bc

Killer Society: Anonymous

book_age18+
2.7K
FOLLOW
11.9K
READ
revenge
killer
possessive
kickass heroine
student
drama
mystery
campus
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

RATED SPG: Ang kuwentong ito ay para sa edad desi otso pataas lamang.

***

Hindi ito kuwento ng pag-ibig, bagkus ay paghihiganti at dahilan kung bakit napipilitan ang iba na gumawa ng 'di tama.

Dahil sa matinding pambubully na naranasan sa Horizon University, humantong si Nica sa isang mapait na desisyon— ang desisyong lingid sa kaalaman ng iba, magdudulot ng malagim na hinaharap.

Makalipas ang walang taon, ang inakalang mapayapang unibersidad, mabubulabog ng isang kahindik-hindik na video. Ito rin ang magiging simula ng aksyon ng 'Killer Society'—samahan ng mga kabataang pampalipas-oras ang maglaro sa mga mapanakit at mapang-abuso.

Ngunit ano ang kanilang gagawin kung ang paghahangad nilang makatulong sa iba, ang magtutulak sa kanila sa matinding panganib?

Part 1: Anonymous

Part 2: Deep, Dark Secret

Part 3: Higher Evil

Part 4: Decrypted

***

SPG/Suspense/Mystery/Drama/Psychological

chap-preview
Free preview
Prologue[Part 1.1]: Nica
RATED SPG Patikim: Maririnig sa may kadilimang silid ang mabigat na paghinga ng dalawang taong abala sa isa't isa. Naroon sa kama ang isang bente-siyete anyos na lalaking mapusok na gumagalugad sa labi ng desi-otso anyos na dalaga. Patuloy rin sa paghaplos ang malalaki nitong mga kamay sa braso ng babaeng— tulad nito ay lango rin sa kung ano. Nagsimulang gumapang ang kamay ng lalaki patungo sa likod ng dalagang kayakap nito. Paulit-ulit 'yong humimas doon hanggang sa makapa nito ang hook ng suot nitong bra. Mabilis na inalis ng lalaki ang bagay na 'yon at itinapon sa ere. Ang sunod nitong sinunggaban ay ang malulusog na dibdib ng babaeng 'di hamak na mas bata, kaya naman ito biglang napahiga sa malambot na kama. Napapaungol na lang ang dalaga habang yakap-yakap ang ulo ng lalaking kasiping nito. Napapasinghap pa ito at mistulang sarap na sarap sa ginagawa ng kasama. Wala kamalay-malay ang babae na ang mga sandaling ito ang magiging simula ng delubyo na magpapabago sa buong buhay nito. Wala itong kaalam-alam na sa silid na iyon ay may ibang nanonood. Tanging ang liwanag lamang na nagmumula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa may katamtamang silid. Ngunit sa kabila nito, buong-buo at malinaw na nakukuhanan ng isang video camera ang naturang eksena— ang eksenang kanina lamang plinano at 'di gaanong pinag-isipan. Pero para sa mga kabataang tila nasaniban ng kampon ng kadiliman, at siyang nakaisip ng bagay na ito, nasisiguro na ng mga ito ang tiyak na tagumpay. Naroon lamang ang mga iyon sa kabilang bahagi ng silid, impit na pinipigilan ang pagtawa sa kaklaseng alam nilang sa oras na bumalik sa katinuan, higit pa sa pagsisisi at kahihiyan ang mararamdaman. [SIMULA] Mag-aalas otso pa lamang nang umaga ngunit nakapapaso na ang sikat ng araw. Hindi naman 'yon gaanong alintana ni Nica sapagkat okupado ang kaniyang isipan sa pagmamasid sa paligid. Maingat siyang naglalakad sa nilikuang eskinita patungo sa unibersidad— ang daang mas malayo pero sa palagay niya'y mas ligtas para sa kaniya. Palinga-linga siya habang niraragasa ng matinding kaba ang kaniyang puso. Kailangan niya itong gawin para makasiguro. Magmula nang pagtripan siya at huthutan ng pera ng grupo nina Angelica, dito na siya nag-umpisang dumaan. Gusto lamang niyang makaiwas sa mga ito para wala na sanang gulo. Noong nakaraang linggo pa siya naging 'target of the month'. Iyon ang tawag sa mga gaya niyang 'di lumalaban. Pero, hindi ibig sabihin niyon ay mahina siya. Nangako lang kasi siya kay Mama Fat na magtatapos siya sa naturang unibersidad. At mangyayari lang iyon kapag hindi siya nasangkot sa ano mang uri ng gulo. Ngunit makalipas ang ilang sandali ng kaniyang paglalakad, kaagad niya ring natuklasan na ang kaniyang pagdaan doon ay isang malaking pagkakamali. Naroon na kasi ang babae, nakasandig sa pader na puno ng graffiti. Hindi ito nag-iisa sapagkat kasama nito ang mga kampon nitong demonyita. Biglang napaismid si Angelika nang magtama ang kanilang paningin. Nagsimula na rin itong humakbang palapit kasunod ang mga alipores nito. Kaagad namang nag-iwas ng tingin si Nica. Mukhang inabangan talaga siya ng grupo, na ngayon ay unti-unti nang pumapalibot sa kanya habang nakaplaster sa mukha ang mapang-asar na mga ngiti. Napahalakhak ang ibang kasama nito na pare-parehong hindi nakasuot nang maayos na uniporme. Ang isa ay may suot pang tshirt sa ilalim ng nakabukas nitong blouse. Tumawa nang malakas si Angelika at hinawakan ang kaniyang pisngi paharap sa mukha nito. "Tropa, iniiwasan mo ba kami?" tanong ng mala-anghel nitong tinig, ibang-iba sa mala-demonyo nitong ekspresyon. Hindi siya sumagot at tumingin lamang sa babae kaya lalo pang gumuhit ang pagkainis sa pagmumukha nito. Bigla nitong itinulak ang kanyang mukha kaya't bahagya siyang napaatras at muntikan pang mabuwal sa kinatatayuan. Napasandig na lamang siya sa kalapit na pader. Dumagundong din sa kaniyang pandinig ang paghalakhakan ng mga ito. "Eh, mahina 'ata ang utak ng isang ito, eh? Hindi ka maintindihan!" wika ni Lolly, ang matabang kaklase nilang kanina ay ngumunguya ng bubble gum. Ngayon, iniluwa iyon ng babae sa palad nito at itinapon sa loob ng bag niya. Halos bumaliktad ang kaniyang sikmura, hindi dahil sa pandidiri, bagkus ay dahil sa sama ng loob. Ngunit wala siyang magawa kundi ang mapakuyom sa kamao. "Dali! Akin na ang wallet mo!" pananakot ni Heidi, ang isa sa kasama nitong balingkinitan at may singkit na mga mata. Agad din siya nitong kinapkapan. Hindi niya alam kung bakit may mga taong sadyang nakakainis ang itsura. Siguro ay sadyang bumabagay lamang iyon sa pag-uugali. Kagaya ng magkakabarkadang ito. Pinagtulungan na siya ng mga ito na kuhanin ang dala niyang bag. May isang naghalughog niyon, at ang isa, sinimulan nang sampal-sampalan ang gilid ng kaniyang mukha. Wala siyang ibang magawa kundi ang mapapaling sa gilid. Nagsisimula na ring sumikdo ang kaniyang sama ng loob. Bigla siyang napakuyom sa kamao. Kaunti na lang, baka mapatulan na niya ang mga ito. Nang makita nga mga ito ang hinahanap sa kaniyang bag, agad 'yong iniabot sa pinakalider na si Angelika. Binuksan 'yon ng babaeng may kulay pulang buhok at kinuha ang lahat ng laman. Sinipat ni Angelika ang nilalaman ng wallet at muling napangiti. "Wow! Sino 'to? Ikaw ba ito?" tanong pa nito na kinuha ang maliit na picture na naroon. Itinapat pa iyon ng babae sa kaniyang mukha. "Para kang model dito, ah? Iba ka pala kapag naayusan?" pang-aasar pa nitong napangiti. Kaagad namang nagsalita si Kyle, ang morena sa grupo. "Naku! Edited lang 'yan!" wika nitong napahagalpak ng tawa. Nagsitawanan din ang iba pang kasama ng mga ito, na para bang sigurado ang mga ito sa kanilang naiisip. Hindi naman kasi siya 'yon, kung 'di ang nakatatanda niyang kapatid. May panibago na namang nakita si Angelika sa wallet niya at mas lalo pa itong natuwa. "Oh my! ATM card ba ito?" Doon na nagsimulang umalma si Nica. "Huwag 'yan! Bigay 'yan sa akin ng ate ko!" Sinubukan niyang hablutin ang card, pero inagaw naman 'yon ni Kyle na medyo may katangkaran, saka iniangat sa ere para hindi niya maabot. "Hanep! Nagsasalita pala siya?" wika ni Angelica na nasa mukha ang pagkamangha. "Sa ilang taon natin siyang naging kaklase, ngayon ko lang siya narinig na nagsalita? Akala ko nga pipi siya?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

His Obsession

read
73.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook