Chapter 27: Cosplay Party Part Two

1038 Words

    ***** Nick *****     Sa dining room ng condo ni Rachel, kumakain na si Nick kasama ang ibang miyembro ng Geeks Club. Siguro kung susumahin, nasa higit trenta lamang sila. Kasama na roon ang mga multong paminsan-minsan lang magpakita sa kanila. Iyon ay kapag may proyekto sila na may katumbas na malaking grade.   Katabi niya si Angel na 'di naman mapakali at kanina pa patingin-tingin sa phone nito. Wala pa rin kasi si Mia.   "Baka naman tinakasan na tayo n'on, kasi 'di ba, ayaw naman talaga niyang pumunta sa party na 'to?" wika ng babae na 'di naman magalaw ang kinuhang pagkain nito.   "Angel, kakainin mo ba 'yang tempura mo?" tanong ni Bogs nang maupo sa tapat nila. Punong-puno na nga ng pagkain ang dala nitong tray, pero mukhang kulang pa rin iyon.   "Kunin mo na lahat!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD