Chapter - 50

1369 Words
"Okay ka lang ba apo?” tanong ni Leandro nang mapansin na tila matamlay si Samantha. Masaya siya sa inihanda nang apo niya. Ngunit napansin niyang tila matamlay dalaga. Alam din niyang inagahan nito ang selebrasyon para sa kaarawan niya dahil sa aalis sila ni Lee nang bansa. “Okay lang ako lolo. Nagustuhan mo ba ang handa?” tanong nang dalaga at sinubukang ngumiti. “Oo naman. Maraming salamat.” Wika nito saka hinalikan sa ulo ang apo. Napatingin ang matanda kat Drake na nasa di kalayuan at nag-iisa. Alam niyang hindi pa ito sanay na makipaghalo-bilo sa mga kapatid niya lalo na at walang ibang ginawa ang dalawa kundi parating punahin ang mga binata at pamilya nito. “Mainit ka yata. May sakit ka ba?” tanong ni Leandro nang maramdamang tila may lagnat ang apo. “Uminom na ako nang Kanina. Baka maya-maya okay na din ako.” Wika nang dalaga. “Maaga ka ring magpahinga ngayon.” Wika pa nang matanda. Saka muling napatingin sa binata. “Mukhang hindi siya masasanay sa pamilya natin.” Wika ni Leandro na ang tinutukoy ang Binatang si Drake. Taka namang napatingin si Samantha sa lolo niya. “Ibig kong sabihin si Drake. Mukhang hindi siya masasanay na mamuhay kasama ang mga kapatid ko.” Wika ni Leandro. “Puntahan mo si Drake.” wika pa nang matanda. Napatingin naman si Samantha sa Binatang nag-iisa sa di kalayuan. Oo, nga at sinusubukan nitong makisama sa mga lolo at lola niya. Pero sa palagay ni Samantha mukhang hindi masasanay ang binata sa mga ito. Tuwing nagkakausap nalang sila parating pinamumukha nang mga ito ang nakaraan nang binata at ang ama nito. “Ang lalim na naman nang iniisip niya.” Wika nang dalaga habang nakatingin sa binata. “Hindi siya masasanay sa lugar na ito kung ganyang parang outsider ang tingin niya sa sarili niya.” Wika ni Leandro sa apo. “Sige na Samahan mo siya.” Wika pa nang matanda. Tumango naman ang dalaga saka marahang naglakad papalapit sa binata. Matapos ang nangyari kanina hindi na sila ulit nagkausap nang binata. “Drake.” mahinang wika nang dalaga na lumapit sa binata. Simple namang napatingin ang binata sa dalaga. “Bakit ka nandito?” tanong ni Drake saka napatingin sa lolo ni Samantha na noon ay kausap nang mga kapatid nito. Kanina lang Nakita niyang kausap ito ni Samantha. “Ako dapat ang nagtatanong niyan. Bakit ka nandito sa sulok.” Tanong nang dalaga. “Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko? Ah, naalala ko sinabi mo nga pala dati na huwag akong magluto para sa iba. Pero hindi naman iba ang pamilya ko diba?” Anang dalaga. “Para namang ikaw lang mag-isa ang nagluto.” Wika nang binata na may halong inis sa boses niya dahil naalala niya ang Nakita kanina sa kusina. Napaawang ang labi nang dalaga nang marinig ang sinabi nang binata. “Hindi kita aawayin ngayon dahil sa nakikita ko mukhang kailangan mo nang makakasama. Bakit ka nag-iisa dito?” tanong ni Samantha. “Well--” putol na wika nang binata saka tumingin sa pamilya ni Samantha. Hindi na kailangang magtanong pa ni Samantha alam na niya ang sagot. “Intimidated ka parin ba sa kanila?” tanong nang dalaga saka napatingin sa pamilya niyang tinitingnan nang binata. “Intimidated? I am not particularly sure if that’s the right term. Dahil sa nakikita ko. Kahit anong gawin ko wala silang makikita sa akin kundi ang background nang pamilya ko.” Wika na binata. “It irritates me. People judging me kahit wala naman silang alam sa totoong nangyari.” Wika nang binata. Saka mahigpit na napahawak sa basong hawak niya hindi naman iyon nakaligtas sa mga mata nang dalaga. “Hey.” Wika ni Samantha saka hinawakan ang kamay nang binata. Biglang napakunot ang noon ang binata nang maramdaman ang tila mainit na kamay nang dalaga. “Mainit ka. May sakit ka ba?” Nag-aalalang wika nang binata. Biglang binitawan nang dalaga ang kamay ni Drake dahil sa tanong nito saka napaatras nang bahagya. Nang makita ni Drake ang ginawa nang dalaga inilapag niya ang hawak na baso sa mesang nasa tabi nang kinatatayuan niya saka mabilis na hinawakan ang kamay nang dalaga at bahagyang kinabig ang dalaga papalapit sa kanya. Napamulagat naman ang dalaga dahil sa pagkabigla lalo na nang biglang ilagay ni Drake ang kamay nito sa noo niya. “What-what are you doing?” Nauutal na tanong nang dalaga. “Bakit mainit ka? May lagnat ka ba?” tanong nang binata habang nakatingin sa mukha nang dalaga. “Dahil ba sa nangyari kanina? Uminom ka na ban ang gamot?” Tanong pa ni Drake. “Okay na ako. Uminom na ako nang gamot.” Wika nang dalaga saka lumayo sa binata. “Mabuti pa magpahinga kana.” Wika pa ng nang binata. “Let’s go. Sasamahan na kita sa silid.” Wika pa nang binata na akmang aakayin ang dalaga nang biglang marinig nilang tumunog ang cellphone nang binata. Bigla namang napahinto si Drake saka kinuha ang cellphone niyang nasa bulsa ng pantalon niya. Napatingin ang dalaga sa binata nang kunin nito ang cellphone sa bulsa nang pantalon. “Nancy?” Usal ni Drake. Taka namang napatingin si Samantha sa binata nang marinig ang pangalang binanggit nito. Sa pangalan palang na tinawag nito alam na agad ni Samantha kung sino ang nasa kabilang linya. Napansin din niyang tila biglang nabalot nang pag-aalala ang mukha nang binata. Parang may nangyari kay Nancy. “Nasaan ka?” tanong ni Drake sa kausap sa kabilang linya. “Huwag kang aalis diyan. Pupuntahan kita.” Wika nang binata saka tinapos ang tawag nila ni Nancy saka walang paalam na akmang aalis pero mabilis na pinigilan ni Samantha ang kamay nang binata. “Drake. A-aalis ka?” tanong nang dalaga. “I’m sorry kailangan ako ni Nancy. Magpahinga kana.” Wika nang binata na tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay nito saka nagmamadaling umalis. “Pero kailangan din kita.” Mahinang usal nang dalaga. Pero wala naman siyang magagawa. Mas una pa rin para kay Drake si Nancy. Isang tawag lang nito. Nagkukumahog nang umalis ang binata kahit pa alam nitong may sakit din siya. “Sam.” Mahinang wika ni Lee na lumapit sa kanya kasama si Simone. “Umalis yata si Drake may nangyari ba?” Tanong ni Simone habang nakatingin sa Binatang papaalis. “Why do I feel like I have been waiting for him my whole life?” Bulalas nang dalaga saka bahagyang natigilan. “I should not have used that statement.” Anang dalaga na tumingin sa dalawang binata nang mapagtanto ang sinabi niya. “What?” Tanong ni Samantha na napatingin kay Lee at Simone. Nakatingin lang ang dalawa sa kanya saka tipid na ngumiti. “What?” Muling tanong nang dalaga nang makita ang makahulugang tingin nang dalaga. “Nothing. Now is not the right time.” Wika ni Simone. “It's Alright. It's okay. I know.” Wika nang dalaga na tipid na napangiti. “He is still in love with Nancy. Nakita niyong umalis siya nang hindi man lang nagdadalawang isip?” Anang dalaga. “Isang tawag lang ni Nancy para siyang kidlat sa bilis na umalis.” “Sam.” Wika ni Lee. “Same Listen. You know about this from the beginning, right?” wika ni Simone. “It's just that sometimes you forget. This marriage is not even a marriage because you love each other.” Ani Simone. “Hindi natin kayang diktahan ang puso nang ibang tao.” Dagdag pa nito. “You understand. We just don't want to see you heartbroken.” Wika ni Lee dalaga. “Yeah well, you got to look the other way because it's already busted wide open.” Wika nang dalaga saka pinahid ang luhang pumatak sa mata. “Magpapahinga na ako.” Wika nang dalaga saka tumalikod Ngunit nang humakbang siya biglang umikot ang paningin niya saka siya biglang nawalan nang balanse at biglang nagdilim ang paligid nang dalaga. Ang huli niyang natatandaan ay ang nagpapanic na boses ni Lee at ang bisig na sumalo sa kanya bago siya tuluyang mawalan nang ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD