[Pagpapatuloy...] Nagsipagtayuan ang iba sa kanila para pumalibot kay Nick. Ganoon din si Prof. Zamora na halos lumuwa na ang mata. Kaagad kumabog ang dibdib ni Mia dahil sa kakaibang eksena. Sa isang silid, dalawang taong walang saplot ang magkasama sa kama. Parehong blurred ang mukha ng mga ito, ngunit hindi ang maseselang parte ng katawan nila. "Nick? Nanonood ka ng porn?" pagbibintang ni Prof. Zamora. Kaagad namang umiling-iling si Nick. Habang si Francis, hinihila na palayo si Rachel. Pero, hindi pa tapos ang video, dahil nag-uumpisa pa lang ito. Bigla na lang napasigaw si Mia nang makitang may hawak na pang-injection ang babae na agad nitong itinurok sa leeg ng lalaki. Natigilan ito sa ginagawa. Dumapo ang kamay nito sa leeg at mayamaya pa, napahawak na ito sa puso. Tila nap

