Nagdadalawang isip pa rin ako hanggang sa marating namin ang bahay nila pero nang pagbuksan ako ni Justin ng pinto ay wala na talaga akong nagawa. Tahimik akong nakasunod sa kanya habang nakayuko. Halos walang nagbago sa bahay nila sa Maynila. Nasa parehong ayos pa rin ang lahat kagaya noong napapadalaw ako kay Irene pero ang totoo ay si Iros lang naman ang gusto kong masilayan. Nasa garden na si Kuya Seb kasama ang pinaka matanda sa kanilang magpipinsan. They are starting the barbecue. "You're here..." Gulat pa si Kuya nang bigla ko siyang yakapin mula sa gilid. Napanguso ako. Kung alam niya lang ang pinagdaanan ko bago marating ang bahay na 'to. "Mausok dito..." pinaypayan niya ang usok palayo sa amin. "Doon ka muna kina Lola Arminita at Maureen." Hinawakan niya ako sa balikat tsak

