng tumakbo ng mag salita siya. "Nakakapagtaka. .." aniya habang nakakunot ang noo. "Hindi mo pa oras pero nandito ka na. .." Sabi niya kaya napatigil ako. Oras? Hindi ko pa oras? Teka! Ano bang nangyayari! Nagp-panic ako! "Ano 'pong nangyayari? T-Tsaka sino po kayo? Tsaka. ..ano po bang pinagsasasabi ninyo? Uhmm. ..Nasaan po ako?" Seryosong tanong ko pero tumawa lang siya at napailing. "Napakadaming tanong hija. ..Pero para sa unang tanong mo ay. ..nandito ka sa lugar na hindi mo pa dapat puntahan." Lalong kumunot ang noo ko. Ha-ha! Oo, nasagot mo ang tanong ko. "Po? Pasensya na po pero wala akong maintindihan sa sinasabi niyo! I'm going." Napayuko ako at akmang tatalikod ng muli ng may sinabi siya. "Pumayag na ang itaas." Lalong kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nito? Kaloka, mukhang nababaliw na siya. Agad akong mabilis na naglakad palayo. Mahirap na, baka kung ano pang gawin sakin! Ako lang naman si Felecidad! Hay, pero ang baho pa rin ng pangalan ko! "Ah!" Napatili ako ng sobra ng lumitaw na naman ang matanda sa harap ko. This is supernatural na! "Wag kang matakot hija. ..Hindi kita sasaktan." Aniya. Hindi naman ako nakakaramdam ng takot kanina sakanya. Na-weird'an lang. Pero yung pangalawang beses na pag litaw niya ay. ..nakakatakot! "P-Pero. .yung pag litaw. .." "Namatay ka." Nanghina ang tuhod ko sa hindi malamang dahilan pero napatawa ng sobrang lakas at the same time dahil sa sinabi ng matanda. This is it, baliw siya! "Hindi ako nababaliw hija. Nandito ka para malaman ko kung sa langit o lupa ka ba. .." Napanganga ako at muling natawa. Paano ako mamatay? Natatandaan ko, inutusan ako bumili ni Mommy kagabi ng cake 'don sa bakery niya! At. ..at. ..hindi. Ano bang nangyari ulit 'non pagkatapos 'kong bumili? Teka. ..mali. ..Inutusan ako ni Mommy .tapos. ..Hindi ko na alam. Pinaalis ko ang mga luha kong tuloy-tuloy na dumadaloy sa pisngi ko. Ano ba 'yan! Why the hell I am crying! Namatay? Ako? "Hindi totoo 'yan! Wala ka bang mapag-trip'an?" Sigaw ko sakanya. Bakit ako maniniwalang namatay na ako? Hindi pa ako patay! Ang kailangan ko lang ay makaalis sa lugar na 'to at makalayo sa matandang ito! "Gusto mo ba ng pruweba?" Aniya. Umiling ako. Ano? Ipapakita niya sakin yung bangkay ko? O baka clone lang 'yon! O baka jinojoke time na naman ako ni Papa dahil birthday ko, at napag-trip'an na naman niya ako! Tapos may biglang lumitaw na imahe sa kawalan. "M-Mom!" Nilapitan ko 'yon. Bakit sila umiiyak? Sa imahe ay parang may pinagkukumpulan sila. Nasa puting kwarto 'rin sila. At ang sentro ng pinagkukumpulan nila ay isang kama. .. Napahagulgol ako kaya tinakpan ko ang aking bibig. No. .. Tinignan ko ang babaeng nakahiga sa kama. Puro tubo at kable ang nakakabit sakanya at may benda sa ulo pati leeg. At kamukhang-kamukha ko siya. .. "Hindi a-ako 'yan!" Iling ko ng mawala ang mga imahe sa kawalan. "W-Why?" Bakit? Bakit nila ginagawa ang pangg-good time na 'to? "Hija, tutulungan kitang mabuhay. .." Umiling muli ako at dinuro siya. "Sino ka ba!? Hindi pa ako patay! I just turned to eighteen at hindi ako pwedeng mamatay!" Tumango-tango siya na parang naiintidihan ako. "Oo hija, alam ko 'yon. Kaya nga tutulungan kitang mabuhay, hindi mo pa oras." Tinalikuran ko siya at sumigaw sa kawalan. "Mom! Dad! Hindi na po ako natutuwa. .." I said between my sobs. Pero ng walang sumagot ay napaupo ako at napaiyak. Hindi ito totoo, gusto lang nila ako umiyak ng todo kaya ganito. Mamaya lilitaw sila sa harap ko at sasabihing biro lang ang lahat na ito.. .Please. ..Mom. ..Dad. . The old man sat in front of me. Kasabay 'non ang malamig na pakiramdam sa daliri ko. Napatingin ako 'don at kita ko ang isang liwanag sa palasinsingan ko. ..hanggang sa mabuo nito ang isang singsing. Napatingin ako sa matanda. Ano 'to? "Iyan ang magbabalik sayo sa iyong buhay." Simpleng saad nito. "Kailangan mo muna dumaan sa isang pagsubok bago ka muling mabuhay kasama ng pamilya mo." "T-Totoo ba 'to?" Hindi pwede. Sabihin mong hindi! Pero gumuho lang ang pag-asa ko ng umiling ito at tinignan ako ng punong-puno ng simpatya. "Patawad, pero iyon ang katotohanan." Umagos lalo ang aking luha sa mga mata. Hindi! Sila. ..Mom ..Dad. . "Pero ito. .Maari kang mabuhay muli kung pakikinggan mo ako. .." Sabi nito. Mabubuhay? Talaga 'bang patay na ako? "P-Paano. ..?" Namatay nga siguro ako. Kung biro lang ito, sana matapos agad! Pero kung totoo ito. ..papatulan ko ang sinasabi ng taong nasa harapan ko para mabuhay ako ulit! "Ang singsing na 'yan. .." Itinuro niya ang transparent na singsing sa kamay ko. "Ay iilaw pag nahanap mo na ang taong magliligtas sayo." Paano? Paano niya ako maiililigtas? Totoo ba talaga 'to? Pero kailangan kong makinig, kailangan kong mabuhay ulit. "Pag ang singsing na yan ay nagkaroon ng kulay puting buhangin, ibig sabihin, natuwa ang taong iyon sayo." Tumango ako. So kailangan ko pala pasayahin ang taong magpapailaw ng singsing ko para mabuhay? Easy! "Pag itim naman ay ibig sabihin galit, o may hindi niya nagustuhan ang ginawa mo." Napalunok ako. Sana naman madali siyang pakisamahan! "Pero. ..paano niya ako maililigtas?" Takang tanong ko. "Ang itim at puting buhangin ay depende sa dami kung gaano mo siya napasaya. Kung sobra mo siyang napasaya, maraming puting buhangin ang lumitaw o mapuno ito. Ganon din pag itim." Pero hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko! Tumawa naman ang matanda at pinatayo ako. "Pag napuno ng puting buhangin ang singsing ay maari ka ng bumalik sa dating mong buhay." Sabi niya habang naglalakad kami. Napatingin ako sa singsing ko. Aba, dapat pala 'eh bilisan ko na at pasayahin ang taong iyon! Pero napatigil ako. "Paano pag itim ang nakapuno sa singsing?" Umiling siya at hinarap ako. "Hija, pasayahin mo ang taong iyon sa abot ng iyong makakaya. Wag mong paabutin sa itim na buhangin ang makapuno sa singsing." Parang isang malaking kasalanan iyon. "Bakit po?" "Kasi pag nangyari iyon ay hindi ka na babalik sa iyong pamilya. Mamatay ka na ng tuluyan." Napalunok ako. "S-Sino po ba ang papasayahin ko?" Please, sana mabait ka! Wag niya sana akong pahirapan! "Iyan ang hindi ko alam." Ngiti niya. "At hija?" Tawag nito sa atensyon ko kaya nilingon ko siya. Para kay Mom and Dad, kailangan kong mabuhay! Kailangan Challenge Accepted! "Makakalimutan mo ang dahilan kung bakit ka lumalaban, para kanino ito at ang buong pagkatao mo. .." Nanlaki ang mga mata ko at akmang papalag pa sa desisyon na iyon ng kainin ng buong dilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD