Kabanata 1
"Cassidy, pick up the parcel from the doorstep, kanina pa gustong isukat ng mga kapatid mo ang mga bago nilang danit," utos ng step-mother niya.
Pagkatapos niyang ipabuhat ang tone-toneladang mga damit ng dalawang kapatid ay heto nanaman siya at ipapakuha ang parcel nila. Ano nang nangyari sa mga kasambahay na kinuha ng Daddy niya para magsilbi sa kanila?
"Yes mother," tugon nalamang nito. She was about to step when she heard the stepmother's voice. "Don't call me mother, wala ang Daddy mo rito," she said.
Oh, how could she forget? Ang babaeng iyon ang unang asawa ng Daddy niya. Pagkatapos mamatay ng Mommy niya ay dinala siya sa mansiong ito. Since then she's been living a Cinderella life kapag wala ang ama. What a hypocrite she thought.
Pagbukas niya ng pintuan ay siya namang pagsulpot ng isang lalaking naka-itim na suit. May hawak itong envelope na iniabot sa dalaga. The envelope has a black rose stamp embedded on its left side. Pinasalamatan nito ang lalaki saka ito inilagay sa bulsa. Iniisip niyang baka sa Daddy niya ipinapaabot kaya gusto niyang siya mismo ang magbibigay rito.
Ilang minuto pa ay naabot niya ang kwarto ni Rexia, ang unang anak ng Daddy niya sa madrasta. She had the biggest bedroom filled with pink kinds of stuff she always demanded from their father. All she did was make her father buy and buy expensive things. Luckily, their family is capable enough to fulfill their wants and needs. She's different from them though, all she wanted was attention from her father. She wanted love from a father.
"Parcel niyo," tugon nito pagkatapos ilapag ang napakabigat na karton sa maliit na kabinet malapit sa pintuan. Buti nalang at malakas ito kung hindi ay hindi niya alam kung paano dadalhin ang kartong iyon.
Tiningnan naman siya ng dalawa habang naglalagay parin ng make-up sa mukha. Uh, who puts make-up when you're only staying inside the house? She thought. Kung sabagay wala namang ibang ginawa ang dalawang ito kung hindi magpaganda at bumili ng mamahaling damit na itatapon din pagkatapos mag-photoshoot.
Hindi nito namalayang tinititigan niya pala kung paano ma-excite ang dalawang kapatid sa bagong damit nila. "Oh, ano pang tinitingin tingin mo riyan?" nakataas ang kilay ni Rexia habang tinatanong ang dalaga.
"Ah, wala," sagot nalamang nito at tumalikod upang umalis. Dumeretso ito sa kwarto niya dahil baka utusan nanaman ng madrasta.
*****
"Dad, I think this letter is for you," sambit ni Cassidy pagkatapos pumasok sa office ng ama. When coming home, her father goes straight to his office and continues working.
Mr. Carter looked at her lovely daughter. Nginitian niya ito bago kinuha ang envelope sa kamay ng dalaga. "Thank you, sweety," tugon nito.
After looking at the envelope he saw a very familiar stamp. Paano niya ito nakalimutan? It's the 20th year since the Carter and Dawson's agreement. Huminga ito ng malalim saka pinatawag ang asawa at dalawa pang anak. "It's time," he whispered.
"Honey, may problema ba?" Mrs. Carter asked her husband who is currently seating in his office chair.
Kinuha ng kanilang ama ang envelope mula sa lamesa saka lumapit sa kaniyang pamilya. Nakaupo ang mga ito sa sofa leaving an available seat for him. They felt nervous after seeing Mr. Carter's reaction. Ito ang unang pagkakataon na naging seryoso ang mukha nito. Usually, nakangiti ito sa kanila habang ipinapaliwanag kung paano niya naisara ang deal sa mga investors. But now, it is different.
Another sigh left his mouth. Hindi niya ito masyadong inisip noon dahil akala niya ay walang magiging problema. However, situations have changed. He loves his daughters very much at ayaw niyang mailagay ang mga ito sa kapahamakan.
"Hmmm, the Dawson had sent us a letter," tugon nito saka ipinakita ang sulat sa kanila.
"20th year after the Carter and Dawson's agreement. To strengthen the partnership of the two families. Both parties have agreed to marry the first daughter of Carter, Rexia Carter to the only son of Dawson, Levine Dawson. Refusal to comply has its consequence," malakas na binasa ito ng ginang upang ipaalam sa iba ang laman ng sulat.
"Ano?!" the three ladies exclaimed. Cassidy on the other hand is calm for she isn't the person involved.
Agad na lumapit ang ginang kay Mr. Carter saka hinawakan ang kamay nito. She kneeled before him to plead. "You couldn't do this to our daughter. Everyone knew the story about the Dawson's only son. He had killed billions of people. He is ruthless!"
Sumunod naman agad si Rexia sa ina saka lumuhod. Ayaw nitong pakasalan ang taong kayang pumatay ng kahit sino. "Daddy, huwag kang pumayag please. Maraming usap-usapan tungkol sa pagpatay niya sa tatlong kasintahan niya. I don't want to follow their path," she pleaded.
"Renny, quick kneel for your sister," their mother commanded.
Renny fulfilled her mother's command and kneeled. "It's true dad, tinatawag pa nga nila siyang "demon king" dahil sa kalupitan niya. Mapapahamak lang si ate kapag pumayag kang ipakasal siya sa lalaking iyon," she explained.
Alam ito ni Mr. Carter kaya nga labis ang pagsisi niya at pumayag siya sa agreement na ito noon. He looked at his family. "I...I know and I'm sorry. Just forget about this and the consequence," he said while stuttering. Nag-aalala lang ito sa mangyayari kung sakaling tanggihan niya ang mga Dawson.
Curious about the consequence Cassidy bravely asked about it. "Anong mangyayari if tumanggi ang isang panig sa kasunduan?"
Mr. Carter looked at his considerate daughter. "Death," he answered.
The ladies who are still kneeling gasp in disbelief. How could such an unfortunate thing happen to their family? They are the most powerful family in this town and why should others threaten them like this?
"Napaka seryoso ng mga Dawson sa kasunduang ito. Alam nilang tatanggi ang pamilya natin pagdating ng panahon so they resulted in this kind of punishment..." pinutol ng ginang ang sasabihin niya sana.
"Just let Cassidy go. Walang makakaalam na hindi siya ang unang anak kung walang magsasabi sa kanila," she immediately stated. Matagal na niyang pinagtitiisan ang anak ng asawa sa kabit nito. Now is the right time to get rid of her.
Nagulat si Mr. Carter sa sinabi ng asawa. "H-hindi, anak ko rin si Cassidy ngunit hindi siya dapat masangkot dito," tugon nito.
"So hahayaan mo talagang pakasalan ni Rexia ang demonyong iyon? For God's sake she's the Carter's legitimate daughter!" Bulyaw nito sa asawa.
Hindi niya hahayaang mapahamak ang anak. She will do everything just to make Cassidy suffer instead. "And don't even think of accepting the consequence just to protect your mistress' daughter!" pagpapatuloy niya. Nakatayo na ito habang nakaturo kay Cassidy.
The head of the family couldn't believe what he just heard. All this time akala niya ay buo ang loob ng asawa ng sinabi nitong tanggap niya si Cassidy. Paano niya nagawang sabihin ang mga iyon? He was about to argue when he heard an unexpected word.
"I'll go," Cassidy spoke.
to be continued...