"Abby, please come down..." dinig niyang wika ng kanyang kaibigan sa kabilang linya. Alam niyang pinapatahan siya nito sa pag-iyak pero hindi niya mapigilan. Pinanunasan niya ang kanyang luha. "Hayaan mo na ako, Dawny. Subrang nalulungkot lang ako," sabi niya, at napasinghot. "Alam ko naman na magkikita tayo thru video call, face time pero iba pa rin iyong nasa malapit lang kayo. Iyong mapupuntahan ko kayo, mayayakap at makakasama." Nadinig niya ang pagbungtong-hininga ng ni Dawn. "I hate hearing you cry. Look, I know you are so affected by our departure but it's not the end of the world. Magkikita pa tayo. Mabilis lang dumaan ang mga araw. Saka as if naman hindi tayo magtawagan. We can converse. Nandiyan pa naman si Megan. She can be your buddy habang wala pa kami." Napasinghot siy

