"At naisipan mo pang umuwi dito. Nakikita mo ba ang sitwasyon namin? Habang ikaw nagpapakasarap sa syudad kami naman dito halos mag dildil na lamang nang asin! Nagpunta kaba dito para tingnan kung buhay pa kami?!” Asik nang isang ginang nang pumasok si Nancy sa kanilang bahay sa isang squatters' area. Ito ang isang katotohanang hindi niya masabi kay Drake. At isang bagay na naging dahilan kung bakit niya noon iniwan ang binata. Nang mga panahong iyon nalaman niyang, hindi naman pala siya tunay na anak nang kinikilala niyang pamilya. Anak siya nang papa niya sa isang kasambahay nila. Hindi magawang mabuntis nang asawa nito kaya naman binaling nang papa niya ang pagtingin sa noon at kasambahay nila, ang tunay niyang mama. Nang mabuntis ang mama niya. Nalaman iyon nang asawa nang papa ni Nancy. Dahil hindi siya magkakaroon nang anak tinakot nito ang tunay na nanay na ipapakulong kapag hindi nito ginawa ang sasabihin niya.
Dahil kailangan din ng pera nang tunay na mama ni Nancy nang mga panahong iyon, wala itong naging choice kundi ang sumunod sa gusto nang asawa nang papa ni Nancy. Nang makapanganak ito, kinuha nito si Nancy at pinalayas ang mama niya. Kamakailan lang nang malaman ni Nancy ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. Para mamuhay nang marangya at hindi matulad sa buhay na meron ang mama niya ngayon. Kailanga niyang sundin ang gusto nang mga kinalakihan niyang magulang. Isa na doon ay ang iwanan si Drake nang malaman nang pamilya niya ang tungkol sa fraud case nito. At makipag engage sa business partner nang papa niya.
Isang business lang naman ang trato sa kanya ng magulang niya. Hindi siya makapagdesisyon para sa sarili niya. Wala siyang kakayahang labanan ang mga ito dahil anak lang siya at kung hindi dahil sa mga ito hindi siya makakapasok sa isang magandang university at hindi magiging marangya ang buhay niya. Hindi niya tatamasain ang mga magagandang bagay na meron siya ngayon kung babalik siya sa tunay niyang mama. Naghihirap ang mga ito at halos walang makain, Walang trabaho ang mama niya maging ang mga kapatid niya.
Masaya siyang malamang buhay pa ang tunay na mama niya. Pero hindi niya magagawang mabuhay na kasama nang mga ito. Lalo sa lugar na siksikan nila Mas malaki pa ang kwarto niya sa bahay nang mga magulang niya sa bahay na tinitirahan nang mga ito.
“Ano naman yang dala mo.” Wika nang isang lalaking nakaupo sa sofa habang umiinom nang beer. Nakita ni Nancy na tumayo ito at lumapit sa kanya saka kinuha ang mga dala niya.
“Buti at naisipan mo pa kaming dalawin. Hindi dahil, anak ka nang mayamang tao. Kakalimutan mo na na may pamilya ka dito.” Asik nang lalaki kay Nancy. “Mabuti naman at may dala. Pero bakit ito lang?” wika nang isang babae na lumabas sa isang silid kasunod ang isang lalaki na wala pang damit pang itaas at naka pantalon lang. bahagya pa itong tumingin sa kanya bago lumapit sa binatang nasa sofa na kumuha nang kanyang dala saka tumulong din sa paghalungkat nang mga dala niya.
“Hanggang kailan ka naman dito? Pinalayas kaba nang magaling mong ama kaya naisip mo kaming puntahan” Tanong nang ginang na lumapit sa mga anak nito na abala sa paghahalungkat sa dala ni Nancy.
“Dinalaw ko lang kayo.” wika ni Nancy saka tumuloy sa bahay at naglakad patungo sa silid niya. Nang malaman niyang ito ang tunay niyang pamilya, binigyan siya nang silid nang mama niya dito sinabi nitong kapag gusto niyang makalayo sa magulong buhay niya bilang anak mayaman pwede siyang manatili sa bahay nila. Ngayon tila hindi niya alam kung tatanggapin siya ulit ni Drake naisip niyang pumunta sa bahay nila. Ayaw niya ding umuwi sa bahay nila dahil ayaw niyang makasagutan ang asawa nang papa niya. Sinisisi siya nito kung bakit nasira ang engagement nila ng partner nang papa niya. Sumasakit lang ang ulo at dibdib niya kapag nasa bahay nila. Hindi rin niya malapitan si Drake dahil alam niyang binabantayan ito ni Samantha.
Nang buksan ni Nancy ang pinto isang babaeng walang suot na damit ang nakita niyang nakahiga sa higaan niya agad naman niyang isinara ang pinto saka napatingin sa mga tao sa sala. Ang kanyang mama at ang kanyang ate at kuya ay para bang walang pakialam sa kanya.
“Wala bang magpapaliwanag sa akin?” Wika ni Nancy.
“Ano bang sinasabi mo?” Tanong nang kapatid niya.
“May Tao sa silid ko.” Wika nang dalaga.
“Ano naman ngayon. Pamilya tayo dito lahat ng nandito sa bahay na ito ginagamit nang lahat. Palibhasa lumaki kang mayaman kaya hindi mo kami naiintindihan.” Wika nang lalaki kay Nancy. Napuntong hininga lang ang dalaga. Hindi siya makapaniwala sa trato sa kanya nang tunay niyang pamilya.
Napatingin lang si Nancy sa nanay niya at sa dalawa niyang kapatid na mas matanda sa kanya. Ang ate Merced niya, isang dating public school teacher na huminto simula nang makarelasyon ang isa sa mga estudyante nito na ngayon nga ay kinakasama na nito at siyang lalaking nakita niyang lumabas sa silid nito. Ang lalaking ito naman na umiinom kahit tirik na tirk ang araw ay ang kanyang Kuya Lucio, isang tambay at walang trabaho. Anak ito nang mama niya sa asawa nito. Nang magtrabaho ang mama niya sa bahay nang papa niya at pinagbuntis siya iniwan siya nito at sumama sa iba. Masyadong magulo ang buhay nang pamilya nila kaya naman hindi niya gustong bumalik sa lugar na ito kaya lang, hindi rin niya gustong manatili sa bahay nang papa niya dahil sa naalala niyang walang ibang gusto ang mga magulang niya kundi ang magpakasal siya sa business partner nito.
“Sino ang babae sa loob nang silid ko?” Tanong ni Nancy. Alam naman niyang dati pa hindi na ginagalang nang mga kapatid niya ang lugar niya sa bahay na iyon ngunit hindi naman niya magawang magreklamo wala siyang ibang pamilyang mapupuntahan. Hindi niya alam pero pakiramdaman niya para siyang namamalimos nang pagmamahal. Karma ba niya ito dahil sa iniwan niya si Drake nang mga panahong kailangan siya nang binata? She tried to become a good child. Ginawa niya ang lahat nang gusto nang mga ito.Hindi nagrereklamo para lang tanggapin muli nang mga ito kaya lang hanggang ngayon balewala parin siya sa mga ito. Kahit alam na niya kung saan siya galing para naman siyang isang estranghero sa buhay nang mga ito. Ngunit kahit ganoon hindi naman niya magawang talikuran ang mga ito.
“Siya ang bago kung girlfriend.” wika ni Lucio na sinimulang kainin ang dala niya. Napatingin naman siya sa kanilang ina. Tahimik lang itong kumakain na para bang wala pakialam sa ginagawa nang anak niya.
“She looked like a high school student.” Wika ni Nancy saka naglakad patungo sa pamilya niya.
“Ano namang pakiaalam mo.” Sakristong wika nito.
“Alam ba nang mga magulang niya narito ang batang yan?” Tanong ni Nancy sa kapatid.
“May pera ka ba diyan? Malaki ang allowance na binibigay saiyo nang mayaman mong papa diba? Wala na akong panggastos.” Wika ni Lucio na hindi manlang pinansin ang sinabi ni Nancy.
“Kakabigay ko lang nang pera? Naubos na ba kaagad? Hindi naman mikyon ang allowance ko.” Tanong ni Nancy. Simula nang umuwi siya sa bahay na ito naging obligasyon na niyang bigyan nang pera ang mga ito Dahil pakiramdam niya titirik ang mga mata nang mga ito kung hindi siya magbibigay.
“Kinukwentahan mo ba kami?” Asik nang kanyang ate Merced. Saka tumingin nang derecho sa kanya saka ibinaba ang kinakaing drop stick. “Nakakawala ka nang gana. Nag mamalaki ka ba dahil mayaman ang ama mo?” Asik nito.
“Baka nakakalimutan mong malaki ang utang na loob mo sa amin kaya ka nasa kinalalagyan mo ngayon. Huwag kang magmalaki. Tumingin ka sa pinanggalingan mo.” Dagdag pa nito. Napakuyom naman nang kamao si Nancy.
Ganito ang usapan nila tuwing umuuwi siya. Hindi naman sana niya gustong umuwi kaya lang ayaw naman niyang matawag na walang utang na loob at hindi marunog tumingin sa pinangalingan niya. Dapat ba niyang ipagpasalama na nabuhay siya nang ganoon? Lumaki siyang naniniwalang ang mama niya ngayon ang tunay niyang mama. Tapos malalaman niyang mas mahirap pa sa daga ang tunay niyang mama at may mag kapatid na batugan.
“May dala kang damit hindi ba?” Tanong nang kanyang Kuya lucio saka tumayo. At naglakad patungo sa silid niya. “Magbihis ka may pupuntahan tayo. Mag bihis ka na parang isang babae. Mag sout ka nang palda hindi yang puro pantalon.” Wika nito saka binuksan ang pinto nang silid saka padaskul na isinara iyon. Hindi naman nagawang magtanong ni Nancy sa ate niya at sa ina niya dahil tila wala namang pakiaalam ang mga ito.