Forte Konstrakt Taguig City, Metro Manila, Philippines November 2021 CHLOE I was in a hurry. I got a message yesterday na kailangan nasa office ako ng Forte Konstrakt exactly 10 A.M. today. I was informed na dumating ang may-ari ng hotel para makita ang mga interior designs na nasimulan ko. I didn’t expect that. Ang nasa schedule ko kasi ay next week pa dahil may ipapakilala pa dapat sa akin si Franco na artist, na ako na raw ang makipag-usap, dahil ako naman ang mamimili ng paintings at artworks na gagamitin sa hotel. Ako na raw ang mag-decide since ako naman ang nakakaalam ng bagay sa interior designs na base sa theme colors na preferred ng owner ng hotel. The theme was given at medyo weird dahil ang napili ng owner ng hotel ay medyo… medyo dominant and masculine based sa colors

