Ang sarap ng tulog ni Carlo ng nalimpungatan siya ng may tumatawag sa kanya. Sigaw ito ng sigaw ng “Pinsan! Pinsan!” Gusto niyang bumagon ngunit tila hinihila siya ng kumot at banig upang ipagpatuloy ang kanyang pagtulog. Hindi siya sumasagot sa tawag ng kanyang pinsan na si ADO, hinila ang kumot paitaas at tinakip sa kanyang mukha at nag kunwaring tulog. Palapit ng palapit ang hakbang ni Ado sa kwarto niya at ng makapasok na ito, bigla ito dumagan sa kanya sabay suntok-suntok sa kanyang buong katawan. Agad naman niyakap ni Carlo si Ado, binalot ng kumot at pinagpapalo ng ulan. Sobrang saya ng magpinsan ng muli sila nagkita. Isang taon lang naman ang tanda ni Carlo kay Ado. Pareho sila ng pinapasukan eskwelahan mula elementarya hanggang senior high. Nagkahiwalay lang sila noong nag -aral na ng college si Carlo.
Nag-iisang anak si Carlo, samantala si Ado naman, ay nag-iisang lalaki sa 3 magkakapatid. Kaya silang dalawa lagi ang magkakasama noon pa, kaya ganyan lagi sila kung magharutan minsan nagkakasakitan pero hindi naman sila nag aaway.
Noong nakawala ni Ado sa pagkapulopot mula sa kumot, muli naman silang nagpambuno na parang mga tuta. Natigil lang ito nang biglang na pansin ni Carlo ang gayak ni Ado.
“Aba nakaayos ka ngayon ha, at ang bango mo? inubos mo yata yung baby collogne ng kapatid mo?” Nakangiting tanong ni Carlo.
“Kasi dapat may lakad ako, nang sinabi ng Tatay at Nanay mo na nandito ka, hindi na ako tumuloy. Miss na miss na rin kita pinsan, kaya kinalimutan ko na muna si Emily.” Sabi ni Ado sabay hawak ng dalawang pisngi ni Carlo. “Emily, mahal na mahal kita.” Dagdag nito.
“So yung closed neck na yan at yang baby collogne ay para kay Emily?” Tanong ni Carlo. “Sino naman yang kawawang Emily na yan?”Pabirong tanong ni Carlo.
“Diba yung mga magulang mo at magulang ko ay kasapi sa isang Kooperatiba? Yung si Emily, ay isang napagandang sekretarya sa kooperatiba na yan pinsan. Kaya nga pupunta sana ako doon, dumating ka, sa susunod na lang.” Sabi ni Ado.
“Aba nagkaka girlfriend na pala tong pinsan ko ha, kaya pala halos na alang ipapaligo mo yung collogne.” Sabi ni Carlo.
“Anong girl friend? Magkaka girl friend palang.” Sabi ni Ado.
“Akala ko ba kayo na?” Tanong ni Carlo.
“Hindi ko pa nga nakausap ni minsan, ngayon sana kakausapin ko, kaso dumating ka, estorbo ka naman hindi ko na tuloy masasagawa yung mga plano ko.” Sabi naman ni Ado.”
“ Ako pa ngayon pala ang may kasalanan ha, hoy alam ko noon pa torpe ka!” Sagot ni Carlo sabay hampas ng unan kay Ado.
“Pinsan naman yung buhok ko magugulo, gumising ako ng madaling araw para lang dito alam mo ba, tapos guguluhin mo lang.” Sabi ni Ado.
Tumayo ni Carlo at naglakad papuntang kusina nanghilamos at nagmumug. Pagkatapos lumabas at kinuha yung mga pagkain ng manok at pinakain ang mga ito. Sumunod naman sa kanya si Ado nahalatang na mi miss ang kanyang pinsan dahil kahit anong ginagawa ni Carlo ginugulo at kinukulit nito.
“Hindi ka pa rin nagbabago Ado, makulit at isip bata ka pa rin, paano ka sasagutin ni Emily na yan kung ganyan ka. Ilang buwan lang akong nawala, pagbalik ko sobra laki mo na, medyo pomogi pero isip bata pa rin.” Biro ni Carlo.
“Eh ikaw pinsan nagkaka girl friend ka na ba doon? “tanong ni Ado.
“Walaa, busy sa pag aaral. Alam mo naman working student ako. Maagang gumigising at halos maghahating gabi na rin kung matulog, kaya wala na akong panahon sa mga girl friend na yan. Saka na yan kapag tapos na ako. Kaya ikaw, tapusin mo muna yang senior high mo bago ka mag landi dyan.” Sabi ni Carlo.
“Ganun ba? Pansin ko nga medyo nangangayat ka, pero bagay naman sa iyo at saka medyo pumuti ka rin, iba talaga ang tubig sa syudad ano?” sabi naman ni Ado.
“Kaso lang may kunting problima eh.” Sabi ni Carlo na tila biglang nalungkot.
“Ano yan pinsan? Anong problima.” Tanong na naman ni Ado.
“Sasabihin ko sa iyo basta wag mo munang sabihin ito kay Tatay at Nanay ha. Naghahanap lang ako ng tamang teimpo bago ko ito sabihin sa kanila. Okay? Pangako?” sabi ni Carlo.
Sininalaysay ni Carlo kay Ado lahat na nangyayari at kung bakit nanganganib mawala ang pagkakataon na maitutuloy niya ang kanyang pagkapag-aral sa college. Biglang nalungkot si Ado sa kwento ng kanyang pinsan, pero masaya na rin dahil ang ibig sabihin noon makakasama na muli niya si Carlo. “Nako pinsan kung nandito lang yang taong yan tiyak makakatim sa akin.” Galit na sabi ni Ado.
“Pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na matatawagan muli. Kung hindi, ayos na rin, kasi alam mo naawa na rin ako kay Tatay at Nanay dahil tuition fee lang naman ang libre sa akin. Pagkain ko, boarding house at ibang gamit sa eskuwela bibilhin pa namin. Siguro hindi talaga ako naka tadhana maging artchitect.” Malungkot na sabi ni Carlo.
“Wag kang mawalan ng pag-asa pinsan, malay mo, mag-iba ang ihip ng hangin pero kung talagang hindi kana makakabalik, ayos na rin para araw-araw na tayong sabay maliligo sa ilog.” Nakangiting sabi ni Ado.
“Araw-araw ka pa rin naliligo sa ilog kaya pala yung balat mo balat kalabaw na o.” Biro ni Carlo.” Tawanan yung dalawa.
Masayang nag kukwentuhan yung dalawa nang mapansin nilang may isang motorsiklong kulay itim ang papalapit sa bahay nina Carlo. Nakasuot ng kulay itim na jacket at helmet yung nagmamaniho kaya hindi nila ito nakikila. Ang nakapag tataka naka angkas sa motersiklo ang nanay ni Carlo na abot tainga ang ngiti.
Pagkahinto ng motorsiklo, bumaba agad ang nanay ni Carlo at laking gulat niya ng tangalin ng taong iyon ang kanyang helmet, si Dave ang bumulaga sa kanya. Bago siya naka pagsalita seninyasan siya ng nanay niya na pumasok sa loob. Naiwan si Dave at si Ado sa labas ng bahay.
“Nay ano ba ginagawa ng taong iyan dito? Gulat na tanong ni Carlo. “At bakit kayo magkasama?” dagdag nito.
“Alam mo dadalo lang sana kami ng tatay mo sa pagpupulong doon sa kooperatiba. Pinatawag ako ni kapitan dahil may naghahanap daw sa amin, nalaman ko na ito palang si Dave madaling araw pa dumating dito sa barangay natin para kausapin kami tungkol sa atraso niya sa iyo. Anak, alam na namin ang lahat ng tatay mo ang nangyayari sa iyo. Yung batang iyan nag punta dito para humingi ng tawad sa iyo.” Mahinang sabi ng nanay ni Carlo.
“Tawad nay, nako nakalimutan ko na sana yung nagawa niya sa akin pero noong dumating yan nanumbalik tuloy.” Asar na sabi ni Carlo.
“Anak, hindi yan makakarating dito kung hindi siya tapat at totoo. Sising-sising nga daw siya sa kanya ginawa, na I kwento niya lahat sa amin ng tatay mo at kay kapitan, nauunawaan namin, okay lang yung mawala yung scholarship mo ang mahalaga hindi mawawala pag katao mo anak. Alam ko, hindi ka ganun, sigi na papasukin ko na, kakausapin mo at patawarin mo na ha?” Mahinang sabi ng nanay ni Carlo.
Pagsilip ni Carlo nakikita niyang nag-uusap si Dave at Ado na tila matagal ng magkakakila. Manghang mangha si Ado sa ganda ng motorsiklo ni Dave. Nakita Carlo na inabot ni Dave ang helmet at hinayaan maka gamit sa kanyang motorsikto si Ado. Ang saya naman ni Ado habang dahan-dahan pinapaikot ang motorsiklo sa kanilang bakuran, ang hindi niya alam, ang taong kaharap niya ay ang taong ikinikwento ng pinsan niya kanina lang at balak niya sapakin kung kanyang makikita.
Sumilip ang nanay ni Carlo sa pintuan sabay tawag kay Dave.
“Anak pasok ka na dito at mag usap kayo ni Carlo saglit.” Tawag ng nanay ni Carlo.
“Anak? Bakit kaya may gana pang tawagin ni nanay tong taong ito ng anak.” Sa isip-isip ni Carlo.
Pagpasok ni Dave, diretso agad tinggin niya kay Carlo na nakaupo at nakatingin lang sa may dingding na halatang wala sa mood. Lumapit si Dave at inabot ang kanan kamay para makipagkamay. Biglang nagbuntong hininga si Carlo at pilit ding kinamayan si Dave pero hindi man lamang ito tumayo.
“kumusta ka na?” naiilang na tanung ni Dave.
“Sigi okey nay yun, kalimutan mo na yung pinaggagawa mo. Tapos na yun.” Sabi ni Carlo. “Sigi na pwede ka ng makaalis wala na yun.” Dagdag pa ni Carlo.
Dali dali binuksan ni Dave ang kanyang back pack at agad inilabas ang 3 boxes ng Tart at inabot ito kay Carlo.
“Ito, para sa inyo.” Sabi ni Dave.
“Ano ito suhol?” tanong ni Carlo.
“Peace offering siguro.” Medyo naiilang na sagot ni Dave.
“Ahh Tart lang pala katapat ko ano?” Sabi ni Carlo sabay sulyap kay Dave.
Hindi na umimik sa Dave.
“Sigi pwede ka ng maka-alis, kunin mo na yung motor mo baka mabangga pa yan ng pinsan ko.” Sabi ni Carlo.
Biglang lumabas ang nanay ni Carlo sa kusina na nakangiti.
“Nako anak mamayang hapon ka na umuwi, dito ka na muna magtatanghalian. Alam ko madaling araw ka pa dumating dito, halika magpahinga ka muna mga ilang oras, gigisingin na lang kita pag magtatanghalian na. Kumuha ang nanay ni Carlo ang dalawang unan at inilagay sa bangko na kinauupuan ni Carlo at sinabihan si Dave na doon muna magpahinga. Tumayo si Carlo bitbit ang boxes ng Tart patungo sa kusina at inilapag niya ito sa mesa. Takang taka si Carlo sa pinapakita na kabaitan ng nanay niya kay Dave. Humiga si Dave sa bangko, pinikit ang mga mata, halatang pagod sa mahabang byehe na naka motor lang.
Pagpasok ng nanay ni Dave sa kusina may gusto sana siyang sabahin nito, kaso lang nandoon si Dave sa sala baka marinig niya ang sasabihin tungkol dito.
“Anak tawagin mo nga yun si Ado, hulihin ninyo yung isang domalaga, kumuha na rin kayo ng papaya at malungay at magkayod na rin kayo ng niyog. Ginataang manok ang uulamin natin ngayon tanghalian.” Utos ng nanay ni Ado.
Lumabas ni Carlo at tinawag ni Ado.
“Pinsan itabi mo na yan motor na yan, maingay, may nagpapahinga.” Sabi ni Carlo.” Samahan mo ako mamimitas ng papaya at malungay, dito ka na ma nananghalian, ginataan manok ulam namin.” Sabi ni Carlo.
Sinadyang isama ni Carlo yung pinsan niya palayo upang ma I kwento niya kung sino yang taong dumating sa kanila. Magkahalo naman ang reakyon ni Ado, dahil kung kanina galit siya kay Dave, nag iba na ngayon, dahil napansin niya na mabait naman si Dave.
“Nako pinsan ang bilis mo naman magbago, kanila lang gusto mong sapakin yung taong yan, pero ng nakita mo at pinahiram ka ng napakaganda niyang motor biglang nagbago ihip ng hangin.” Sabi ni Carlo.
“Hindi naman pinsan, kung hindi pa matino yan taong yan, sa palagay mo pupunta yan dito, naglaklakbay buong gabi para lang humingi ng tawad.” Sabi naman ni Ado. “Kaya patawarin mo na, mukhang mabait naman ha at ang gwapo pa.” Sabi naman ni Ado.
Dumating na rin ang tatay ni Carlo mula sa pagpupulong. Dahil hindi naman kinakausap ni Carlo si Dave at nagkukunwari itong abala sa mga gawain, yung tatay niya at si Dave ang nag-uusap at nagtatawanan pa sa sala. Napa isip si Carlo sa kung anong gayuma ang dala ni Dave bakit lahat na tao sa bahay pati pinsan niya ay napapaamo nito. “Ako na lang yata dito ang may ayaw kay Dave.” Sa isip-isip ni Carlo.
Naluto na rin sa wakas ang ginataang manok. Pagkahain tinawag agad ng nanay ni Carlo ang lahat pati na si Dave. Umupo sa tabi ni Carlo si Dave, magkaharap sila ng nanay ni Carlo at katabi naman ng nanay ni Carlo ang pinsan niyang si Ado. Kahit magkatabi na ang dalawa hindi pa rin ito nag-uusap.
“Nako anak pagtigaan mo na itong ulam namin, ito lang ang nakakayanan namin ihanda.” Sabi ng nanay ni Carlo.
“Bakit Nay? alam mo naman na paborito ko tong ginataang manok na may Malunggay miss ko na rin ito.”Sabi ni Carlo.
“Alam ko paborito mo yan, pero hindi naman ikaw tinatanong ko, itong kaibigan mong si Dave.” Sabi ng nanay.
“Anak kasi ng anak diyan, ako lang naman anak mo dito.” Sagot ni Carlo.
Napangiti yung apat maliban kay Carlo.
“Ahh ako po ba tinatanong ninyo? Nako, sa totoo lang ngayon lang ako nakakain ng ginataang manok na may malunggay, masarap pala.” Naka ngiting sabi ni Dave.
“Alam mo anak diyan ako na paibig sa sarap ng luto ng nanay ni Carlo. Nako nung una kung natikman yang luto niya, hindi ko na pinakawalan, pinakasalan ko agad hayan na buo agad si Carlo.” Sabi ng tatay.
“Nako pati tatay ko nakiki anak na rin kay Dave.” Sa isip-isip ni Carlo.
“At saka alam mo ba kung bakit malakas ang tuhod ng mga probensiyano dahil sa malunggay, tingnan mo itong si Carlo diba? Sabi ni naman nin Ado.
“Oo nga ano?” sagot naman ni Dave. “Nakakatakot nga makipag away sa mga taga probensya tiyak durog buto mo.” Sabi ni Dave.
Walang imik si Carlo kahit alam niyang siya ang pinaparinggan ni Dave. Sa isip-isip niya “hindi naman ako makiki pagbugbugan sa iyo kasi kung nagkataon durog talaga yan mga buto mo Dave.”
Dahil magkatabi lang silang dalawa, kitang –kita ni Carlo kung paano kumain si Dave, halatang gutum at tila totoo nga ang sinabi nito na sarap na sarap siya sa ginataang manok dahil pansin niya na ilang beses itong naglalagay sa kanya plato. Unang tumayo si Carlo at nag kunwaring may kukunin pero ang totoo gusto niyang umiwas kay Dave dahil hanggang ngayon naiilang pa rin siya. Bago siya makalayo nakita niya ang boxes na puno ng Tart, kinuha ito at inilagay sa lamesa.
“Ito panghimagas dala si Dave para sa inyo.” Sabi ni Carlo.
“Ano ito? mukhang masarap.” Sabi ng tatay.
“Tart po yan tikman ninyo masarap yan poborito yan ni Carlo.” Sabi ni Dave habang nisisulyapan si Carlo na paalis papuntang sala.
Kumuha ang tatay at nanay ni Carlo pati na rin si Ado at tumikim sa napakasap na Tart.
“Masarap nga, matigas sa labas pero napakalambot sa loob.” Sabi ng nanay ni Carlo.
“Itong pagkain na ito parang isang tao diyan, nagtitigas-tigasan sa labas, pero sa totoo sa loob loob niyan ay napakalambot naman, diba Carlo?” Sabi ng tatay.
“Nako dumali na naman itong si Tatay sa mga matalinghaga niyang kasabihan.” Sa isip-isip ni Carlo. Alam niya na siya ang tinukoy ng tatay niya na matigas na Tart, dahil kilala na niya ang tatay niya sa ganung hirit. Dinadaan ng tatay niya ang pagpapayo sa kanya sa pamamagitan ng matalinghaga paghahambing sa mga bagay-bagay.
Pagkatapos kumain, nag paalam si Carlo na aalis muna kasama si Ado. May pupuntahan lang daw sila, pero ang totoo gusto lang makaiwas ni Carlo kay Dave at ayaw itong makita ang pag alis nito pagkatapos mananghalian.
“Nay, Tay may pupuntahan lang kami ni Ado. Baka gabihin kami wag na ninyo akong hintayin sa hapunan.” Sabi ni Carlo.
“Saan ba lakad ninyo? tanong naman ng tatay ni Carlo.”
“Diyan lang tay mag iikot ikot lang, na miss ko kasi ang lugar na ito.” Sagot naman ni Carlo.
“Aba pinsan hindi mo naman sinabi sa akin na may lakad tayo ha.” Sambat naman ni Ado.
“Sinabi ko sa iyo kanina, paano mo marinig ang inggay-inggay ng motor habang nagsasalita ako.” Palusot ni Carlo.
“Oy baka gusto mo sumama Dave?” tanong ni Ado.
“Hoy ano ka ba, diba uuwi na nga iyan pagkatapos mananghalian diba.” Sabi naman ni Carlo.
“Ahh Dave alis muna kami, salamat sa Tart.” Sabi ni Carlo.
Sinulyapan ni Dave si Carlo habang palayo ito. Pakiramdam niya galit parin sa kanya si Carlo kahit sinabi niya na ayos ang lahat, dahil pansin niya ang malamig na pakikitungo nito. Tila na pipilitan lang na paki bagayan siya Carlo dahil sa kanyang mga magulang.
Buong maghapon naman gumala ang dalawang mag pinsan. Pinuntahan nila ang mga lugar na dati nilang paboritong tambayan. Nakikipagkita na rin sila sa mga dati nila kaibigan at kamag-anak. Dahil ilan buwan din nawala si Carlo sinulit niya ang buong maghapon sa kakagala. Doon na rin siya naghaponan sa bahay ng pinsan niyang si Ado. Gabi ng umuwi sa bahay. Pagpasok niya tahimik na ang buong bahay maliban sa mga aso na nag-iingay noong nakita siya.
“Anak may pagkain diyan kumain ka na!” Sabi ng nanay niya.
“Nay busog na busog na po ako, alam mo doon ako naghapunan kina Ado, ang saya saya kasi ang dami nila habang kumakain di tulad sa atin tatlo lang tayo.” Sabi ni Carlo.
“A ganun ba” sagot naman ng nanay ni Carlo habang tinutupi ang bagong labang mga damit.
“Nay ubos na ba yung Tart?” Tanung ni Carlo.
“May natira pa nandoon sa lamisa tinakpan ko baka madali ng pusa.” Sabi ng nanay ni Carlo.
Tumungo si Carlo sa kusina at kinuha yung box ng Tart bumalik sa sala at umupo sa harap ng nanay niya habang kumain ng Tart.
“Tulog na po ba si Tatay inay? Tanung ni Carlo.
“Nako isang bote lang yan ng sinasabing niyang pangpapalakas na mumurahing alak bagsak na yan anak.” Sabi ng nanay ni Carlo sabay turo sa wala ng laman ng bote ng alak sa sahig.
“Buti naman baka kakansyawan naman niya ako habang kumain ng Tart na dala ni Dave. Buti naman umalis na yung taong yun ng maupakan na tong dala niyang Tart.” Sabi ni Carlo.
“Galit ka pa ba kay Dave anak? Tanong ng nanay.
“Unti-unti na nawawala yung galit ko sa kanya nay, pero hindi pa rin mabubura sa ala ala ko yung mga masamang nangyayari sa buhay ko dahil sa kanya. Alam mo nay, itong Tart na ito, ito na lang yata ang pinaka masarap na ala-ala ko kay Dave. “sabi ni Carlo. “Iwan ko ba nay bakit sarap na sarap ako dito sa Tart na ito. Yung pagsubo mo unti-unti natutunaw sa bibig mo yung sarap.” Dagdag ni Carlo habang patuloy ang pagsubo ng napaka sarap na Tart.
“Buti naman anak napapatawad mo na, kalimutan mo na yung mga masamang nangyayari sa iyo. Tandaan mo maraming biyaya sa taong mababait ha.” Sabi ng nanay.
“Alam mo Nay mabait din yun, kahit may pag ka loko-loko, Siguro ganyan yung mga mayayaman. Alam mo ba, bumabagyo hinatid ako sakay sa sasakyan niya tapos pinahiram pa ako ng hoodie para hindi mabasa. At saka muntik na yung mabogbog dahil pinagseselosan, buti na lang nandiyan ako kundi durog mukha noon, sayang gwapo pero palamya lamya naman.” Dagdag pa ni Carlo.
Biglang natahimik si Carlo at iniba ang usapan.
“Nay sa patawarin ninyo ako na hindi ko ka agad nasabi na ninyo na nanganganib matangal ang scholarship ko, kararating ko lang naman, naghahanap pa ako ng bwelyo eh, hirap akong sabihin sa inyo dahil nagkakanda utang-utang kayo sa kooperatiba pambili ng gamit ko at pambayad sa boarding house.” Malungkot na sabi ni Carlo.
“Nako anak mababayaran din natin yan, wag kang mag alala.” Sabi naman ng nanay.
“Nay kung sakali hindi na ako matatawagan okey lang ba din sa inyo ni Tatay?” Tanong ni Carlo.
“Oo naman anak, may mga bagay na talagang hindi para sa atin, kaya okay lang yun, basta magpakabait ka lang tiyak may darating na biyaya para sa iyo.” Sabi naman ni Nanay. “Alam mo masaya na rin kami ang tatay mo na nandito ka na ng kahit papano may nag iingay sa bahay na ito, alam mo noong wala ka ang lungkot namin dito, mga manok at kambing lang ang nag-iingay.” Nakangiting sabi ng nanay.
Maluwag na ang kalooban ni Carlo na humiga dahil nasabi niya sa mga magulang niya ang tungkol sa nanganganib na mawalang scholarship, ngunit higit sa lahat na nakahinga na rin siya dahil napatawad na niya si Dave. Pumikit at inisip kung ano ang mga gagawin niya kinabukasan ngayon balik na ulit siya sa lugar at gawain na kanyang kinagis-nan. Pagpapakain ng manok at baboy. Pagpapastol ng kalabaw at mga kambing. Pag sasaka sa bukirin. Pagsisibak ng pang gatong. Ilan lang yan sa mga bagay na muling babalikan ni Carlo ngayon nandito na siya sa lupang kanyang pinagmulan. Pumikit at nanalangin na nasa bukas sa kanyang pag gising may bagong pag-asang naghinhintay sa katulad niyang anak ng mahirap.