TRACE Kahapon pa ako narito sa BGC. The f**k*! Ang dapat ay noong nakaraang araw pa ang plano kong pumunta rito sa opisina pero hindi ko nagawa sa dami ko pang binasa, pinirmahan, at inayos na kung ano-ano para sa Foedus. Ang financial report na pinagawa ni Lev kina August at Theo na dapat kaming pito ang nagre-review ay puro inasa na nilang lahat sa akin. Ang gagong Lev na basta na lang nagbakasyon kasama ni Bree. Si Jeru ay may biglaang modelling stints sa Italy at may tatlong music video na nakapila dahil ito ang leading man doon ni Taylor Swift sa bago nitong single, at gano’n na rin sa mga bagong single nina Selena Gomez at Demi Lovato. In demand ang gago at siguradong mga lima hanggang anim na buwan pa bago ito makakapakita sa isla. Si Daxon na pagkatapos ng birthday party ni Pai

