“Huwag mo akong problemahin boss, pangako hindi ako maging pabigat.” Sabi ni Carlo “Nandito ako para tulungan ka.” Dagdag pa nito. Biglang natulala at napatitig na lang si Dave kay Carlo dahil sa mga sinasabi nito. Hindi siya makapaniwala na ganun na lang kadaling tangapin ng binata ang lahat na bagay na nangyayari sa kanila. Para bang walang nangyayari, na kung tutuusin noong nakaraang gabi lang kapwa sila umiiyak at nasasaktan. Hindi niya lubos mauunawaan sa ngayon kung bakit nagkakaganyan si Carlo; ang nais lang naman niya na kung may balak man itong layuan siya, sana lumayo at naglaho na lang ito nang tuluyan. Bakit bumabalik pa ito, at ang masaklap nandito ngayon sa kanyang harapan upang siya ay tulungan na malutas ang problima na kinahaharap sa ngayon. “Ako ang may pakana nito, ako

