Napatingin si Eddie sa may rear mirror, biglang nahabag nang makita ang hitsura ng kanyang apo. Nakayuko ito at magkahawak ang mga kamay. "Are we doing the right thing, Eddie?" biglang tanong ni Elise sa asawa, sa mahinang boses. "Look at him, he looked so lost and guilty." Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Eddie, at napasilip uli sa may rear mirror ng sasakyan. "We can't save him... Elizabeth," wika nito, at sinulyapan ang asawa. "Maraming beses na tayong pumagitna at nakialam sa bawat desisyon ng kanyang mga magulang. Owen was down right when he told us that it's partly our fault kaya tumigas ang ulo ng kambal. They're both being loved and pampered by their grandparents side by side, to the extend that we always tolerated their action." Napatingin si Elise sa labas ng kany

