Kasalukuyang binabaybay si Carlo ang daan patungo sa lugar kung saan sila magkikita ni Cassandra. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ito dahil kaylan lang ang babaing balak niyang kakausapin ngayon ay parihong babae na naging dahilan sa labis niyang kalungkutan, ang babaing naging kaagaw niya sa pagmamahal niya kay Carlo. Ngunit siya lang ang nakakaalam at si Dave sa mga bagay na iyon, dahil pilit niyang tinatago ang lahat niyang naramdaman, pilit na nag tapang-tapangan kahit sa loob-loob nito ay labis na siyang nasasaktan. Hindi niya maisip noong isang gabi lang nang kausapin siya ng lolo ni Dave tungkol sa mga bagay na ipapagawa sa kanya. Noong una, nais niya itong tangihan, ngunit dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob sa matanda dahil sa laki ng tulong nito sa kanyang pag-aaral, n

