SWEET HEART SWEET TART

4243 Words
Masama ang panahon ng gabing iyon. Umuulan dahil sa bagyo na papasok sa bansa. Binibilisan ni Carlo ang ginagawang paglilinis upang makauwi na agad, dahil baka bumaha at ma stranded tulad ng nasarasan niya noon. Napasilip siya sa labas ng mapansin ang apat na lalaki na nakatayo sa tapat ng pintuan ng library. Yung tatlo nakaharap sa kanya, samantala yung isa naka suot ng black hoodie, nakatalikod at naka sandal sa glass door ng library. Napaisip si Carlo kung ano kaya ang sadya ng mga ito, dahil alam naman ng lahat na hanggang 8:30 lang ng gabi bukas ang library. Nakikita niyang tila kinakausap ng isang studyante yung taong nakatalikod. Pinagpatuloy  ni Carlo ang kanyang ginagawa  ng mapansin niyang dinuduro-duro ng isang studyante yung naka black hoodie. Dahil medyo malayo siya at naka sarado yung pintuan hindi niya maririnig kung ano ang pinagtatalunan ng mga ito. Masama ang kutob niya. “Parang mag susuntukan pa yata tong mga ito.” Sa isip-isip niya. “ Pansin niya ang maiinit na pagtatalo ng dalawa, samantala yung dalawang kasama ng nagagalit na studyante ay nakatayo lang sa gilid. “ Nako ano kaya pinag-aawayan ng mga ito.” Sa loob loob ni Carlo. “Dapat maka gawa ako ng paraan para maawat tong mga ito, kawawa naman yung isa laban sa tatlo.” Sa isip-isip niya.  Bitbit kunwari ang trash can lumapit si Carlo sa may pintuan upang makinig kung ano ang pinag tatalunan ng mga ito nang bahagyang dumagilid yung taong naka hoodie at nakita niya ang pagmumukha nito. “Si Dave yun ha!” gulat na sabi ni Carlo. “Nako baka itong tatlong to ay mga miembro ng kalaban na fraternity na sinalihan ni Dave.” Sa isip-isip niya. Ngunit mali sila, dinig na dinig niya ng sabihin ng lalaki kay Dave na “Layuan mo Girl friend ko!” “Yung Girl friend mo ang pagsabihan mo dahil siya naman ang lapit ng lapit sa akin.” Sagot naman ni Dave. Babae pala ang dahilan ng pagtatalong ito na kung hindi  maaawat tiyak mauuwi sa sapakan. Naisip ni Carlo na dapat maka gawa siya ng paraan bago mahuli ang lahat dahil alam niyang walang ka laban- laban si Dave sa tatlo iyon. Nagulat yung tatlo pati si Dave ng biglang itunulak ni Carlo ang glass door at lumabas. “Ano nangyayari dito? At tama ba naririnig ko?” Tanong ni Carlo habang isa isang sinusulyapan ang tatlo studante. “Maling tao naman ang pinagseselosan ninyo kasi alam nyo, akin lang si Dave.” Sabay akbay ni Carlo kay Dave. “Yes! Mag boyfriend kami at katunayan nga nandito siya para sunduin ako” dagdag pa nito. Biglang nag iba ang mga expression ng mukha ng tatlo. Gulat na parang namangha at hindi naiintindihan ang mga nangyayari. Higit sa lahat, Si Dave, ang litong litong sa mga takpong iyon, natutula habang nakatingin kay Carlo. “Bakit parang gulat na gulat kayo? Ngayon lang ba kayo nakakakita ng dalawang lalaking nagmamahan ha? Dagdag ni Carlo. Bahagyang napangiti yung studyanteng nag seselos kay Dave. “Kalokohan!” sambit nito. “Ayaw mong maniwala? Ito o” sabi ni Carlo sabay dukot ng cellphone ni Dave sa bulsa ng kanyang pantalon. “Tart ipakita mo yung video” Sabi ni Carlo. Ang video na tinutokoy ni Carlo ay yung hinalikan siya ni Dave sa loob ng library. Si Dave naman sinusunod lahat na sinasabi ni Carlo kahit nalilito sa mga pangyayari. Pagka play,  pinakita ito ni Carlo sa tatlo. Pagkatapos napanuod, bahagyang napangiti ang mga ito sabay sabi ng isa ng “Ay sabi ko na nga Barbie”  tumalikod at tumawa. “Buti pa umuwi na kayo, mag pafinal na simula lunes, mag aral kayo at paki tali yang mga GF ninyo, dahil itong si Dave ay taling tali na sa akin, diba tart?” Sabi ni Dave habang hinigpitan ang pagkayakap nito kay Dave. Hinatak ni Carlo si Dave papasok at dali daling I ni lock ang pintuan. Tulala pa rin si Dave, ngunit ka pansin pansin na hindi niya inaalis ang tingin niya kay Carlo. “Hoy Mr. Daks ano naman tong gulong pinasok mo!?” pagalit na tanung ni Carlo. “Hindi mo pa nga naayos yung problima mo sa akin ito naman yung isa.” Dagdag nito. Tulala pa rin si Dave habang nakatingin lang kay Carlo. “Hiiiiii Tart?” gising ka pa ba?” pag-aasar ni Carlo. Bilang bumalik sa ulirat si Dave ng marinig niya ang salitang tart. “Anong Tart?” tanong ni Dave. “Tart? Short for sweet heart o yung masarap na Tart na binibigay mo sa akin.” Sagot ni Carlo. “Hindi ko naman kasalanan kung yung Gf nila ang unang nag message sa akin at  gawing wall paper at locked screen yung mukha ko sa mga cellphone nila, mga baliw!” asar na sabi ni Dave. “Alam no Dave yung ka gwapohan mo talagang may dalang sumpa ano?” sabi ni Carlo. “Sa tuwing magkalapit tayo parang may hindi magandang nangyayari.” Dagdag nito. “Buti na lang maagap ako at nagamit ko yung pagiging best actor ko kanina, nako, kung hindi malamang durog na yan pagmumukha mo ngayon.” Sabi ni Carlo. “Acting lang pala yun?” tanung ni Dave. “Alangan! Bakit mag boy friend ba tayo sira ulo!” sagot ni Carlo. “I mean kung talagang binugbug ako kanina ibig sabihin hindi mo ako tutulungan dahil hindi naman talaga tayo totoong mag boy friend ganun? Tanung ni Dave. “Kaya nga, bago mag ka suntukan gumawa agad ako ng paraan diba.? May mga bagay naman pwedeng pag usapan kay sa magbasagan kayo ng bungo dyan dahil lang sa babae.” Sabi ni Carlo. “At bakit na naman nag pupunta ka dito sa library gabi-gabi?  tingnan mo nalaman  tuloy ang routine mo at nasundan ka.” “Nagpunta ako dito para makiusap sana sa iyo, diba promise ko na buburahin ko yung video sa Friday, ahhh pwede ba sa sunod Friday na lang kasi ang  task ko dapat magtatapos sa end of this semester. Diba last week of this semester na naman sa sunod na linggo.” Sabi ni Dave. “Ok sigi basta wag ka na munang magpupunta dito lalo na pag gabi hindi natin alam na may iba pa diyan nag aabang sa iyo. Tiyak marami pang mga boy friend diyan na insecure sa ka gwapohan mo.” Sabi ni Carlo. “Sabay na tayong lumabas baka kasi nag aabang pa ang mga iyon sa iyo.” Dagdag si Carlo. “Wait lang pwede maghihiram ng book?” Sabi ni Dave. “Naka off na yung computer hindi ko na yan ma irecord.” Sabi naman ni Carlo. Tumakbo si Dave sa mga book sleaves at agad – agad humogot ng isang aklat. “ Wag mo ng I record ibabalik ko agad ito sa iyo ng personal at sekreto para hindi malalaman na nag out ka ng books na hindi naka record.” Naka ngiting sabi ni  Dave. “Sigi na uwi na tayo.” Sabi naman ni Carlo.   Lumalakas na ang ulan ng sila ay lumabas buti na lang laging may dalang payong si Carlo. “Buti na naman may payong ka?” sabi ni Dave. “Boy scout yata to.” Sagot naman ni Carlo sabay buklat ng payong. “Saan ba na ka park yung kotse mo? Halika ka sukob ka ihahatid kita.” Dagdag ni Carlo. “Wag na tatakbuhin ko na lang.” Sabi ni Dave. “Nako baka madulas ka pa dyan oh, halika ka sukob ka tiisin mo na lang yung amoy pawis kung katawan saglit lang naman to” Biro ni Carlo. “Wag na maliit lang yan payong mo, ok lang ako may hoodie naman akong suot.” Sabi ni Dave. Hindi na nakapalag si Dave ng inakbayan siya ni Carlo at pinilit sumukob sa maliit na payong na dala niya. Habang naglalakad sila patungo sa lugar na kung saan naka park yung sasakyan ni Dave, maririnig ang malakas na patak ng ulan ngunit mas higit na malakas ang kabog sa dibdib ni Dave lalo ng hinihigpitan ni Carlo ang pag akbay nito upang pilit silang dalawang magkasya sa maliit na payong. Kakaibang pakiramdamdam na ngayon lang niya naramdaman. Parang nakahanap siya ng kapatid, Ama o kaibigang tunay na nag-aalaga at nagmamahal sa kanya. Parang ayaw na niyang matapos ang paglalakad nilang dalawa ni Carlo sa gitna ng ulan. Nakakarandam siya ng kakaibang kiliti sa tuwing nagtatama ang kanilang mga pisngi at dumadampi ang mainit init na hininga Carlo sa  kanyang balat. Naputol ang kanyang paglalakbay diwa ng nagsalita si Carlo. “Saan ba dyan ang kotse mo? Sabi ni Carlo. “Yung puti ” sagot ni Dave Pagkabukas sa pintuan sininyasan ni Dave si Carlo na sumakay. “Wag na, sigi na ok lang ako.” Sagot ni Carlo. “Sakay ka muna may sasabihin ako hindi tayo magkarinigan.” Sabi naman ni Dave. Pagkasakay ni Carlo bigla agad siyang hinagisan ni Dave ng face towel. “Basa yang mukha mo punasan mo muna.” Sabi ni Dave. “ At ihahatid na rin kita.” Dagdag pa nito. “Naku boss wag na nakakahiya at saka ang bango ng towel mo ha iba talaga ang mga sabon ng mayaman no?  pabirong sabi ni Carlo. “Kanina lang Sweet heart o Tart tawag mo sa akin ngayon biglang naging boss.” Sabi ni Dave. “At bakit ayaw mong ihatid kita. Sa dami ng nagawa mong kabutihan sa akin ngayon pati ba tong sempleng paghahatid sa boarding house mo ipagkakait mo?” Tanong ni Dave. “Kasi boss nakakahiya baka maabala ka pa, lumalakas na ang ulan  baka bumaha at ma standed ka.” Sagot naman ni Carlo. “Kaya nga bibilisan natin” sabi ni Dave sabay patakbo sa sasakyan. Wala ng nagawa ni Carlo kundi sumakay sa napaka garang sasakyan ni Dave. Tahimik lang siya habang nagmamaneho ni  Dave at binabaybay ang basang kalye patungo sa kanyang boarding house. “Alam mo boss ngayon lang ako naka sakay ng ganitong ka gandang sasakyan. Wow parang hindi mo maramdaman ang lubak sa daan, may TV at ang bango pa.” sabi ni Carlo. “Tumigil ka nga sa ka bo boss mo dyan.” Sabi ni Dave. “Ano ba gusto mo itawag ko sa iyo.” Tanong ni Carlo “ahhh mas gusto mo yung Tart ano?” pabirong tanong ni Carlo. Hindi na kumibo si Dave at napangiti na lang ito “Lumalakas lalo yung ulan buti na lang parating na tayo.” Dagdag ni Carlo. Huminto ang kotse sa tapat ng boarding house. Agad hinubad ni Dave yung suot niyang hoodie at inabot kay Carlo. “suutin mo lumalakas ang ulan at ang liit ng payong mo, para hindi ka  naman masyadong mabasa.” Sabi ni Dave. “Wag na boss tatakbuhin ko na lang.” Sagot naman ni Carlo “salamat sa paghatid mo.” Dagdag ni Carlo. Nagulat na lang si Carlo ng hinawakan ni Dave ang ulo niya sabay suot ng hoodie. Gusto niyang pumiglas ngunit mapilit si Dave. Isang bagay napansin ni Carlo habang humahaplos ang tela sa kanyang mukha ay ang amoy ng pabango ni Dave. Ang bango na parang pumupukaw sa  diwa at kanyang kalamnan. Sobrang bango na parang gusto niya itong yapusin palagi. “Nakaka relax naman ng amoy ng perfume mo boss, parang amoy ng simoy ng hangin sa probensya.” Sabi ni Carlo. “At saka tong hoodie mo ayos ha.” Dagdag pa nito. “Kahit mga simpleng bagay napapansin at na aapreciate mo. Itong kotse ko, laundry soap, perfume, hoodie pati hitsura ko napapansin mo.” Sabi ni Dave habang nakatingin kay Carlo. “Hindi kasi ako sanay sa mga bagay na ito kaya napapansin ko at saka hindi naman kailangan makakita ka ng mamanghang manghang bagay para ma appriacete mo diba.?” Sagot naman ni Carlo. “At saka boss lahat naman na sinasabi ko totoo.” DAgdag pa ni Carlo. “Ibig sabihin na gagawapohan ka din sa akin?” Tanong ni Carlo. “kailangan pa bang sabihin yan boss kaya nga muntikan ka ng mabogbog dahil sa hitsura mo. Nagkakagulo yung mga babae pati binabae sa campus. Tingnan mo yung video na pinost mo tadtad ng comments, may nagsasabi pa doon na “sana ako na lang”. Manigas sila akin ka lang! hahahaha. Si Lucy nga yung kasama ko sa Library, naku matagal ka ng crush noon kaya tuwang tuwa siya ng inaccept mo.” Dagdag pa ni Carlo. “Wait lang pwede isang personal na tanong?” tanong ni Carlo. “Saan pala girlfriend mo?” “Walaaaaa!” nakangiting sagot ni Dave. “Wala talaga? Ibig sabihin wala ka pang nasakyan este naisakay na chick sa napa gandang kotse mong ito.” Patawang sabi ni Carlo. “Sigi na labas ka na ang daldal mo.” Sabi ni Carlo. “Sigi boss salamat sa pagpapahiram mo nito ha. Ibabalik ko ito kaagad pag ka laba.” Sabi ni Carlo habang dahan dahan binuksan ang pintuan ng kotse. “Tumigil ka nga sa katatawag sa akin ng boss.” Sabi ni Dave “Don’t worry boss mag ibaba na yang tawag ko sa iyo paglabas ko dito.” Sabi naman ni Carlo. Bago isinira ni Carlo ang pintuan sumigaw ito ng “bye Tart take care!, o yan nag iba na tawag ko sa iyo.” Ang nakangiting Sabi ni Carlo. Habang naglalakad ni Carlo papasok sa kanyang boarding house sinusundan naman siya ng tingin ni Dave. Lumigon si Carlo sabay sinyas na “Alis ka na.” Napangiti si Dave at sabay buntong hininga, isang buntong hininga na tila nag lalabas ng magkahalong emosyon sa oras na iyon, Isang pakiramdam na pilit niyang inuunawa dahil sa unang pagkakataon ngayon lang niya ito nadama.   Kinabukasan, Hindi na nga nagpakita buong araw si Dave sa Library. “Buti na naman nakinig siya sa akin.” Sa isip-isip ni Carlo. Mag aalas 10:00 ng gabi ng umuwi na siya. Pagbukas niya sa pintuan ng boarding house nakita niya ang lima niyang ka boardmate na paikot naka upo sa salig habang tumatagay. Nagkalat ang mga balat ng seryeya sa sahig. “Uy sino may birthday? Bakit may alak dito?” Tanung si Carlo habang deritsong umupo sa sahig sabay dukot at nguya ng setserya. Agad-agad naman siyang tinagayan ng kasama niya na si Dong. Noong insakto tutunggain na niya ang beer ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo at laking gulat niya na si Dave ang lumabas. Hindi na naituloy inumin ni Carlo ang beer. “Hoy bakit nandito ka?” gulat na tanung ni Carlo. Lumapit at umupo si Dave katabi ni Carlo sabay tapik sa hita nito. “Ang tagal mo naman.!” Sabi ni Dave. “Kanina pa yang kaibangan mo naghihintay sa iyo, kaya para hindi mainip tumagay muna kami.” Sabi naman ni Sam. “Nako sorry hindi ko kasi nalabhan yung hoodie mo, kukunin mo na ba? Tanong ni Carlo. “Hindi binalik ko lang yang book sa hiriram ko kagabi.” Sabay turo sa aklat nakapatong sa higaan ni Carlo. Tumayo si Carlo at hinawakan sa kamay si Dave. “Sigi tama na yan, tamayo ka na dyan ihahatid na kita sa labas.” Parang ayaw muna tumayo ni Dave pero hindi ito binitawan ni Carlo. “Ano ba yan hindi pa nga natin na ubos tong isang bote o.” sabi ni Dong. “Alam ninyo nasalubong ko yung land lady natin pagpasok ko dito. Kaya pala sinabihan niya ako about sa curfew dahil nagdala pala kayo ng bisita  na lagpas na sa 9:00 ng gabi” palusot ni Carlo. “ Hindi naman namin bisita yan ha, ikaw ang binisita nyan dito diba Dave Angelo? Sambat naman ni Sam. “Saka kayo ha magpa final na sa lunes tapos alak pa rin inaatupag ninyo.” Dagdag ni Carlo. “Sus kani kanina lang atat na atat ka rin tumunga bakit kaya biglang nawala gana mo ng makita si Dave? Sabi naman ni Dong. Hinila ni Carlo palabas sa boarding house si Dave. Para naman itong batang sunud sunodran kanya. “Bakit nandito ka? Ano naman kailangan mo? Pabulong ni Carlo. “Binalik ko lang yung book, bakit? Anong problima?” sagot naman ni Dave. “Nakiki pag-inuman ka pa talaga ha, eh baka malasing ka at mabanggit mo yung sekrito natin.” Sabi ni Carlo. “Anong sekrito? Ahh yung kissing video, tingnan mo nga tong video may thousands likes at share na tapos sasabihin mo na sekrito.” Sabi ni Dave “ at saka hindi ba pwedeng dumalaw dito gusto lang kitang makita at kumustahin mali ba yun.” Dagdag pa nito. “Kung maka kumusta ka para bang isang taon na tayo hindi nagkita. At nag iinum ka pa alam mo naman na nagmamaneho ka pa baka mapapano ka dyan kargo de consensya pa kita.” Sabi ni Carlo. “Pagnalasing ako wag mo na akong pauwiin dito mo rin ako patulogin.” Biro ni Dave. “Nakita mo naman yung room namin diba? saan ka matutulog, sa sahig?” Sabi ni Carlo. “Eh di sa bed mo tabi tayo, bisita ako diba dapat alagaan mo ako.” Naka ngiting sabi ni Dave. “Maiba tayo ano ba course mo at anong year kana? Tanong ni Carlo “Business Management nga at mag 3rd na ako next semester.” Sagot ni Dave. “Ano pala kinalaman ng forestry sa course mo? kasi yung book na hiriram mo tungkol sa forestry tapos yung course mo Business Management diba ang layo.” Sabi ni Carlo. “ Pati pa bayan napansin mo.” Natatawang sagot ni Dave. ”Dapat ang course mo ay Creminal law, magaling kang mag imbistiga hindi bagay sa iyo yung architure.” Dagdag pa ni Dave. “Sigi na sakay na umuwi ka na, pero teka lang kaya mo ba magmaheno? Tanong ni Carlo. “Patawa ka naman, isang bote ng beer, lima kami hindi pa naubos dahil storbo ka nakakalasing ba yun?” Sagot naman ni Dave. “Buti sana kung marunong ako magmaheno dahil ako na maghahatid sa inyo.” Nakangiting sabi ni Carlo. “Gusto mo tuturuan kita, someday!? Tanong ni Dave. “Oo ba pero, wag na boss nakakahiya.!” Sagot naman ni Carlo. “Tuturuan kitang mag drive sa isang kondisyon na, pagnatoto ka na, ako naman ang I da drive mo papuntang langit.” Sabi ni Dave sabay tawa ng malakas. Nakitawa na rin si Carlo sa joke ni Dave kahit sa likod ng kanyang isipan tila may iba itong kahulugan. “Boss, sabihin mo yang joke na yan doon sa girlfriend noong studyante naka banggaan mo kagabi, tiyak hindi lang langit mapupuntahan ninyo lagpas pa hanggang emergency room.” Biro na naman ni Carlo. Tawang tawa si Dave habang binubuksan ang pinto ng kotse. Pagkasara ng pinto  tumango ito kay Carlo sabay sabi ng “bye na, matulog ka na” at umalis. Bumalik na rin si Carlo sa loob ng boarding house at natulog.   Huling lingo na ng semester at abala ang lahat sa final exams. Hindi na rin nagpakita si Dave sa library dahil malamang busy din sa kanyang pag aaral. Halos tapos na rin mag final exam si Carlo maliban sa isang subject. “Tol kakausapin daw tayo ni madam Estacio mamayang gabi bago siya umuwi.”  Sabi ni Felix “ Tungkol yata yan sa ating mga gagawin ngayon semestral break.” Dagdag nito. “Oo sigi tol.” Sagot naman ni Carlo. Pagsapit ng uwian, pumasok na silang tatlo sa opesina ni Madam Estacio. Pagkaupo, agad ng salita si madam. “Bilisan natin itong short meeting kasi may lakad pa ako. Dalawang bagay lang naman ang gusto ipaalam sa inyo.” Dagdag nito. “Una, alam naman ninyo na kahit semestral break ay papasok pa rin kayo kasi ang dami nating gagawin diba? Pero at least hindi na kayo masyadong pagod kasi wala naman papasok ng mga studyante dito. Mag arrange at mag physical inventory lang naman tayo ng mga aklat. Ok?” Sabi ni madam Estacio. “At ang pangalawa ay tungkol ito sa iyo Carlo.” “Bakit po?” tanong ni Carlo. “Alam mo ba na kalat na kalat na dito sa campus tungkol doon sa video na nakipaghalikan ka sa isang lalaking estudyante dito mismo sa loob ng library.” Tanong ni Madam Estacio. Gulat na gulat silang tatlo lalo na si Carlo dahil hindi niya sukat akalain na pati si Madam ay makakapanuod nito. “Madam hindi na po yun totoo. Biru biruan lang po yun.” Sagot ni Carlo. “Well biro man o totoo nakipaghalikan ka pa rin. Dba?” sabi ni madam estacio “Don’t worry its our job to investigate kung ano talaga ang totoong kwento sa video yun Carlo. At isa pa noong nereview kung ang footage ng CCTV natunglasan ko na nagpapasok ka pala ng estudyante kahit  closed na ang library at ang masaklap pa you allow those student to bring the book outside kahit hindi ito naka record. Alam mo na malaking bawal yan diba pero bakit mo ginawa? Tanung ni Madam Estacio. Nanlamig bigla ang buong katawan ni Carlo at hindi na alam kung ano ang sasabihin. “Madam sorry po isang beses lang po yun ng nangyayari” Sabi ni Carlo. “Im sorry Carlo, total tapos ka na naman mag exam Umuwi ka muna sa inyo at si Felix at Lucy lang muna dito ngayon sem break. Pag hindi kita tatawagan sa sunod na Friday ibig sabihin putol na sa pagiging student assistant mo dito. Sinayang mo ang opportunity at ang libring tuition fee sa University dahil lang sa isang taong iyan. Biglang gumuho ang mundo ni Carlo, paano na to sa isip isip niya. Paano na ang pangarap niyang maging architect at higit sa  lahat paano niya sasabihin sa mga magulang  ang pangyayaring ito. “Well, may 2 weeks pa naman natitira para maimbestigahan ko tong mga pangyayari ito.” Sabi ni madam Estacio. “Kaya ikaw Felix at Lucy sana maging aral to sa inyo na dapat maging tapat sa inyong mga tungkulin dito sa library dahil ito ang nagpapaaral sa inyo.” Dag dag pa nito. Pagkaalis ni Madam naiwan silang tatlo sa loob ng library. Tahimik at malungkot. “Nako Carlo wag kang mawalan ng pag-asa dahil may Ilang araw pa naman malay mo magbago pa yan isip ni madam” sabi ni Lucy na halatang labis ding nalungkot. “Oh paano to hindi na pala tayo magkikita bukas, uwi muna ako sa amin tatawag lang ako sa inyo kung ano ang balita, at kung makakabalik pa ba ako dito.” Malungkot na sabi ni Carlo. “Kaso lang wala nga signal sa amin kailangan pang aakyat sa burol…mag tetext na lang ako pag nasa burol na ako para maka pag usap tayo” dagdag ni Carlo. “Wag kang mag alala tol liligawan ko si madam baka sakaling magbago ang isip, basta gagawa kami ng paraan ni Lucy na matulongan ka sa abot ng aming makakaya.” Sabi naman ni Felix. Pag-uwi nagyakapan yung tatlo bago maghihiway. Si Lucy na pala biro ay humahagolhol ng yakapin ni Carlo at nag papaalam. “Ano ba Lucy wag kang ganyan I’m sure magkikita pa rin tayo kahit mawala yung scholarship ko sa school.” Ang sabi ni Carlo habang niyayapos ito.pero sa loob loob niya ay ramdam ni Carlo ang labis na kalugkutan dahil sa totoo lang, hindi na rin niya alam kung mabibigyan pa siya ng muling pagkakatoon. Kinabukasan bernes, pagkapasok ng dalawa ramdam nila ang lungkot dahil wala na si Carlo. Tahimik yung dalawa habang ginagawa ang kani kanilang mga gawain. Kukunti na lang din ang pumapasok sa library dahil ito na ang huling araw ng semester. Abala si Lucy sa pag aarange ng mga aklat ng biglang sumulpot si Dave. “Hey excuse, san si Carlo? Sabi ni Dave. Nanlakit ang mga mata ni Lucy sa nakita at halatang galit. “Ay buti nandito ka!” galit na sabi nito. Nang nakita ni Felix si Dave dali dali itong lumapit at inilayo kay Lucy na halatang galit kay Dave. “Tol dito tayo, wag dyan baka makagat ka pa” sabi ni Felix Nangtataka si Dave sa mga pangyayari bakit ba galit  sa kanya si Lucy. “Bakit ano ba nangyayari dito? Tanong ni Dave. “Si Carlo kasi umuwi na dahil sa mga pinag- gagawa mo kaya galit yan si lucy sa iyo dahil ikaw ang dahilan kung bakit nanganganib na mawala scholarship ni Carlo.” Dagdag nito. Nanlumo si Dave ng malaman niya na siya pala ang dahilan kung bakit wala sa si Carlo sa library.Mabilis na nagtungo si Dave sa boarding house ni Carlo ngunit sabi ng kanyang landlady madaling araw pa lang daw umalis si Carlo pauwi sa probensya. Sising-sising siya sa mga nangyayari dahil nakataya dito ang mga pangarap ni Carlo. Gusto niyang humingi ng tawad pero paano at saan. Durog na durog ang  kanyang puso dahil bakit ngayon pa nawala ang isang tao nahanap niya ang saya, Lihim na ligaya na siya lang ang nakaka alam sa tuwing nakakasama niya ito kahit sa maikli at masalimuot na pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD